Nabibilang ba ng taon ang mga dahilan kung bakit kailangan mong ipagpatuloy ang paglaban?
Nasusukat ba nito kung gaano kalalim ang pagmamahal mo para sa isang tao?
At …
Maari ba itong gawing rason … upang sumuko?
--
Luigi? Why are you not yet here?
Sent.
Please. Text back ASAP.
Sent.
Hm. Okay I got it. You forgot about this again, Aren't you? Take care always … I love you.
Sent.
Iniligpit ko na ang gamit ko at tumayo na. I've been waiting for 4 hours here at La O'real galing office dumiretso na kagad ako dito dahil supposedly magkikita sana kami ni Luigi. But, yeah ayun nga mukhang nakalimutan na niya na magkikita kami.
Nagpasya nalang ako na umuwi na sa condo at mag pahinga, 10:27 Pm na ng makarating ako kaya naligo at nagbihis na ako. Papatulog na ako pero di parin ako nakakareceive ng text galing kay Luigi, may emergency meeting ulit siguro.
Next day …
Nagmamadali ako dahil late na ako nagising, okay aaminin ko na inantay ko pa rin siyang magreply. Naka pasok na ako sa elevator at medyo punuan may mga kasabay akong nag-uusap pa tungkol kay Luigi-- CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko.
Maya maya ay may pumasok na isang sopistikadang babae na nakasuot ng itim na dress di lumalagpas sa kanyang tuhod.
Halos sabay sabay na bumati ang mga empleyado, kasama na rin ako kahit nakakailang ang tingin na ipinukol niya sakin.
"Goodmorning Mrs. Soriano."
Nakayuko lang ako buong pag-akyat, pakiramdam ko ay sobrang tagal ng pag-taas namin unti-unti naring nauubos ang mga empleyado hanggang kami nalang ni Mrs. Soriano ang natira, actually di naman siya ganun katanda -- 29 palang kasi ito at yun lang ang nakasanayang itawag sa kanya sa loob ng 5 taon.
"How old are you?" Napalingon ako sa kanya ng bigla siyang magsalita pero di naman siya sakin nakatingin. But I know ako ang kausap niya dahil kami nalang naman ang nasa loob.
"27 po ma'am." Sagot ko, tumahimik siya sandali pero nung nasa 25th floor na (26th ako bababa.) Ay nagsalita siya ulit.
"Sorry for the other night. Di ko na hinayaang umuwi sayo si Lui, masyado na kasing gabi delikado." Nakita kong walang emosyon ang mga mata niya sa salaming pinto ng elevator. At aaminin ko nasaktan ako pero di na ko nagreact … wala naman akong karapatan.
Ting *
Nagbukas na ang pinto at di na ako nag atubiling lumabas. Nung makarating ako sa pwesto ko ay doon ko lang naramdaman ang panghihina. Agad akong umupo at pinigil ang mga luhang nagbabadya.
Bakit ka iiyak?
Oo nga, anong karapatan ko? Siya parin ang asawa kahit di na sila nagsasama, kahit ikaw ang inuuwian paminsan minsan sa mata ng iba ikaw parin ang kabet.
AN
Unedited :D
