Kabanata 11

55 33 54
                                    

~ BRIELLE~

WELCOME HOME BRIELLE AVY. Iyan ang bumungad sa akin ng makarating ako sa tapat ng bahay namin. It's written in big bold letters at naka-tarpulin pa. Isama mo na rin ang balloons na nakatali sa magkabilang dulo ng tarpulin at mga party banners.

Iniisip ko tuloy kung tutuloy ba ako o maglalakad na lang ako pabalik sa may paradahan ng sasakyan papuntang bayan.

"Avy? Oh my gosh. AVY!!!" Napangiwi ako nang marinig ko ang nakabibinging tili ni Bria.

Maagang nagigising ang aking kapatid pero hindi ko alam na siya rin ang gumigisingin sa buong lugar dahil sa lakas ng tili nito.

"I miss you so much baby sis." She hugged me tightly and showered me with pepper kisses. "I'm so glad na dumating ka na."

Yes. I miss you too, Ate, but sadly I'm not happy to be back.

''Bria baka pwedeng bigyan mo naman ako ng space para huminga. You're suffocating me."

"Ay sorry. Na-carried away lang. Super excited kasi kaming makita ka ulit. Akala nga namin mamayang gabi ka pa makakarating kasi ayaw mong gumigising ng maaga."

Well, kung all inclusive ba naman ang transportation pauwi baka hindi na ako matulog kakahintay ng call time, paano ba naman libre hatid-sundo, may AC and wifi, free food and drinks of my choosing, comfortable rin ang sasakyan o 'di saan ka pa. Maganda na nga sana ang byahe kung hindi lang papunta rito at leon ang nagmamaneho.

"Anyway Bria, saan ba 'ko tutuloy?"

May dalawang magkatabing bahay sa lupain kung saan ay pag-aari ng pamilya namin. Ang maliit na bahay na gawa sa nipa ay ang dati naming bahay. Malawak naman ito at may dalawang kwarto ngunit nang medyo naka-ipon ay nagpatayo rin kami ng isang modernong bahay malapit sa lumang bahay namin. Hanggang ngayon ay ginagamit pa rin nila mama ang lumang bahay bilang storage o para sa mga panauhin.

"Sa bahay syempre," kunot-noo itong nakatingin sa 'kin tila nagtatanong king ano bang pinagsasabi 'ko. "Pina-parentahan nila mama ang kubo kasi iyong isa sa mga magsasakang kasama nila ay nabagyo ang bahay kaya sa atin muna nakikitira.''

Tumango na lang ako hanggang sa makapasok na kami ng bahay at tinulungan niya akong mag-ayos ng gamit. Pang-isang lingo lang ang dinala kong gamit dahil 'yon lang pina-aprubahan kong vacation leave. Mabuti nga at pumayag sila dahil kung hindi sa susunod na long weekend pa 'ko makaka-uwi, which is next month. Hindi naman pwede 'yon dahil sa sinabi ni mama na balita. Aish, sana naman maayos ito agad.

''Avy, ayos ka lang?" Mariing pinagmamasdan ni Bria ang bawat galaw ko, na tila alam niyang hindi ako kumportable.

"Huh? Bakit?"

"Alam ko pagod ka pero parang ang lalim pa rin ng iniisip mo."

"Ano ka ba, wala ito."

Hindi ito naniwala sa sinabi ko. Bria has always been the observant ate. For some reason nababasa niya ako na parang libro. Alam agad niya kung may mali o hindi maganda ang aking nararamdaman. Minsan naisip ko na baka psychic siya pero sabi niya sister anthena lang daw kaya alam niya kung may tinatago ako.

"Oo nga pala Bria. Here.'' I handed her a small pouch bag.

''Ano naman ito?'' Kunot-noo nitong tanong habang patuloy lang ako sa pag-aayos ng gamit.

''Lucky charm.''

''Lucky charm? Why-''

Tinignan niya lang ang laman ng charm bag saka agad na binalik sa lalagyan nito.

"Ah I see," nakangising sabi nito. "Kaya pala maaga kang dumating. Hinatid ka ni Xander 'no?"

Nagulat naman ako saglit sa sinabi niya pero agad ko ring inayos ang sarili para hindi halata.

Sunburst Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon