chapter 3

17 1 0
                                    

Mira's POV

"yeeeeeeh!, uwian na! Ui sis, una na ko ha. Step two na ng plano ko, hihi" sabe ko sa bestfriend ko na si Hannah.

"anu ka ba, tigilan mo nga yung pagkilig mo jan! Kanina ka pa mula nung natapos yung lunch break ah!"

"ee, panira ka naman ng

mood, inggit ka lang, hihi makakasama ko yung silent beast ng star section eh" asar ko sa kanya. Si kuya Arvie tinutukoy ko, silent beast kasi masyadong tahimik tapos parang halimaw daw pagdating sa exams, lageng siya yung highest score.

"eh anu bang balak mo? Pa step step ka pa jan, anu yan sayaw?"

Sabe niya, di ko pa kasi sinasabe sa kaniya pinaplano ko

"tsaka whats with the nerdy look? Haha, props din ba yan?", nangaasar na talaga siya eh nu

"eh! Basta, hehe balitaan na lang kita" I smiled with a mischievious face, tsaka ako nagpaalam ulit at nagmadaleng pumunta sa mcdo na malapit lang sa school

"ingat mira!!! Ay, ingat pala sila sayo! Haha!" sinigaw niya nang mejo malayo na ko

Baliw talaga yung bestfriend ko na yun

Eto na, hehe

 hahanda ko na sarili ko.. Whew! Fight!

Pagdating ko sa mcdo, nandun na siya! Si silent beast!

Nakatulala si kuya Arvie ah. Lage ba siyang ganun?

Nilapitan ko siya...

"hi kuya, nauna ka pla sakin" tapos ngumiti ako, dapat pacute, hihi

Tumingin siya sakin na parang nagtataka..

"ahm, Mira.."

Gosh! Seryoso muka niya, anu ba yan ang gwaaaapooo!!! Eeek! Bakit ganyan ka kuya? Huhu

"ah,.. Yes?" napalunok ako, Nakakatense tong si Silent Beast, parang beast tlga

"nasan na yung fries at sundae na sinabe mo?

"ah, teka lang ha, ito na oorder na po sir" hiya naman ako kaniya diba

"ok, make it quick"

Kala ko pa naman kung anung sasabihing seryoso, nakakaloko naman muka niya, patay gutom lang talaga..

"oh ito na sir, ito na order niyo" nilapag ko sa lamesa ung tray na may fries at sundae..

"ay, hindi large yung fries??" disappointed face siya

"pasensya na po, wala kong budget ngayon eh"

"ok, sige next time large ha" he looked at me, smiling habang minassacre niya yung kawawang fries sa lamesa..

"ahm kuya Arvie.."

"call me Arvie nalang ok?"

"ahm, Arvie, yung tungkol sa favor na hihingin ko"

"yeah, what about it?"

Naubos na yung fries?? Grabe!

"ahm anu kasi, i've been failing my exams sa math eh"

"edi magaral ka mabuti, wag kang papetics petics jan"

Hmpf, nagsalita ang hindi petics

"I already tried that kuya eh, este Arvie, actually I tried everything na, still no good"

"so where are you pointing at? Dali, mauubos na tong sundae ko oh"

"ahm pwede bang..."

"wait", biglang sabe niya

Seryoso na naman siya?! Waaaah?! Alam kaya niyang binabalak ko from the start??!

"sandali lang, order lang ako icedtea, tamis masyado nung sundae eh"

Whew, anu ba yan..

"sige na.."

Habang nakapila siya, pinagmasdan ko siya, wow.. Ang ganda ng posture niya, halatang maganda katawan ni kuya ah, hihi. Samantalahin ko na tong pagkakataong to para titigan siya. Hihihi so gwapo talaga..

Arvie's POV

Parang alam ko na tong gusto ni Mira. Gusto ata akong gawing tutor. Naku, ayoko nga. Hindi naman ako magaling magturo eh.

Pero parang sincere naman siya, kawawa, baka ibagsak niya yung math subjects niya. Pero anu gagawin ko?? Sayang naman kung hindi siya papasa, ganda niya kaya. Lalo siguro kapag tinaggal niya yung salamin sa muka niya, muka namang props lang yun eh. Hehe

"ahm miss, isang icedtea po, medium size"

Nakaorder na ko,. Whew

Lingon nga muna ako dun, baka umalis na.

Aba, nakatitig sakin, simpleng iwas sakin mata niya nung tumingin ako sa direksyon niya.

"ito na po icedtea niyo sir" di ko napansin yung nasa cashier, ang ganda pala talaga nitong nanlibre sakin

"sir!" nagulat ako, haha ito na pala icedtea ko

"girlfriend niyo sir? Hihi"

"ah, hindi nu, acquiantance lang"

Kinikilig pa tong si ate, weird..

Pabalik na ko sa table namen ni Mira nang biglang nagring cellphone ko

Natense ako bigla! Baka si ma to?! Nalaman agad niya na may kasama akong babae? Whew.

Si ma nga..

"hello?" painosenteng sagot ko sa phone ko, naka 5 missed call na kasi siya

"nasan ka na?"

"ahm nsa skul pa rin po"

"sa labas ka muna kumaen, nasa Quiapo pa kame ng mga kapatid mo, traffic, kaya mamaya pa ko makakauwe!"

"ah, ok po"

Swerte, haha

Kala ko nahuli na ko..

"pinapauwe ka na ng mommy mo?" tanong ni Mira

"ah hindi, gagabihin daw sila kaya sa labas muna daw muna ako kumaen"

Napangiti siya,

"ahm Arvie, pwede ba? Bahagian mo lang ako kahit konti ng kaalaman mo sa math"

Pacute ulit siya, tsk, cute naman na talaga siya eh

"you mean you want me to be your tutor"

"thats one way of putting it, pwede ring suitor hehe, joke" ngiti ulit siya, anu ba yan?!?! Ang hirap tanggihan ng babaeng to masyadong charming!

"sige na nga, pero wag ka magexpect ha, di ako marunong magturo"

"aye, sir!" tapos nagsalute siya sakin hehe

"so kelan kita tuturuan?"

"sa thursday po, pwede ka?"

"what time?"

"mga after school po"

"sure, pero lets agree to this ha, di pa ko pwede makipagrelasyon, kaya di ka pwedeng mainlove sakin"

"ha?! As if naman nu?! Baka ikaw pa yung maunang mainlove sakin jan" kumindat pa sakin, anu to? Magpapacute na lang?

"haha, hindi rin, basta may agreement tayo ha"

"opo opo"

Kitang kita sa muka niya na masaya siya ah, hehe

Pagkatapos nun, nagkwentohan pa kami ng konte, tapos sabay na kame umuwe

Bakit ulit ako pumayag? Haha nakalimutan ko na. Hindi naman ata makakasama sakin kung tuturuan ko siya. Sabagay makakatulong din naman sakin pagtutor sa kaniya, marereview ko yung past lessons ko dati at maprapractice ko utak ko sa mas mahihirap na problems

Hehe humanda ka Mira..

#end of chapter

A Gelaryos Story: The Silent BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon