"Eca? Let's go! Sa amin ka na sumabay ng pagkain ng Lunch." Napaangat ako ng tingin kay Lala, di ko napansing 12 na dahil nakafocus ako sa ginagawa ko.
"Ah, sige mauna na kayo susunod ako aayusin ko lang ang mga gamit ko."
"Siguraduhin mong susunod ka." Umuo nalang ako para matapos na.
I don't know kung pinaglalaruan ako ng tadhana pero napa- WHAT THE EFF talaga ako pag bukas na pagbukas palang ng elevator.
"Are you coming in or what?" Nakasimangot na tanong ni Luigi kasama si Mrs. S. Napakagat labi muna ako bago pumasok. What's with the elevator today? Really.
"Where are you going to eat your lunch?" Malamig niyang tanong sakin. Tahimik lang naman si Ma'am S.
"Canteen, S-Sir."
"Who are you with?" Nakakunot noong tanong niya.
"Sila Lala po." Di na siya nagtanong pa hanggang makarating kami sa baba, dumiretso na ako sa canteen kinawayan ako ni Lala para makita ko kagad siya.
"Ang tagal mo bruha, pinag-order ka na namin." Kasama namin sa table si Rhea na secretary ni Luigi.
"Kasabay mo pala yung mag-asawa." Singit ni Rhea, glass door and window kasi ito kaya nakita nila marahil.
"Ay! Loka, alam mo na ba yung balita?" Excited na tanong ni Lala. Binigyan ko siya ng hindi-eh-ano-ba-yun-look.
"Next week, si Sir Troy na daw pansamantala ang hahawak ng Kumpanya." Napatigil ako sa pagkaen sa ibinalita niya, teka bakit?
Binatukan ni Rhea si Lala.
"Ano ka ba naman! Ang lakas ng bunganga mo," bumaling siya sakin at nag hand gesture pa na tipong pinatatahimik ako. "Huwag kang maingay huh, confidential kasi yun."
"B-Bakit daw?" Nag hagikgikan ang dalawa.
"Baka gagawa ng baby." Tumataas taas kilay na sagot ni Lala.
Ewan pero, parang nabwisit ako sa sagot niya.
"Kelan ba sila aalis?"
"Saturday na." Thursday na ngayon ah?
"Ay ou nga pala!" Singit ni Lala. "Nag-aayaya si Nico bukas! Bar hop daw, you know pay day friday."
"Ah. Di ko pa sure kung makakasama ako."
"Ay! Bawal KJ!" Naka pout pang sabi ni Rhea.
Di nalang ako sumagot.
UMUWI agad ako pagkatapos ng office. Pagkarating ko nagulat ako ng makita si Luigi na nagluluto. Humalik ako sa pisngi niya sa kabila ng pagkagulat.
"Go change. After this we are going to eat na." I just nodded.
Pagkabalik ko tapos na nga, naligo pa kasi ako eh.
Habang kumakaen di kami naguusap, pero siya ang naglalagay ng kanin at ulam ko.
Bakit ba naman kasi attracted ako sa masungit? Mysteryoso? At mga madalang ngumiti! Yan tuloy di ko alam ang iniisip niya.
"Hmm. Bukas pala, nagkaayaan kaming mag bar hop." Tinaasan niya ako ng kilay.
"Sinong kasama?"
"Si Lala, Rhea, Nico --"
"NO!"
"What?"
"You are not coming!"
"But, why?"
"Coz its dangerous! Mahirap na, you are with a guy!"
"So what?"
"Too dangerous."
"Then don't leave! Bantayan mo ko." Tumaas ng bahagya ang boses ko kasabay ng pagkagulat niya.
Dont leave please, Luigi.
AN
UNEDITED.