Hindi ko alam pero masyadong busy ang mga tao sa restau ngayon. Walang pumapansin sakin at patuloy sila sa pagpaparoon at parito.
"Sven" hinila ko siya dahil mukhang walang balak huminto.
"Anong meron? Bakit busy kayo?"
"Di ka ba nasabihan ni Ryan?"
"Bakit?"
"May engagement mamaya mukhang bigatin kaya ayon lumabas nanaman ang pagiging perfectionist ni Ryan. Lahat ata ng empleyado dito nasigawan na niya." Umirap pa si Sven.
"Letse ka talaga Ryaaan!"
"What the fuck? Why are you cursing me?"
Napatigil ata lahat ng mangagawa sa sigawan na narinig namin.
"Yah! Get back here!" Pero hindi siya pinansin ni Jela at patuloy parin sa paglakad. Si Jela lang ang nakakapatol sa init ng ulo ni Ryan. Bumalik naman agad sila sa ginagawa at baka sila pa ang mapagbuntungan ng galit ni Private Ryan.
Sinundan ko si Jela. Sa back beach siya tumuloy. Pinag sisipa niya ang mga pinong buhangin dahil sa inis.
"LQ nanaman kayo?" Sinamaan niya ko ng tingin.
"HAHAHA. Okay lang yan Jela. Pinagdadaanan talaga yan sa buhay."
"Ate Eca, kung mangiinis ka lang iwanan mo muna ko."
"Nope. Pero seryoso it was so childish to quarrel about small things."
"How d'you know it was just a small thing, Ate?"
"Mababaw lang naman lagi pinagaawayan niyo e."
Tumawa ako at umiwas sa hampas niya. Tumakbo na ko pabalik sa Restau para tumulong.
Gabi na at ilang minuto nalang daw ay magsisimula na ang Engagement. Ako ang unang set kaya umakyat na ko.
Bumati ako sa mga tao. Ewan ko kung bakit pero di nila ginawang exclusive ang Restau kaya nagtataka ako. Dumating na ko sa oras kung saan kukuha ng request.
Ngumiti ako sa isang waiter na nagabot ng isang papel.
Starting over again.
Somehow the penmanship looks familiar. Pero itinabi ko na ang iniisip ko dahil impossible. Inumpisahan ko na ang pag gigitara.
Malapit na kong matapos ng biglang nagtayuan ang mga customer at pumila isa isa.
Napahinto ako sa pagkanta dahil may nag-abot saakin ng bulaklak nagtaka ako dahil sa nangyari.
Nag karoon ng background song na kanina ay kinakanta ko lang. Napaiyak ako ng makita ko si Lala at Rhea.
"We missed you loka. Di ka na bumusita." niyakap nila ako at siyang ikinaiyak ko naman.
Sunod kong nakita ay sila Seth at Nico. Sandaling kamustahan lang ang nangyare.
"Hm. Hello! Hello! 1-2-3 mic test." Hinanap ko ang pinagmulan ng ingay.
Sandaling nagtama ang paningin namin. Isang taon at anim na buwan palang pero parang ang laki agad ng pinagbago niya.
Mas gwumapo pa siya. And by looks of it I like it more. Pero anong ginagawa niya dito?
"Fuck. Kinakabahan ako.
Narinig ko ang tawanan ng mga empleyado at bisita.
"Gwapo ka parin Sir!" Narinig kong sigaw ni Seth.
"Remind me to give you a bonus when we get back to Manila."
Nagtawanan ulit sila at mataman na akong tinignan ni Lui. Nakaramdam ata ang nasa paligid na seryoso na ang susunod na magaganap.
"Baby..." Just 4 letters he cn already make me feel weak.
"Dito lang ako. Natatakot kase akong baka masapak mo ko." Nagtawanan ulit sila siguro marahil akala nila ay seryoso na si Lui. Pero bakit ang benta ni Lui sa kanila ngayon?
At bakit parang naging masayahin siya ngayon?
"Hm. I'm sorry it takes this long bago ako magkaroon ng lakas ng loob para magpakita sayo. I am so sorry for all the times that I made you feel worst. For those times you made me feel special but in return I seems not to appreciate it, but I did. I am just too scared to admit it myself. That somehow You are special. That somehow, konting konti nalang mababaliw na ko sa pagmamahal sayo."
Bumilis ang pintig ng puso ko ng makita ko siyang humakbang.
"I am ready now. To face all my demons. All of the shits I've been thinking. Baby, I'll take the 99 steps to get back to you. Please don't take the last step to turn away from me." Nakita ko ang pag tulo ng luha niya't mabilisan niya itong pinunasan.
"I know you have been waiting all your life for me to ask this question pero di ko alam kung handa ka pa ba hanggang ngayon." May hinugot siya mula sa bulsa.
Napatakip ako sa bibig ko ng makita ko iyon. Tama siya I have been waiting all my life to have this moment.
"Francesca. Will you marry me?"
E N D ---
Sorry. Di talaga ako magaling sa ending. HAHAHA. Mabilisan ko nalang yong tinapos dahil tengga ito for almost one year.
Open ended dahil mabalitaan niyo pa naman sila sa mga susunod na kwento. Ciao.
:)
