Chapter Twenty Two- What Now?

124 1 6
                                        

Chapter 22

~*~Aaliyah's POV~*~

Noon, hindi ko ako sigurado sa nararamdaman ko para kay Nikho pero ngayong napaamin na ako ng biglaan, naguguluhan na ako. Siguro, napa-bilis lang ang mga pangyayari. Ang haba tuloy ng buhok ko.

Eto ako ngayon, nasa kwarto, natameme. Kanina pa akong gising pero tinatamad lang akong bumaba. Psh. Hindi pa ako kumakain ng almusal eh hindi naman ako diet. Naluluka na talaga ako. Well, matagal na. Ano ba yan?! Psh.

Nga pala, Sabado ngayon, may P.E. kami sa Lunes tapos kailangan naming makagawa ng steps para sa test namin. Ballroom ang lesson. Ansaveh ng tigasin kong katawan sa ganiyang uri ng sayaw. Like, hello?

***BZZZT*** ***BZZZT***

Hmmm. Sino kaya itong nagtext?

~*~Message From Nikho~*~

Good morning Ava. :) Kamusta ang tulog mo? Nailabas na ako ng ospital. Okay na ako. Alam kong sobra ka nang nag-aalala sa akin na halos masiraan ka na ng bait. Susunduin kita mamaya ha?

Aba naman itong mokong na ito. At talagang ang lakang ng loob na sabihing masisiraan na ako ng bait. Pero aminin, kinilig ang lola niyo. Grabe.

Ano naman ang isasagot ko sa text niyang iyan o sasagutin ko ba ang text niya? Luka.

AHA! LIGHTBULB PLEASE.

~*~Message To Nikho~*~

Paano ako makakapag-gayak ng maayos eh hindi ko alam kung anong oras ang lakad natin. Like, duh? Muka ba akong manghuhula sa mga mata. Loko. Tyaka, ano bang meron?

Teka, ano nga ba ang meron? Kanina pa akong may inaalala kaso hindi talaga kayanin ng powers ko. Psh.

~*~Message From Nikho~*~

Psh. Bakit ang taray mo? Napansin ko lang, hindi mo naideny na nag-aalala ka sa akin! Yahoo! Mahal mo nga ako! 4:00 pm. Mag-bihis ka ng maayos. Kahit yung pang-gala. Basta, muka kang tao.

Hay. Kaya naman ako na-fall sa 'yo eh. Ang kulit-kulit mo.

===2:50 pm===

'Beshie Aaliyah!'

'Anak ng hito! Bakit ka naman sumisigaw?!'

'Oops. Sorry. Excited lang ako eh.'

'Ano 'yang dala mo?'

'Ah eto? Mga damit.'

'Eh aanhin naman natin ang mga iyan?'

'Pinili ito ni Nikho para sa 'yo.'

Eh? OMG. Talagang nagpaka-effort pa itong mokong na 'to sa gala namin. Ano kasing meron?!

'Hoy Aaliyah. Ika'y naging batong buhay na riyan. Okay ka lang?'

'Oo naman! Ikaw talaga.'

'Oh. Tara, aayusan pa kita!'

Pumunta na kami sa bathroom.

Pagkatapos kong isuot, naluka na talaga ako. As in, ako ba talaga ito? Kasi naman, white dress siya na nag gli-glimmer pa ta's above knee yung length. May matching silver purse pa and heels. Ta's yung make-up sa 'kin ni Jhela, light lang.

'Beshie! Ang ganda mo! Grabe, napaka-swerte na talaga ni Nikho sa 'yo! So, kasalan na ba ito?'

*PAK*

'Ba't mo naman ako binatukan?!'

'Eh sa atat ka sa pinaka-atat eh! Ni hindi pa nga ako nagpapaligaw!'

Falling In Love Over and Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon