~*~Aaliyah's POV~*~
Such a jerk. Hindi naman kasi nakakatuwang paglaruan ang feelings ng isang tao! Oh well, kasalanan ko rin naman eh. Pero, kahit na! Hay.
Narito ako ngayon nasa isang kwarto. Hindi ko alam kung kanino. Patay naman kasi ang ilaw kaya ang dilim.
Pagbukas ko ng ilaw, hindi ako makapaniwala sa aking nasisilayan.
Hindi ko inakala na ang isang Nikho Mendoza ay nakakagawa ng ganito.
May mga sinabi si Nikho pero hindi na muna ako sumagot dahil masyado ata akong natulala rito.
I guess kwarto ito ni Nikho.
Sa isang sulok ay may mga nakapaskil na litrato ko. Though kaunti lang iyon, I'm still touched.
Hindi ko rin inakala na marunong siyang magpainting! Oh gosh. He's so wonderful.
"Hmm. Ano ito?"
Isa palang scrapbook. I better not open it yet kasi pinangangalagaan ko rin naman ang kanyang privacy. Pero, ang isang masungit na tulad niya? MAY SCRAPBOOK? MARUNONG MAG PAINTING? NANGONGOLEKTA NG LITRATO KO? Okay. I'm being too judgemental.
Hay. This is beyond my expectations.
Hmm. Tanghali na pero hindi pa rin ako nakain. Si Nikho, tahimik na. Ano na kayang nangyari? Ugh. Nagugutom na ako. Good thing may dala akong yoghurt. Pero, duh. Wala akong kutsara. Useless. Psh.
Hindi ko na kaya. Lalabas na ako. Gusto ko na ring makausap si Nikho.
Bakit ayaw magbukas ng pinto? Parang may nakaharang? Eek. Ano nang gagawin ko? Itulak ko kaya ng malakas?
Hala! Ano 'yon? Parang may bumagsak.
"Nikho! Ba't ka nakahilata riyan?! Bumangon ka! Malamig ang samento! Nako! Baka sipunin ka pa niyan!"
"Hmm. Aaliyah?"
"Halika. Maupo tayo sa sofa. May yelo ba kayo? Tingnan mo't may bukol ka."
Wow. Naghantay siya doon sa pintuan? Aw. Dapat pala hindi na lang ako nagkulong.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~*~Nikho's POV~*~
Ugh. Ang sakit ng ulo ko. Napalakas ata ang pagkakaumpog sa sahig. Di bale, lumabas na naman si Aaliyah.
Nako! Baka naman nakita niya ang mga gamit ko sa kuwarto. Nakakahiya? Hindi siguro.
"Aaliyah! Ayos lang ako. Upo ka rito sa salas. Dali!"
"Ano na naman Nikho?"
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~*~Aaliyah's POV~*~
Ano na naman kaya ang pakulo nitong mokong na ito?
"Oh. Pumili ka. Ihahampas ko sa noo mo yung yelo o ibabaon?"
"Ang sama mo."
"Ako pang masama eh ako na nga itong nang gagamot ng bukol. Baka naman gusto mong ikaw ang ihampas ko sa yelo?"
"Wala akong gusto maliban sa iyo."
Ano raw? Tama ba ang napakinggan ko? Pakiexplain nga.
BINABASA MO ANG
Falling In Love Over and Over Again
Genç KurguSi Aaliyah ay isang ordinaryong babae na may nararamdaman para kay Nikho - crush niya noong bata pa sila. Paano niya haharapin ang katotohanan na nagkakalokohan lang sila? Bibigyan pa kaya niya si Nikho ng second ng chance? Paano kung huli na ang la...
