Chapter Thirty Seven- Why Do We Like To Hurt So Much

65 0 2
                                    

                                                             Jhela

Hindi ko pa rin lubos maisip ang mga binubuwal ni Nikho. Anong nangyayari? Anong meron?

Nakakagulat ang sunod na ginawa ni Meliya. Hindi ko inaakala na magagawa niyang suntukin si Nikho ng walang palya. Halatang masakit ang tama nito dahil sobrang namumula ang mga kamay ni Meliya pati na rin ang kaniyang muka.

"Gaano na 'to katagal? Ha?" Tanong ni Meliya. Nangingilid ang luha sa mga mata.

Hindi ko malaman kung sino sa aming dalawa ang tinatanong niya. Nanatili akong nakatungo't naiiyak na. 

"Ang galing naming mag tago 'no? Matagal-tagal na rin. Diba Jhela-baby?" Malanding pagkakasabi ni Nikho. Sinungaling. Sinisira niya ako. Ba't ko siya hinahayaan? Bakit?! Kaya ko namang pumaligwas, magwala't itigil ang kalokohang ito ngunit di ko magawa. May nagpipigil sa 'kin.

"Jhela, tumingin ka sa 'kin. Awa na." Pag mamakaawa ni Meliya.

Hindi ako kumibo sa aking kinatatayuan sa halip, napaluhod na lang ako't doo'y humagulhol na. Hindi ko na kaya. Ang sama kong tao. Sinulot ko ang minamahal ng aking kaibigan. Matalik na kaibigan.

Magsasalita na sana ako ng biglang nag bukas ang pintuan.

"Nik-... Sabi nila narito kayo. Anong meron?" Kawawang kaibigan, napakainosente ngunit masasaktan.

" O Meliya, sabihin mo na." sinabi ni Nikho na may mapaglarong tono. Nakakainis.

Nanginginig si Meliya. Naguguluhan sa kaniyang gagawi'n. Tumingin siya sa akin, blanko ang mga mata. Pati siya nadamay. Lahat ito'y dahil sa kagaguhan ni Nikho.

"Wala kang kwentang tao Nikho!" Aking sigaw sa pinakamalakas kong boses sabay takbo palabas. Hindi malaman kung sa'n madadala ng aking mga paa. Patawarin mo ako Aaliyah.

                                                           Aaliyah

Anong nangyayari? Ba't muka silang nawawala'n ng kaluluwa. Si Jhela tumakbo, si Meliya nakatunganga at si Nikho may bangas sa muka. Bakit ayaw nilang mag salita? Nakakairita. Pakiramdam ko may dapat akong malaman na itinatago nila.

"May hindi ba kayo sinasabi na dapat kong malaman?" Mahinahon kong tinanong. Kinakabahan ako.

"Maniniwala ka bang tinaraydor ka ng bestfriend at boyfriend mo?" Matuwid na pagkakatanong ni Meliya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?

"Ba-bakit naman nila magagawa 'yon? Mga importanteng tao sila sa 'kin! Siyempre hindi! Nikho, diba hindi? Nasa huwisyo ka pa ba Meliya, ha?" Mahinga-hingal kong tugon kay Meliya. Kinakabahan ako. Sa muka naman ni Nikho, hindi ko siya maintindihan.

"Bukasan mo ang iyong mga mata Aaliyah!"

"Baka naiinggit ka lang Meliya dahil hindi ka mahal ni Denmark!"

Biglang nanahimik ang kwarto. Nagkamali ata ako ng sinabi. Anong gagawi'n ko?

"Me-meliya..."

Umalis siya, mahina't malungkot.

"Hindi ka makakatakas dito Nikho." Matinding pagkakasabi ni Meliya.

"Nikho, halika nga't ano bang nangyayari?"

"Tama ka Aaliyah, naiinggit nga si Meliya kaya't inakit niya ako. Biglang dumating si Jhela kaya gano'n na lang ang pagkakagulat niya. Nagawa pang baligtarin ni Meliya ang totoo. Buti na lang at hindi ka naniwala sa kaniya." May kasiguraduhan sa tono si Nikho. Hindi maaaring linoloko niya lang ako.

"Paano na kami makakapag usap ni Meliya?"

"Mabuti-buti sigurong hayaan niyo muna ang isa't isa. Magpalipas muna kayo ng tensyon. Maaayos din ang lahat."

"Nikho, huwag mo akong iiwan ha?"

"Oo naman Aaliyah, mahal na mahal kita."

                                                         Jhela

Hindi ko pa rin alam kung paano ko haharapin ang mga tao ngayon, lalo na si Aaliyah. Pakiramdam ko'y napaka dungis ko. Hindi maaaring malinis sa isang iglap lang. Mabuti pa siguro'y layuan ko muna sila. Oo. Lalayuan ko muna sila. Mahirap dahil nasa iisang paaralan kami pero pipilitin ko hangga't sa naayos na ito.

May natanggap akong mensahe mula sa isang number na hindi nakarehistro sa aking cellphone. Nakakapagtaka?

'Sabihin mong inakit ni Meliya si Nikho para hindi ka mapasabwat sa gulo.' Ito ang lumabas sa screen ng phone ko. Sino naman 'to? Lumingon ako sa paligid ng kinakabahan. May nakapanuod ba sa 'min kanina o si Nikho lang 'to?

Umupo ako sa dalampasigan para makahinga nang may magtaklob sa aking mga mata.

"Ay! Sino ka? Sumagot ka! Hindi ako nag iisa! Susugurin ka ng mga kasama ko!" Nga pala, hindi nila alam kung nasa'n ako. Ilang oras na rin ang nakalipas mula sa insidente, di ko pa rin sila nababalikan.

"Ano ka Beshie! Patawa ka talaga kahit kailan!"

Si Aaliyah? Hala. Paano ko siya makakausap? Wala pa rin ba siyang ideya?

"Jhela, nakita mo ba sina Nikho't... Meliyah kanina sa kwarto?"

Paano ko siya sasagutin? Mukang ayos na siya.

"Oo. Inakit ni Meliya si Nikho't doon ko sila nahuli. Nagulat si Meliya kaya't napasuntok siya kay Nikho. Sinasabing si Nikho ang nangaakit. Hindi ko inaakalang magagawa 'yon ni Meliya." Yinakap ko ng mahigpit si Aaliyah. Wala na akong magagawa. Nakapag sinungaling na ako. Bahala na kung anong mangyari.

"Salamat Beshie narito ka. Ako rin hindi makapaniwala sa nagawa ni Meliya kanina. Nakakagulat, nakakainis lalo na't kaibigan ko siya."

Sorry Aaliyah. Hindi mo alam kayakapan mo na ang demonyitang makakasira sa inyo. Tutal nasimulan ko na, itutuloy ko 'to. Mahal ko si Nikho. Makukuha ko siya. Tama na sa 'yo Aaliyah. Palaging ikaw na lang ay maganda sa lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling In Love Over and Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon