Ikalimang handog

13 0 0
                                    

Nawala ata ang pagkalasing ko ng makita ang madilim ang mukha, kahit ata yung apat nakaramdam dahil nagmamadali ng nagpa-alam kahit na inalok sila ni Luigi mag kape.

Nakaupo lang ako sa sofa habang si Luigi ay inaayos na ang mga gamit alas-dos na ng madaling araw at pinapatulog na niya ako pero di ko sinunod, tinitignan ko lang siya.

Malamig na ang kapeng binigay niya sakin. He didn't even confront me 'bout going out with the co-employees but, should I be bothered?


"How long are you going to stay there?" Mahina kong tanong.

"A month or two ... I don't know." He answered without looking.



"A-Are you with her?" Huminga ako ng malalim. "I mean Winona."

"Yeah."

Napahawak ako ng mahigpit sa braso ko. Masakit oo, pero hindi dapat dahil walang karapatan. Hindi ko alam kung ganto din ba ang naramdaman ni Winona nung nalaman niya ang tungkol sakin -- given na arranged lang ang lahat sa kanila but I can't help to think na in other way naging mahalaga din sa kanya si Luigi.



"Should I ..." Am I really going to ask this? "... wait for you then?"

He stops whatever he is doing.


"Huwag mo ng sagutin." I stood up and went to the kitchen to put the mug, I really want to break down ... napatingala ako to keep the tears from falling.

Bumalik lang ulit ako sa kwarto ng maging mahinahon, umupo ulit at pumikit na habang nakasandal ang ulo sa sofa.


Moments passed narinig ko na ang pag angat ng mga gamit niya at mga yapak papunta sakin ramdam ko ang mga titig niya but I didn't open my eyes. I felt something soft touches my forehead and the sides of my cheeks before my lips. I badly wanted to hug but I keep myself from doing it, I won't give him a chance to change his mind. Ayoko ng makagulo.



The moment I heard the door closes, tuloy tuloy ang pag buhos ng mga luha ko hanggang sa naging hagulgol. I'm tired but, I still want to hold on him.


My eyes are dry. AGAIN. I was looking at the ceiling for hours before standing up. Nilabas ko ang bag ng mga gamit na inayos ko ng nakaraang gabi, yung mga gamit na naipundar ko. Everytime na nakakahawak ako ng mga bagay na may koneksyon kay Luigi ay napapatigil ako.


For the last time tinignan ko ang buong unit na naging bahagi ng saya't pighati ko sa loob ng maraming taon. I turned off the lights and close the door.

Lumabas na ko ng building at pumara ng taxi, babalik muna ako sa apartment at bahala na.

Pinikit ko ang aking mga mata at nag isip ng mga gagawin ko.

Tuwing naiisip kong magkasama sila I can't help it, kumikitid ang utak ko!

What about ... US? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon