Chapter Thirty Six- It's Always A Good Time

77 1 0
                                    

Aaliyah's POV

"Rise and shine my darling." mahinang ibinulong ni Nikho sa tenga ko. Ayaw niya suguro akong magising ng masama ang dating dahil buong araw ko itong madadala. May outing pa naman kami ngayon.

"Nikho, anong oras na ba? Nakakatamad pa eh." Naaalimpungatan kong sinabi. 

"Tara na Baby. Inaantay na tayo ng mga kaibigan natin. Huwag kang mag alala, naayos ko na ang mga gamit natin nang hindi ka na mahirapan. Nakahanda na ang pagkain sa lamesa. Mag almusal ka na pero bago mo gaw'in 'yan, manghiso ka muna. May panis na laway ka pa oh."

"Opo. Gagaw'in na po. Kung maaari lang po ay umuna na po kayong lumabas at ako'y mag aayos ng sarili. Huwag po kayong mag alala't ligtas po ako. Okay? I love you. Labas na. Labas na."

==Sa Beach==

Meliya's POV

Ayan. Kumpleto na uli ang barkada. Masaya 'to! Grabe. Sobra ko silang namiss. Iba talaga ang kasiyahan hanggang sa.....

"Marie? Anong ginagawa mo rito?"

Lahat napatingin sa babaeng nakatayo sa tabi ni Nikho. Anong problema na naman ang ihahatid nito?

"Marie, hello sa 'yo. Sinong kasama mo?" Alam kong mababaw ang rason ko para ikamuhi siya pero pakiramdam ko talaga'y may masamang dala-dala itong babaeng 'to.

"Hello sa inyo. Ako si Marie. Sumama ako rito para humingi ng tawad... lalo na kay Aaliyah. Masyado akong naobsess kay Nikho." Mahinhin na sagot ni Marie.

"Halika Marie. Huwag kang mag alala. Ayos na 'yon. Ang mahalaga, magiging magkaibigan tayo." Masayang pagkakasabi ni Aaliyah.

"Uh. Guys, naiihi ako. Babalik ako agad." Umalis sa kinalalagyan niya si Jhela at pumaligwas papalayo.

Maya-maya lang, umalis din si Nikho't may nakalimutan daw dalahin.

"Denmark." Mahina kong pagkakatawag sa kaniya. Hindi ako makakilos kapag nakakasama ko siya. Mahirap. Sanay akong palagi kaming sweet pero ngayon hindi na. Oo. May natitirang pagkakaibigan pa rin sa amin. Kung hindi dahil sa aming sitwasyon, maayos pa rin sana ang aming relasyon.

"Oh. Bakit?"

"Wala naman." Gusto ko lang banggitin ang iyong pangalan, aking sinabi sa aking isip. Sobrang lakas ngunit sa loob lang ng aking ulo. Napatawa na lang ako ng may nerbyos sa tono.

Umalis ako upang magpahangin at makapag isip. Nais kong kalimutan ang aking nararamdaman kaso, baka sayang lang kung magkakagano'n. Saka, sinong makakaalam baka bumalik siya sa 'kin.

Habang naglalakad ako, may nakita akong dalawang pamilyar na tao. Lumapit ako't di ko inasahan ang aking nakita.

Marie's POV

Hindi ko inaasahan ang nangyayari ngayon.

Ako.

Si Nikho.

Sa aming cottage.

Magkatagpi ang labi.

"Anong kagaguhan 'to Nikho?!" Bualwas ni Meliya. Halata sa kaniya ang pagkagulat, pagkalito at pagkagalit.

Nanatiling tahimik si Nikho pero di siya natitinag.

"Alam niyo ba ang ginagawa niyo? Nasa inyong katinuan pa ba kayo?!"

"Me-meliya..." Wala akong masabi. Natatakot ako. Nahihiya.

Maya-maya lang ay nakangiti si Nikho. Ngiting may kalokohan.

"Ano ngayon? Isusumbong mo kami? Sa tingin mo maniniwala sa 'yo si Aaliyah? Ako ang boyfriend niya. Si Marie naman ay kaniyang bestfriend. Ikaw, pawang kaibigan ka lang."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinusumbat ni Nikho. Di ko kaya 'to. Paano ko haharapin si Aaliyah? Ano mang gawi'n hahantong pa rin 'to na may pagkakamali ako.

Falling In Love Over and Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon