Chapter Thirty Five- Keeps Getting Better

119 2 8
                                    

Nikho's POV

She's amazingly beautiful. Sa loob man o sa labas.

"Rise and shine!"

"Mmff."

Aw. Ang cute niya. Sana palagi ko siyang makitang ganito.

"Gising na Aaliyah."

"Aish. Bakit ka narito?! May ginawa ka sa 'kin 'no?!" 

Babaeng 'to. Kaganda-ganda, malisyosa.

"Bakit ka nakangiti riyan?! Nikhooooo!"

"Aray ko! Bakit mo ako binato ng unan?! Wala akong ginawa sa 'yo! Ang cute mo kasi kaya napangiti ako!" 

"So, sinisigawan mo ako?!"

"Oo! Pero ngayon hindi na baka ika'y makipagbreak pa sa 'kin eh. Tss." 

"eh? Concerned siya! Sige na nga. I love you. Oha! Walang hiya-hiya."

Talagang sinabi niya 'yon? Ayos 'to! 

"Eh. I love you too!" 

"Teka, ba't ba tayo nagsasabihan ng ganyan dito Nikho? May problema ba?" 

Aaliyah's POV

Nikho's acting weird today.

Siguro he's only showing his love for me kaya naninibago ako.

"Aaliyah, look straight into my eyes."

Tumingin ako.

"Hold my hands."

Humawak ako. Kinakabahan ako sa mangyayari. 

"Now listen. Paano pagdumating yung araw na iwanan kita, anong gagawin mo?" 

"Nikho, are you breaking up with me?" Mahinahon kong tinanong.

Anong meron?

Saang parte nagkamali?

"No. I am not but still answer my question."

"Nikho, naguguluhan ako. Kahapon, ayos tayo tapos ngayon parang komplikado." 

"No. Walang mali Aaliyah. I'm just wondering. Who knows what might happen right? Kaya, let's do things as long as we're together."

I don't like this feeling.

"Okay. Pag iniwan mo ako, hindi ko alam ang gagawin ko Nikho. Ang hirap. Magulo."

At nagsimula na akong umiyak.

"Shh. Shh. Tahan na."

Habang hinahaplos niya ang likod at buhok ko, I can feel warmth and safety. Huwag mo akong iiwan Nikho ha?

"Osha, magbihis ka na't mag-aalmusal pa tayo. Magpaganda ka na rin"

"Luko. Sadya na akong maganda."

"Oo na. Dalian mo ha?"

==Sa hapagkainan==

"Oh. Kain na."

"Ligtas 'tong kainin?" 

"Wala kang tiwala sa 'kin?"

"Syempre naman meron. Alam mo kasi, paano magwoworkout ang relasyon natin kung hindi natin pagkakatiwalaan ang bawat isa. A'right?" 

"Whoa lang. Kalma ka lang. Nagbibiro lang naman ako."

Hay. Nikho talaga. Nakakatuwang mataranta!

Ayaw na ayaw na iwanan ko siya. Eh ayaw ko rin naman siyang mawala.

Ang sweet ko, right?

"Nikho, ano namang gagawin natin?"

"Natawagan ko na ang barkada kanina. Pupunta tayo sa isang beach! Oha! Masaya 'yon. Kaso, bukas pa. Mamimili tayo ng gamit mamaya! Tandaan mo, bawal kang mag two-piece, kailangan mong mag sun block para hindi ka mangitim, ang pagkain, kontrolado lang, ang pag langoy dapat malapit sa 'min para mabantayan kita. Aba't malaking kawalan sa 'kin pag nawala ka!"

Aw. He cares about me! I should put away all of my doubts about his feelings.

"Teka! Bawal ang two piece?! Bakit naman?! Aber. Aber. Tapos, ang dami mo pang bilin! Naman eh!"

"Huwag ka nang magpakipot isa pa," bigla siyang pumunta sa aking likod. "malay mo maging mag-asawa tayo eh ako lang dapat ang makakita ng balat mo." Ta's bigla niya akong yinapos!

"Nikho! Chancing ka na ha?! Tara na nga't mamimili pa tayo. Dalian mo!"

==Sa Tindahan==

Aaliyah's POV

I'm so excited! Magkakasama-sama na uli kami! Namimiss ko na ang barkada ko.

"Huwag iyan. Masyadong maikli."

Narito kami ni Nikho sa bilihan ng damit. Aba't hanggang tuhod na nga yung mukang dress na 'yon eh ayaw pa rin! Pero, ayaw lang naman niya akong mabastos eh.

"Oh. Ito dapat ang suot mo."

"Seryoso ka Mister Mendoza?! Hindi bagay sa 'kin! Ayaw ko. AYAW KO. Pumili ka, break na tayo o yung dress na gusto ko ang bibilhin natin?"

"Eh mag-------------------."

Ano raw? Hindi ko napakingga't ibinulong na lang. Luko 'to. Psh.

"Sige na. Iyan na ang bibilhin natin. Sa pagkain na tayo dali!"

Ayun, bumili na kami ng sari-saring pagkain. Psh. Tataba ako nito eh! Umuwi na agad kami, at nagimpake ng mga gamit. Ready na ako! I just can't wait for tomorrow.

???? POV

Ang plano ha? Itutuloy natin 'yon.

Author's Note:

Holla guise. Baka naman may mairerecommend kayong tao for the characters? Yung non-celeb ha? Pedeng friend or kapatid mo! Kahit sarili mo! Go! Btw, vote and comment!

Falling In Love Over and Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon