Chapter Eighteen- Forgiveness

277 4 8
                                    

Auhtor's Note:

Hi dear friends! :D I'M SO SORRY DAHIL NGAYON LANG AKO NAKAPAG-UPDATE. Ang dami kasing school works. Sana di nawala ang tiwala niyo sa akin. ENJOY! :)

Chapter 18

~*~Aaliyah's POV~*~

Hayy. Masyado pa akong bata para problemahin ang buhay pag-ibig. Ugh. Marami pa akong pangarap sa buhay. Ayaw ko namang masira lahat nuon dahil lang sa kalokohan sa pag-ibig.

Ba't kasi may KABUTENG sumulpot sa storya namin. BY THE WAY, KAMI NA NGA BA?! SUUUS. FEEEELERRR. Hindi pa nga pala kami.

Lahat ay ilusyon lang.

Pantasya.

Walang katotohanan.

Masyado akong nadala sa imahinasyon ko. Okay lang siguro na dumating si Marie buhay namin.

*BZZZZZZT*

~Message From Nikho~

Aaliyah. Sorry na ha? Hindi ko talaga sinasadya yung nang-yari. May sasabihin ako sa 'yo. Pede ba tayong magkita mamaya?

Haaaayy. Dadali na naman itong si Nikho. Ang hirap na ha. Kung di ko muna aasikasuhin ang buhay pag-ibig, hindi ako mapapa-isip ng ganito kalalim.  

Oo nga't noon, nais kong malaman kung ano ang katotohanan- KUNG NAHULOG NA BA ANG LOOB KO SA KANYA? Nakuha ko naman yung sagot ko, OO.  

Ninais ko ring sana ganuon din ang nararamdaman niya para sa akin, ang sagot- PARANG.  

HAYYY. Bahala na. Pero, ibang kaligayahan ang naihatid sa 'kin ng buhay pag-ibig. Bagama't tinatadtad ito ng problema, kung isisipin ang masyahang bahagi nito, hindi ka mahihirapan. Ugh. Ewan ko na. Bahala na ang superhero ko. Superman nasaan ka na? I badly need you.

Makalabas muna ng bahay. Magpapahangin muna ako. Baka sakaling makapag-isip ako ng maayos.

Saan naman kayang lupalop ng Pilipinas ako pupunta? Mga paa ko, kayo na ang bahala kung saan niyo akog dadalhin.

'Ma! Lalabas po muna ako.'

'Osige anak. Mag-ingat ka ha?'

Pagtungtong ko sa labas, may mahinang hangin na humaplos sa buo kong katawan. Naliwanagan ako. Grabe. Para pala akong nakabilanggo sa aking sariling isipan kanina.

At ayun, naglakad ako nang naglakad habang papalakas ng papalakas ang hangin. Masarap ito sa pakiramdam. Para akong petal ng bulaklak na lumulutang sa ere.

Maya-maya lang, nahimasmasan ako. Narito na ako sa playground. FYI, hindi ako isip bata. Dito na lang ako napadpad eh.

Okaaay. May natatandaan ako dito.

Oo nga. Dito nga iyon. Dito nagsimula ang lahat.

*Flashback*

Two years ago, nung nasa ninth level pa lang ako which is third year highschool, badtrip akong umuwi sa amin. Napadaan ako sa isang tindahan kaya naisipan kong bumili ng ice cream. Ooooh. My labiduds na ice cream. Katapat ng playground ang tindahan. So, pumunta na ako sa playground at umupo sa swing. Parang bata lang ang itsura ko noon. Habang binubuksan ko ang ice cream, may batang babae na naiyak doon sa sand box. Yung square na may buhangin ta's pede kang mag-wala doon. Nakaka-awa naman yung bata kaya linapitan ko.

'Oh. Bata. Bakit ka naiyak?'

'Hmmm. Kasi po, inaway po ako ng mga kalaro ko. Pangit daw po ako.'

'Naku naman. Bad yung mga batang yun. Stop crying na. Oh. Eat this ice cream. I'm Ate Aaliyah.'

'Naku. Wag na po. Inyo po yan. Ako po si Chalzeah.

'No. Iyo na lang ito. Dali. Baka matunaw. Sayang. Masarap pa naman.

'Talaga po? Sige po.'

*Hug*

'Oh. Ang sweet mo namang bata.'

'Tihihi. Ang sarap nga po ate!'

'Oh. Diba? Sabi ko naman sa 'yo eh. Doon tayo sa swing. Mag-lalaro tayo.'

'Okay po.'

Wow. Natanggal ng batang ito ang init ng ulo ko. Maya-maya lang ay nag-paalam na ang bata.

Mag-isa na lang uli ako.

Maya-maya ay biglang may bumuluga sa akin.

Si NIKHO.

'Aaliyah! Oh. Ice cream para sa 'yo.'

'Nikho! Aba naman. Nag-abala pang bumili eh.'

Kinuha ko na yung ice cream at kinain.

Habang nakain kami ay nag-usap kami. Tawa lang kami nang tawa. Noon ko lang na-realize ang love. Iba pa ito doon sa naunang pangyayari nung grade six pa kami.

Pagkatapos noon ay hinatid na niya ako sa bahay at umuwi na rin siya.

*End Of Flashback*

Haaaayy. Hinding hindi ko iyon makakalimutan.

*BZZZZZT*

Panira naman ng moment oh.

~Nikho Calling~

Sasagutin ko ga?

Sa kakaisip ay bigla kong napindot ang answer button. Tokneneng naman oh.

'Hello.'

'Aaliyah! Sorry na talaga. Patawarin mo ako. Nasaan ka? Pupuntahan kita.'

'Wag na. Aksaya lang iyan sa oras.'

'Hindi. Pupunta pa rin ako.'

*TOOOOOOOOOOOOOOT*

Ayy. Babaan ga naman ako ng telepono. Bastusan?!

Makaupo nga muna. Nakakapagod eh.

Going back to the corner where I first saw you 

Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move 

Got some words on cardboard, got your picture in my hand 

Saying if you see this girl can you tell her where I am

Ohmaygaaaaash. Si.... Sino iyon?

SI NIKHO!

'Ice cream oh. Para sa 'yo.'

'Nikho? Bakit?'

Tumulo na lang ang mga luha sa aking mga pisngi.

'Aaliyah. Hinding hindi ko malilimutan ang pinagtagpuan nating lugar. Patawarin mo na ako please?

*TUG* DUG* TUG* *DUG*

'Oo Nikho. Pinapatawad na kita. Okay na ang lahat. Nabigla lang ako sa nangyari. Hindi ko naman kasi iyon naisip.'

'Salamat Aaliyah!'

At yinakap niya ako ng mahigpit. Yung yakap na parang hinding hindi ka na makakawala. Sana, habang buhay ko itong madama.

Muli kaming nag-usap. Matagal din kaming nagka-kwentuhan. Takip-silim na nang ihinatid na ako ni Nikho sa amin.

'Bye Aaliyah. Salamat ule.'

'Sige. Ingat ka. Magaling ka palang mag gitara at kumanta.'

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Nakangiti. Maaliwalas na uli ang pag-iisip.

'Nay. Tutulog na po ako. Good night. I love you.'

'Sige anak. Mag-dasal ka muna ha? Good night din. I love you too.'

At ayun. Humiga na ako sa kama. Nag-dasal ng mataimtim. At natulog ng nakangiti.

Falling In Love Over and Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon