~ BRIELLE~
Shit. Fuck. Tangina. Pakshet. Buwisit.
How did we end up like this?
"Alexander!"
Parehas na nanlaki ang mga mata namin ni Alexander dahil sa gulat nang dumating ang mama niya kasama ang isang nakatatandang ginoo.
"Mom, calm down."
Agad na umalis ako sa pagkakapatong kay Alexander na siya namang naging pagkakataong nito upang tumayo.
Inilahad rin nito ang kanyang kamay upang tulungan akong tumayo pero parang nanghina na talaga ang tuhod ko sa gulat dahil talagang bago ako tuluyang makatayo ay muntik na akong madulas, mabuti na lang ay nasalo ako ni Alexander.
"I can't believe this Alexander." Alexander's mom started walking back and forth, figuring out what to say to his son. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil sa nadatngan niyang ayos namin kanina. "How can you show such indecency to your family! I never thought you're the type to do it in public!"
"Mom calm down. Can you at least let me explain first?" Alexander looks frustrated. Parang 'di niya na alam kung anong gagawin sa ina.
Nasa library na kami ng cottage ngayon, nakaupo lang ako dito ng tahimik habang pinapanood si Madam Ophelia na magpalaka-lakad sa harap namin ni Alexander.
"Ophelia, why don't we let Xander tell us the story.From the looks of it, this young lady with him seems to not be one of those."
He means 'prostitute'. Malumanay ang pagkakasabi ng lolo ni Alexander at walang halong panghuhusga at pangmamaliit, pero hindi pa rin naging maganda ang dating nang salitang iyon sa akin.
"What do you mean papa, She's...I'm so sorry, who are you again?" She asked with a hint of authority and power in her voice.
"Mom," Alexander used the same warning tone. "Don't be such a drag. Treat her with respect and don't ever look down on her."
Kinilabutan ako sa huling sinabi ni Alexander. Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko kay Madam Ophelia. Bigla tuloy akong natakot sa tono ng boses niyang ngayon ko lang narinig.
"Xan-"
Natigil na lang ang sasabihin ni Madam Ophelia ng marinig namin ang tawa ni Don Enrico. Hindi ko alam kung anong nakakatawa pero mukhang nasisiyahan siya sa nagaganap.
"Ophelia, she might be the one you're looking for."
Matagal na tumitig si Madam Ophelia sa kanyang ama na tila nag-uusap sila telepathically. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa kung ano man ang secret conversation nila.
Ano ba, ipapatapon ba nila ako sa gitna ng dagat para maging ulam ng pating? Ipapapatay sa assassins? Ipapakulam? Hindi ko alam. Ano bang gulo itong pinasok ko?
"That's it!" Halos mapatalon ako sa biglang pag-iiba sa tono ng boses ni Madam Ophelia. Para itong bumbilya na biglang nagliwanag.
"Mom, wait. I think you got it all wrong. I-"
"What? don't tell me you haven't given her the- Oh no! did you even have the heirloom?" Natatarantang sambit ni Madam Ophelia.
"What? No, I won't-" Alexander tried to respond but was easily cut off.
"Papa, Why did you not give it to him yet? How can he-" She stopped and looked at me before continuing, "Xander, why doesn't she- Oh my god. Have you not- Oh no. Did I ruin your plan son?"
Hindi ko na maintindihan si Madam Ophelia, kanina parang mama bear kung magalit ngayon parang batang sobrang excited dahil nabigyan ng candy. Ganito ba ang mga mayayaman?
BINABASA MO ANG
Sunburst
General FictionBrielle Avy Ibañez has always been the 'voice without reason' in Alexander's book. She's chaotic, demanding, and a dragoness who can't standstill. Alexander Montreal is 'the Lion King' in Brielle's scrap notes. He's rigid, domineering, and a predato...