Kabanata 37

33 21 34
                                    


~ BRIELLE~

Once there was a story long lost, buried, and forgotten. But some days, the story comes alive through someone's memory. And the events in the past once again play like an old movie.

"Were you bored at your castle?" A young girl playing in the fields asked the young boy who always comes by the field where she plays with her sister.

"Castle?"He looked confused at the question. For a time now, he'd been running around the area to find something worth his free time. When he came across a treehouse near the creek, he got curious and checked it for himself. There, he met this young girl with a smile that beams like the rays of the morning sun but speaks like the burning red sky at night.

"You know, the big house on top of the mountain." She answered innocently while picking flowers. "I just thought you're bored 'cause you're here all the time," she added.

"No, I'm not."

"Then, why were you here?" The young girl crosses her arms while frowning.

The young boy smirked. "Am I not allowed to?" He knew the young girl's annoyed and ready to fight back. She hates it when someone beats around the bush, but he loves making her frown and seeing her different reactions. He finds them adorable in a way.

"Brie!"

The voice made the two kids turn around in the direction of the caller. A young miss, three or four years older than the two kids.

"Oh hi Xander, I didn't know you'll come to play with Brie today." The young miss was smiling brightly, just like how the younger girl smiles. It was beautiful.

The young boy talked to the young miss cheerfully like all the flowers bloomed around the fields. It's always been like that when the young miss is around.

Feeling rejected and forgotten, the young girl just turned around. "Do you want to play, Bri-" She heard the young boy call out, so she turned to face him happily, "-anna." The last words crush her. Of course, he meant her sister, not her. It's always been Brianna when it comes to him.

~

"Avy, you okay?"

Hindi ko namalayan na naglakbay na sa ibang mundo ang isip ko at nakatingin lang ako sa kawalan. Kung hindi pa ako tinawag ni Bria, baka kung ano-ano na ang naiisip po.

"Yes. Ayos lang. Ikaw?"

"Oo naman. Kahit naman ganito ang sitwasyon, masaya ako't nandito ka."

Napangiti ako sa sinabi nito. Alam kong hindi maramdamin at emosyonal si Bria kaya kailan niya ng suporta upang hindi niya makalimutan ang sarili.

"Alam mong hindi kita iiwan, Bria. Kapatid kita kaya dadamayan kita kahit anong mangyari."

"I know, pero Avy, sobra na yata."

Napakunot-noo ako sa sinabi nito. Kailan man ay hindi umapila o tumangi si Bria sa tulong o suporta ko. Mula noon ako na ang lakas at gabay niya, dahil ako lang ang lubos na nakakaintindi sa kanya.

"Avy, ang dami mo nang sinakripisyo para sa akin. Naiintindihan ko naman, ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalaga mo, pero mahal kong kapatid, isipin mo rin naman ang iyong sarili. Isipin mo rin naman ang magpapasaya sa iyo, huwag lang ang kasiyahan ng ibang tao."

"Bria, anong bang pinagsasabi mo? Masaya naman ako."

"Kilala kita Avy. Alam ko kung kailan ka nasasaktan at nawawala sa sarili. Kahit ilang pader pa ang itayo mo sa pagitan mo at ng mga tao sa paligid, hindi ito uubra sa akin."

Natahimik ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung ano pang rason ang sasabihin ko.

Minsan nakakalimutan ko ang profession ni Bria, minsan hindi ko alam na pshycologist nga pala ang kaharap ko. Madalas kasi itong makitang parang bata kaya tila nakatatak na sa isip ko na ako ang mas matanda, pero ang totoo mas marunong si Brianna. Marunong siyang umobserba at kumilala ng tao kaya umaakto siya ayon sa ugaling ipinapakita sa kanya at ng kanyang paligid.

"Bria kung ano man ang iniisip mo, hindi ito nakakaapekto sa akin. Kaya ko ang sarili ko at walang labis sa pag-aalaga ko sa iyo."

Matagal bago siya sumagot at tila binabasa ang galaw at magiging reaksyon ko.

"Nag-aalala rin ako sa iyo, Avy. Hindi mo man sabihin ang lahat, ramdam ko kung kailan ka lubos na nasasaktan, at mas nasasaktan ako lalo pa't alam ko na isa ako sa dahilan. "

"Bria-"

"Hindi kalabisan ang pag-aalaga mo sa akin at nagpapasalamat ako doon, pero kung sinasaktan mo nanaman ang sarili mo dahil sa akin, Avy 'wag na lang. Huwag mo na lang akong alagaan."

"Brianna!" Napatayo na ako sa aking narinig. Hindi ko lubos maisip na marinig ang ganitong mga salita sa bibig nito. Kailan man hindi ko naisip saktan ang aking sarili dahil sa kanya.

"Narinig mo ang pag-uusap namin ni Xander noong nakaraan hindi ba?"

Bakas ang pagkagulat sa akin dahil sa narinig. Hindi ako makasagot agad sa sinabi nito at tila nanghina ang aking mga paa sa gulat.

"Paanong..."

"The door wasn't closed at that time. I saw you walk away."

I didn't respond. There's no way to deny anything at this point. Bria will notice.

What she said was true. I heard their conversation, but it wasn't something new. From the beginning I already knew Alexander's in love with my sister. I already knew I wouldn't stand a chance compared to her.

Nothing has changed since then. Whatever I do, Brianna will always be the one and I will never stand a chance in Alexander's heart.

"Avy, snap out of it!" She said firmly. "Stop doubting yourself. Oras na para harapin niyo ni Xander ang isa't-isa at pag-usapan ang dapat pag-usapan. Alam ko ako ang isa sa dahilan kung bakit ka nagbago at umalis ng ilang taon. Alam kong madami kang isinakripisyo para sa akin, pero bago pa lumala ang lahat. Mas mabuti pang harapin mo na ito, lalo pa't hindi ko na alam kung anong pwedeng mangyari kapag lumala."

Brianna never talked to me this way. Ngayon ko lang nakitang magsalita tungkol sa sitwasyon ko.

Alam kong may pagkukulang ako at alam ko rin na may alam siyang hindi niya sinasabi sa akin, at iyon ang kinakatakot ko. Natatakot akong malaman niya kung anong mali, kung anong kulang at kung anong meron ako. Ayokong malaman niyang mahina ako.

"B-Bria, ano bang pinagsasabi mo? I'm more than ok-"

"Avy please. I love you sis, but please know your worth. Don't let insecurity destroy you."

Ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas ay tuluyan nang tumulo mula sa aking mga mata. Alam kong alam niya. Alam kong matagal na niyang alam, pero bakit ngayon pa. Bakit kailangan niya pang harapang ipaalam?

"Bria...H-Hindi...W-Wala..."

Gusto kong itanggi. Gusto kong sabihing nagkakamali siya, pero ang kaba at takot sa aking puso ang mas nangingibabaw, dahilan upang hindi ako makapagsalita.

Anong gagawin ko? Ano pa ang sasabihin ko? Mahirap itago ang isang bagay na matagal mo nang iniiwasan ngunit mas masakit malaman ang katotohanan lalo pa't ang sanhi ng iyong pagkukulang ay nasa harap mo lang.


➽──────────────────────────────────────────❥

Sunburst Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon