~*~Nikho's POV~*~
"Ano?! Marie, parang awa mo na. Mahirap iyang sinasabi mo."
"Hoy babaeng haliparot! Umalis ka diyan! Leche!"
Bigla na lang sumigaw si Jhela. Phew. Buti na lang at dumating siya.
"Hay nako. Nikho, aasahan ko ang sagot mo. DALIAN MO KUNG AYAW MO SIYANG MAPAHAMAK."
DALIAN MO KUNG AYAW MO SIYANG MAPAHAMAK.
DALIAN MO KUNG AYAW MO SIYANG MAPAHAMAK.
DALIAN MO KUNG AYAW MO SIYANG MAPAHAMAK.
DALIAN MO KUNG AYAW MO SIYANG MAPAHAMAK.
DALIAN MO KUNG AYAW MO SIYANG MAPAHAMAK.
Pambihirang Marie 'yon. Tss.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~*~Aaliyah's POV~*~
==Dismissal Time==
Yay! Tapos na ang exams! Christmas break na!
Let's party! Get Loud! Psh. Ang corny.
Hay. Sa palagay ko, cool off kami ni Nikho ngayon. Well, kung may kami nga. Tss. Madrama.
==Bahay ni Aaliyah==
"Ma, nasa ba------. NIKHO?!"
"Oh anak. Huwag ka namang ganiyan sa boyfriend mo."
"Hi Babe."
Eek! Babe? Puweh. Ayaw ko sabi ng endearment.
"Anong BABE?! Tumigil ka nga!"
"Anak, upo ka na. Naghanda ako ng merienda."
Hay. Wala na akong magagawa. Buset.
Pero, dapat nga maging masaya pa ako dahil magkakausap kami ngayon ng maayos. Sana magkaayos kami. Sana.
"Anak, naipaliwanag ni Nikho sa amin ang mga nangyari sa inyo. Muntikan nang bugbugin ng iyong kuya itong si Nikho! Hay. Eh may sasabihin sana si Nikho sa 'yo. Osha. Iiwan ko muna kayo. WAG KAYONG GAGAWA NG KAHIT ANONG KABALASTUGAN HA?"
"Ma! Oo na po!"
Si Mama talaga. Hay.
"Ano nga palang sasabihin mo?"
"Hmm. Ah."
"Yuhoo."
Natameme na agad sa ganda ko? HAHA!
"Kung pede sana, sa bahay ka muna tumigil? Kahit kaunting araw lang. Hmm."
"Niikho?! Seryoso ka?!"
Anong binabalak nitong lalaking ito? Waaaaa.
"Ah. Ah. Huwag kang mag-isip ng kahit anong masama! Pangako, aayusin lang natin ang problema sa atin. Gusto kong makabawi sa 'yo."
Aw. Ang cute niyang mataranta! Hihi.
"Sige na nga. Alam na ba nina Mama?"
"Hmm. Oo! Nagpaalam agad ako. Pasalamat nga ako't pinagkakatiwalaan pa rin nila ako."
"Oh. Mabuti naman."
"Bukas kita susunduin ha? Sana, tayo lang ang makakaalam nito. Salamat."
"Sige. Makakaasa ka."
Err. Kinikilig na ako! HAHA! Sana magpatuloy itong kasiyahan namin. Sana dumating yung araw na itong mga hinaing ko, ay magkatotoo. Lahat ng sana, ay mawawala at magiging kapanipaniwala na dumating na sa puntong nararamdaman ko na. I love you Nikho.
Author's Note:
Woopa. Kailangan ko lang naman pala ng madilim na lugar para makapagisip! Phew. Nakapagupdate rin. Osha. Comment, vote at like na! Dali! Excited na ako. HAHA!
BINABASA MO ANG
Falling In Love Over and Over Again
Fiksi RemajaSi Aaliyah ay isang ordinaryong babae na may nararamdaman para kay Nikho - crush niya noong bata pa sila. Paano niya haharapin ang katotohanan na nagkakalokohan lang sila? Bibigyan pa kaya niya si Nikho ng second ng chance? Paano kung huli na ang la...