note: All throughout this story I'll be using the characters' POV's. Kaya pag nakita niyo sa bungad ay "Arvie's POV" ibig sabihin nun si Arvie nagna narrate sa part na yun, same goes with the other characters. Okay? haha go! Let's do this!
Arvie's POV..
My name is Arvando Gelaryos (pronounced like hilarious, haha, nakakatawa talaga apelido ko). I grew up in a decent family. We were not rich, nor we were poor.
Para kameng nasa midpoint ng economy, di kame mayaman pero naaafford namen ang di kaya ng iba. Hehe. Masisipag kasi parents ko. Sila, galing sila sa hirap. Kaya todo kayod sila nung kabataan pa sila para mabigyan nila ng magandang buhay mga anak nila.
"daddy! daddy! toys ha! Gucho ko mayame ha! Gucho ko ung lego, hehe", sabe ko mga 4yrs old palang ako. Seaman kasi dati ang dad ko. Hilig na niyang magpadala ng laruan para sakin kasi tuwang tuwa siya pag naririnig niya yung buyoy na anak niyang panganay na bubulol bulol sa telepono.
"oh sige nak, basta magpakabaet ka palagi ha wag masyado pasaway kay mommy. Gusto ko pa yan makita ng walang wrinkles pag balik ko" pabirong sabe ng dad ko
"yeyey!!!, daddy ah toys ko ha!!" kahit sa pagsabe ng yehey bulol ako. Di ko alam pinagsasabe niya, naintindihan ko lang, magkakaron ulit ako ng toys.
"anak ako naman kakausapin ni daddy" sabe ng mom ko, habang kinukuha sakin yung telepono. Maganda pa siya date, sexy, at makinis ang balat. At hindi lang yun, dentista siya, isang magaling na dentista. May taste talaga tong si dad, hehe
"oh, may kulangot ka pa sa ilong mo oh"
"huh?! Kuyayot?"
" hindi nak, kulangot"
"kuyayot?"
"ku" pinapagaya niya sakin pagpronounce para matama ko
"ku"
"la"
"la"
"ngot"
"nyot"
"ku-la-ngot"
"kuyayot!!" sabay ngiti ako, showing my beautiful gums, bungi kasi ako nun.
Tawa tong si mommy habang nako confuse ako sa sarili ko. Yabang, parang siya hindi nabubulol nung kasing edad niya ko
Oo bulol ako, bakit ba? Mas nauna ko kasing naintindihan ang numbers kesa letters. Naks, math prodigy na ata ako. Kaso kahit sa numbers, bulol ako. Haha tuwang tuwa naman sila sakin.
And there goes my childhood, masaya, nagkaron pa ko ng dalawang kapatid, si Joseph yung sumunod sakin, at si Kevin naman yung bunso. Lahat kame tigtatatlo ang agwat sa edad. Mejo unfair nga kasi sila yung mas biniyayaan. Ako talaga pinaka panget samin, siguro utak lang ung biyaya sakin hehe.
Lumipas ang mga taon, nagaral na ko sa skul. Consistent na may honors at consistent na best in math, haha yabang ko, pero totoo yan, tanungin nyu pa ung tricycle driver na tagahatid at tagasundo sakin date, buhay pa yun!
Isa akong introvert na bata, ibang iba sa mga kapatid ko na bibong bibo, pinagkakaguluhan kaya yun ng mga babae. Sa mumurahing edad nila, dameng nanliligaw sa kanilang babae. Eh ako, sa mga gays lang ata tumatalab beauty ko. Kaya lumaki akong mahiyain, always keeping to myself all my thoughts and ideas.
Pagkagraduate ko ng elemtary pumasa ako sa science school. Hehe chamba lang ata yun, kasi di ko naman alam mga pinagsasagot ko dun puro kasi facts. Haha tuwa naman ako sa Pasay City Science high ako magaaral. Tuwang tuwa ako. Pero kabaligtaran ang naramdaman ko nang pumapasok na ko.
Lalo lang akong naging introvert dito kasi wala akong kilala. Lahat ng kaklase ko sa grade school sa mga private nagsipunta. Kaya ayun, parang hangin lang lumipas ang tatlong taon, wala parin akong malapit na kaibigan, samantalang lahat ng kabatch ko magkaclose na. Hay galit ba sakin ang mundo? Mejo emo emo ako, uso kasi dati yun hehe
Ito ako ngayon, 4th yr highschool na, magaling parin sa math, pero tinamad na magaral. Lageng walang assignments at di nagpapasa ng projects. Ewan ko ba kung may milagro sa grades ko o naaawa lang sakin ung mga teachers dito sa PCSciHS kasi lage akong tulog sa klase, parang lageng may mabigat na problema. Tinanong pa nga ko minsan ng iba kung umiinom na ko at my age of 16, kasi parang lasing lage ang hitsura ko, half-shut eyes, at matamlay kumilos. Pero ang totoo, antok lang talaga ako
Haha at nawalan ata ako ng thrill sa buhay nun
Pero tuwing quiz, dun nalang ako nabawe, palagi akong mataas sa quizzes, minsan excempted pa nga, pero sa quiz lang at exams, pero sa iba, tinatamad na ako. Haha sabe ko nga sa sarili ko sa college na ko magsisipag magaral.
Ayun, I maintained my lazy routine throughout highschool life. I think it would not hurt naman kung papetics petics muna ako. Sabagay, madali pa naman lahat eh. Kaya kong magkaron ng mataas na grades kung gugustuhin ko. Pero di ko naman talaga gusto eh, para san ba? Para may mapagyabang ako sa iba? Di naman ako ganun.
Anu ba kasi kulang sakin? Para kasing laging kulang buhay ko.
I mean kumpleto naman ako sa sustento ng magulang ko, wala akong complains dun, pero sobrang busy na sila, halos di na kame naguusap ng parents ko. Gayun din sa mga bros ko, kaniya kaniyang buhay sila. Si joseph may gf na nga eh, naunahan pa ko. Yung bunso naman walang ginawa kundi magcomputer. Kaya yung bestfriend ko lang sa bahay, ay mga libro.
Hay nakaka emo talaga, parang wala akong layunin sa mundo
Wala akong nakakausap, nakakapalagayan ng loob, o madamayan man lang pag nalo lonely ako.
Pero napansin ko lang.. bakit ko kausap sarili ko ngayon? At bakit nasa sulok lang ako ng canteen? Nababaliw na ba ko? Nagflaflashback na naman ako sa buong buhay ko. whew.
Magisa akong nagmumuni muni sa sulok ng canteen nang may lumapit sa likod ko
"hi, haha ok ka lang ba dyan?"
Naalipungatan ako! Sinu ba yun? Mukang tinatawanan pa ata niya ko.
"ui, kuya, natutulog ka ba?"
Ang tamis naman ng boses niya. Hehe, teka, nakatalikod pala ako sa kaniya!!! Aw bakit di ako humarap agad?!?! Arrrggggh!!
Humarap ako sa kaniya..
"ha??" napangiti ako sa nakita ko
Isang babae na may nerdy look.
Kahit nerdy siya tingnan ang ganda naman niya, parang isang anghel. Nakasalamin siya pero kitang kita ko ang ganda ng mga mata niya. Tapos yung ngiti niya, nakakamesmerize lang
Haaaay
Lumakas tibok ng puso ko!
Bakit ganito?! Parang hindi umaandar ang oras, what a feeling!
First time kong malapitan ng magandang dilag, hehe
"ako nga pala si.. Ahm ako si Mirajane" mejo naiiling siya, nahihiya ata
Nakatitig pala ako sa kaniya!! Nakangiti pa ko na parang aso, hay nakakahiya talaga
bakit hindi nakikipagcooperate katawan ko. Maxado na atang nagisip utak ko kaya di na nya alam ipapagawa sa katawan ko.
Oh well, better fix this quick,
"oh sorry, nananaginip kasi ako kanina, di ko namalayan nakangiti parin ako pasensya na, mirajane, is it?" anung excuse yun? Wala n ba talagang magandang idea tong utak ko? Haaayz
"opo, ahm ikaw si kuya Arvie diba? May favor lang sana akong hihingin."
Wow ha kilala niya ko. Pero paanu? Nevermind haha ganda niya eh
Hehe anu kaya favor na gusto niyang hingin?
Sana tungkol sa math..
#end of chapter