Hindi mahimbing ang tulog ni Jordan. Mailap ang antok.. Malikot ang pagkahiga ni Jordan at nasipa na niya sa tabi ang kumot, kahit na malamig ang aircon sa kwarto niya. Ang karaniwan ay natutulog siya na naka-Tshirt at maluwang na shorts lang. Ngayon ay nakatambad ang halos hubo’t-hubad na katawan niya,… at maiksing brief lang ang saplot. Ang makisig at batak niyang katawan ay iinat, tatagilid, titihaya…tila may hinahanap na pwestong matiwasay.
Sa pagod, hindi man lang siya nakapagpalit ng maayos na pantulog. Parang ang daming nangyari nitong nakaraang gabi lang na gumagambala sa kanya.
Kailangan niyang bumangon bago sumikat ang araw, at tumungo sa airport, para makiangkas sa isang military transport plane. Ang ama ni Jordan ay isang koronel na naka-destino at namumuno sa isang military camp sa isang lalawigan sa Visayas. At doon si Jordan magbabakasyon itong summer break niya.
Tinapos niya ang huli sa maraming exams nya at ang iba pang mga requirements sa universidad, kung saan siya ay nasa 1st-year college.
Nag-attend pa siya ng huling practice ng varsity swim team sa magtatapos nitong semester. Tapos nagmadali din siyang asikasuhin ang mga huling bilin ng kanyang ina, na maiiwan sa Manila. Kaisa-isang anak si Jordan at nag-iisang katulong ng kanya ina sa pagpapalakad ng malaking negosyo nito sa Maynila dahil halos nanatili na sa probinsya ang kanyang ama. Dalawang buwan siya sa probinsya, kaya ang daming kailang ayusin at tapusin bago siya lumisan.Kahit madalas magkahiwalay ang mag-ama, naging malapit pa rin sila sa isa’t-isa. Nakuha ni Jordan ang pagka-chinito at kaputian niya sa kanya ina. Pero ang kisig, tangkad, at balbon sa katawan lalo na sa paa, kamay at ang konting buhok mula sa dibdib hangang sa puson ay nakuha niya sa kanyang ama. Pati na rin ang ugali niya, pareho sila ng ama niya: malakas ang dating, napaka-achievement-oriented, matalino at masigasig. Magaling makitungo sa ibang tao. At sa pana-panahong magkakasama sila, para lang silang magkabarkada na ginagawa ang pareho nilang hilig: basketball, swimming, kwentuhan, workout sa gym, hiking, biking at kung ano-ano pang mga aktibong gawain.
Ninais ni Jordan na makapag-pahinga ng maayos para hindi sya mabugbog sa mahabang byahe kinaumagahan. Pero hindi talaga siya makatulog ng husto. Bukod sa pagod at stress ng kanyang maraming ginawa kahapon, may isa pang pangyayari na bumabalisa sa kanya.
Halos alas-7 ng gabi na siya nakarating sa bahay kagabi. Gutom. Pagod. Naghahanda pa lang ng hapunan nila si Mama at ang kanilang katulong.
“Anak, sandali na lang ito…at kakain na tayo”, sabi ng kanyang ina. “Dumating na pala si Dulay… nandun sya sa garahe. Usisain mo nga kung kumusta na sya, at kung ano pa ang kailangan ninyo para sa biyahe ninyo bukas”.“Ipapatawag na lang kita kay Manang Linda, pag handa na ang hapunan …”, dagdag nito.
Si Sarhento Arnel Dulay ay katiwalang kawani at driver ni Col. Chris Quiambao. Mga 3-taon na siyang naninilbihan dito at madalas mautusan si Sarge Dulay na pumunta sa Maynila para atupagin ang mga iba’t-ibang gawain na utos ng koronel. Pagdumadating ito sa bahay ng mga Quiambao sa Manila, kadalasan nakikitulog ito sa may quarters sa ligod ng garahe. Andito sya ngayon para sunduin at samahan si Jordan sa biyahe.
Mabilisang nag-shower muna si Jordan, at nagpalit ng kasuotang pambahay, bago tumungo sa driver’s quarters sa likod ng garahe.
“Sarge…., sarge….”, tawag ni Jordan, habang tinungo niya ang pintuan ng quarters. Madilim, walang ilaw. Mukhang sira na naman ang ilaw at tanging liwanag ng kandila ang maaaninag. Kailangan ayusin, at baka maging sanhi pa ng sunog, isip-isip ni Jordan.
“Sarge…..???”.
Pumasok si Jordan sa kwarto. Pero walang tao. May kumukurap na liwang ng kandila na nanggagaling sa loob ng banyo. At naririnig niya ang mahinang patak ng tubig. Sa loob ng halos madilim na banyo, naaninag ni Jordan ang basang katawang ni Sarhento Arnel Dulay. Hubad.
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS STORIES (PINOY EXPERIENCES)
SonstigesThis story comes from different websites that focuses on stories of different people. It contains many scenes that are not suitable on minors and very young audiences so be aware. Enjoy reading everyone 😊