Maaga akong bumangon kinabukasan, wala na rin si Luigi. Pagdating ko sa office ay wala pang tao pero ilang minuto lang ay dumating na sila pinaalala pa ni Lala ang lakad namin mamaya tango lang ang sagot ko. Ang sumunod na oras ay di ko na namalayan dahil sa pagkakatutok ko sa ginagawa hanggang sa …
"Attention everyone, just a moment at may mahalagang announcement si Mr. Soriano para sa'atin," Tumingin si Ma'am Sonia sa lalaking nasa likod. "Sir."
"Goodafternoon everyone. Due to some problems in one of our branch in the other country, I personally decided to attend to it my own. So this afternoon I want you to meet your new Boss, Troy Phoenix Soriano." Nagpalakpakan lahat at nagsalita naman ang kasama nilang medyo kahawig ni Luigi, kaso may ibang aura kahit sobrang gwapo mukhang delikadong madikitan.
"I'll promise to be good to all of you." Kumindat pa ito at may narinig pa akong napatili at napa-mura. Maya maya pa nagsibalikan na sila sa pwesto.
Gabi, dumiretso na kami ni Lala, Rhea, Nico at Seth mula sa HR department sa Bar na choice wala naman kasi akong alam sa ganito.
"What's this?" Tanong ko ng may iaabot si Lala.
"Inumin mo nalang." Kumindat pa sakin.
Sinunod ko nalang, nasundan pa yun pero tinanggap ko nalang ng tinanggap. Libre naman daw ng boys. Naiwan ako ako sa upuan at ang apat ay nagpakasayang sumasayaw sa gitna, tutal ayoko namang sumama dito nalang ako.
"Hey! Eca? Tinulugan mo na kami." Nagising ako sa tapik sa balikat ko. Medyo nahihilo na ako.
"Grabe ka! Sa sobrang ingay dito nakatulog ka." Singit naman ni Seth na tumatawa pa. Medyo tipsy narin sila pero mas malala talaga ako.
"Ihahatid ka na namin, tara." Ani ni Rhea sabay alalay sakin. Ng makasakay sa kotse ni Nico tinanong nila ako kung san nakatira, sinabi ko na din. Akala ko ibababa lang nila ako pero hinatid pa nila ako hanggang pinto ng unit ko. Naka-alalay sakin si Nico habang yung tatlo hinahanap yung card na susi pero dahil lasing medyo di nila mahanap agad at nagtatawanan nalang, pinindot ko ang buzzer pinipigilan pa nga ako ng natatawang si Nico sa pag-aakalang pinaglalaruan ko lang.
"Sh*t nahihilo na ko! Kayo nalang mag hanap." Ipinasa ni Lala ang bag ko kay Seth at Rhea na tinawanan lang siya.
"Nahanap ko na! HAHA! Akala niyo huh---" Natigil ang kasiyahan ni Rhea ng sabay sabay kaming napalingon sa pagbukas ng pinto.
"S-Sir …"
AN
Unedited. BWAHAHAHA!