Ikatlong handog

8 0 0
                                    

Mahabang katahimikan ang namayani bago siya nakasagot.

"Ah. You knew, should I fire Rhea then?" Uminom siya ng tubig at pinunasan ng table napkin ang bibig. Kinabahan ako sa sinabi niya, I can't afford to lose a friend.


"Atleast siya, nabigyan ako ng ideang aalis ang taong nakasama ko sa loob ng pitong taon." Tumayo ako at inilagay na sa sink ang pinagkainan.


"Don't turn your back on me, Francesca!" Di ko siya pinakinggan at tumuloy sa kwarto but then naabutan niya ako at hinawakan ng mahigpit sa braso.


"WHAT THE F*CK! Ano bang kinagagalit mo?"

"Nagtanong ka pa talaga! Huh? I can take it, kahit ilang beses kang hindi sumipot sa meet-ups natin! Huwag ko lang malamang kasama mo ang letseng Winona na yun!"


"Shut the f*ck up!! She's still my wife!"

She's still my wife.

Napatigil ako sa sinabi niya. Di ko na napigil ang sakit at ang pagdaloy ng luha ko. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang hagulgol.


"S-Sorry, masyado lang akong nag-assume na may balak kang hiwalayan siya at pakasalan ako." Tumalikod ako at pumasok sa banyo, naririnig ko ang mga pagtawag niya pero di ko pinansin. Unti-unti akong napaupo at napasandal sa pinto ng banyo at patuloy na humagulgol. This is not the first time I cried but, this is the worst. Tumagal ako dun ng isang oras at lumabas na rin pagkatapos maghilamos. Naka-upo siya sofa at tila may malalim na iniisip. Tumuloy na ako sa kwarto at humiga ng patagilid, My eyes are dry kahit na may gusto pang lumabas ayaw na pagod na rin ata sila.

Naramdaman ko ang paglundo ng kama sa bandang kanan, dama ko ang mga tingin niya pero nagpanggap akong tulog na.

"If only I can tell you." Yun lang at sunod ko ng naramdaman ay mabining halik sa aking pisngi.

Just let me understand, and I'll make sure even if the reasons to give up are given …I'll still hold on no matter what … even through ages.

That night I made my own decision.

AN

Unedited.

What about ... US? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon