~ BRIELLE~
Matagal ko nang iniiwasan ang usapan tungkol sa nakaraan. Matagal ko nang gustong takasan ang multo ng kahapon. Ngunit kahit anong gawin ko hindi to mawawala sa isip ko.
___
"Insecure? Of course not. Hindi ako insecure. Alam ko na hindi ako perpekto kaya bakit ko ipagpipilitang maging perpekto."
"Sinasabi mo 'yan pero, sino ba sa atin ang naglayas sa kanila dahil sa Miss Perfect niyang kapatid?"
"Correction, Greg, Hindi ako naglayas. Lumipat ako ng tinutuluyan."
"Sure. Sige kunwari naniniwala ako, so ano na ngayon? Anong ginagawa mo dito sa tirahan ng dukhang katulad ko?"
"Wala lang, curious. Oo nga pala, Greg, hindi ba nagtatrabaho ka sa club?"
"Hoy Rie, hindi ka pwede doon. Maliban sa underage ka, hindi iyon ordinaryong club."
"Asus, ayaw mo lang eh."
"Dahil delikado. Bata ka pa Rie. Wala ka pang alam sa mundo. "
"Hoy marami na akong alam. Isa pa hindi naman nagkakalayo ang edad natin. Apat na taon lang naman ang agwat mo sa akin."
"Pero ako, nasa tamang gulang na. Ikaw may gatas ka pa sa labi."
"Wala! Mature na ako.Age doesn't define maturity!"
"Hindi nga pero ang taong mature ay marunong humarap sa problema, hindi tumatakas sa laro ng buhay dahil lang sa hindi pa siya handa."
~
Isang nakabibinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Alexander matapos kong bitawan ang mga salitang iyon, mga salitang hindi ko naisip na masasabi ko sa loob ng halos anim na buwang pagsasama.
"What caused this idea, Brielle?" he calmly asked.
"I want to be free." The words came off almost like a whisper. Hindi ko tuloy alam kung narinig ba niya o hindi. Hindi ko rin siya matignan ng diretso dahil baka bawiin ko ang sinabi bigla.
"Hindi ka ba malaya?"
Hindi. Pakiramdam ko ay tila ako isang ibong nakakulong. Pakiramdam ko ay wala akong patutunguhan at tanging umikot lang sa isang bilog ang aking kahahantungan. Nakakapagod.
"I'm sorry, but I felt caged."
Katahimikan. Nakabibinging katahimikan na kailanma'y hindi maririnig sa aming tahanan.
"What is freedom, Brielle? Ano ang pagiging malaya para sa iyo?"
Isang tanong na tila ngayon ko lang naisip. Isang tanong na matagal nang nakakubli sa aking isip. Malaya. Ano nga ba ang pagiging malaya?
"Peace. Quiet. No voices in my head."
Matagal ko nang alam na hirap ako sa maraming aspeto ng buhay. Simula pa pagkabata ay hindi na ako pinagpala. Naipagkait na sa akin ang gantimpala at parangal na ni minsa'y hindi ko natanggap ng payapa dahil laging may pagkukumpara.
"And where do you find that peace?" Alexander continues to ask.
"Away from here."
Dahil kung hindi ako lalayo, hindi ko na muling mahahanap ang sarili ko
"So you're running away. Again."
I bit the inside of my cheeks trying to stop myself from breaking down. I need to stand my ground.
"I need to go away. I have to find myself again."
"Can't you find yourself without leaving?"
"No. You don't understand, Alexander I-"
"Then make me understand!" It's the first time he raised his voice. He never raised his voice on me, no matter how irritated and annoyed he was. "Brielle, you're not alone."
Am I?
"I am. Matagal na akong nag-iisa. Hindi mo alam kung paano ako namuhay bilang anino ni Bria. Hindi mo alam kung ilang tao ang nakakasalamuha ko araw-araw upang sabihin sa akin na 'mas magaling si Bria,' 'mas matalino,' 'mas may mararating sa buhay.' Mula pagkabata hanggang ngayon, paulit-ulit ko pa ring naririnig ang mga salitang mapagkutya at mapanuri. Mga salitang akala ko'y matagal nang na baon sa limot, iyon pala'y nakatago lang at naghihintay ng tamang panahon upang tuluyang kainin ng takot ang aking buong sistema."
Masakit malaman na lahat ng ginagawa mo ay kulang at hindi sapat. Masakit malaman na bata ka pa lang ay pinapakain ka na ng lason ng mundong ibabaw. Ang simpleng buhay na punong-puno ng saya at walang alinlangan na kabataan ay napalitan ng dagta ng lason na unti-unting sumira sa aking kalooban.
"Brielle, you can seek help. Pwede kang humingi ng tulong sa pamilya mo - sa akin."
"What if that 'help' won't help? What if the person whom you thought would be the first to aid became the first to pull the trigger and ripped your heart out?"
Konting pasalamat, pag-unawa at pagpapahalaga lang ang aking kailangan, ngunit ni isa ay hindi ko man lang nakamtan dahil ang mga taong akala ko'y malapit sa akin ay siya rin palang magtutulak sa akin sa kadiliman.
"We would never do that. We care - "
"If care means decoration for people to look nice, then I don't need it. I'd rather be hurt physically than killed emotionally."
Kailan man ay hindi ko sinisi si Bria sa nangyari sa akin. Kailan man ay hindi niya ipinagdamot sa akin ang kung anong meron siya. Siya lang ang nakakaintindi sa akin pero siya lang din ang sanhi ng pananakit ng mga tao sa paligid namin.
"Alexander, simula pa pagkabata, alam kong si Brianna na ang nilalaman nang puso mo. Simula pa noon hanggang ngayon ay siya pa rin. Alam ko namang mas mahalaga siya sa iyo at kung hindi niya ako kapatid ay matagal mo na akong iniwan at pinabayaan."
"Is that how you see me? Iyan ba ang katangiang nakaukit sa iyong isipan?"
"Yes. Oo, dahil iyon ang pinapakita mo. Hindi man iyon ang gusto mong ipahiwatig, iyon ang naintindihan ko. Mula pagkabata, hindi mo na ako binigyang halaga. Hindi mo pinakita na may kwenta ako. Katulad ka rin nila. Katulad ka rin ng mga taong walang ibang ginawa kung hindi ipamukha sa akin ang pagkukulang ko bilang tao. Kung alam ko lang ng mas maaga na magkakaroon ng negatibong epekto ito sa aking pag-iisip at hinaharap, sana'y noon pa lang ay tinuloy ko lang ang pagtapos ng aking buhay."
A life so worthless can only be useful when it turns back to dirt. Dirt that can be useful to the earth. Dirt from the remains of the body that will be a source of nutrients to the plant and trees. When that happens, then maybe I can be of worth.
➽──────────────────────────────────────────❥
BINABASA MO ANG
Sunburst
General FictionBrielle Avy Ibañez has always been the 'voice without reason' in Alexander's book. She's chaotic, demanding, and a dragoness who can't standstill. Alexander Montreal is 'the Lion King' in Brielle's scrap notes. He's rigid, domineering, and a predato...