Arvie's POV
"Dance to the beat, wave your hands together
Come feel the heat, forever and forever
La lalala na nana nanana
now we're in the heat, for carameldansen!!
Uh uh uhwah-wah
Uh uh uhwah-wah ah aaa", alarm ko lang yan tuwing umaga ng weekdays. Cute kasi. Minsan di ako bumabangon agad kasi pinapatapos ko muna kung kanta.
Haaaaay, eto na naman ako, late. Matapos ko kasing pakinggan yung alarm ko, nakakatulog ako. Kaya ayun, ang pasok ay 7am, nagising ako ng 6:55.. Galing talaga..
"anu ka ba Arvando, late ka na naman!"
"sorry ma'am"
"nakakasawa na yang sorry mo, palage na lang!"
"bakit ma'am? May iba ba kayong gusto?"
Tumawa ang klase
"thats it Gelaryos, out! Get out!, at kayo?! Nung tinatawa nyu jan?! Kopyahin nyo yung nasa blackboard!!"
No choice, labas na lang ako, its boring here anyway..
"hoy! At san ka pupunta?!"
"lalabas po? Diba get out? Pinapalabas nyu ko diba, sinabe nyu lang sa english"
"you're not going inewer! Tumayo ka dun sa likod! Stand back out there you full!"
Ha? Haha minsan kahit galit tong bisaya kong titser natatawa ako, pero syempre di ako tatawa. Baka pumutok na yung ugat sa leeg niya kaka english. Pero wag ka, mabaet yan. Madali magpaquiz yan, kung anu gawain sa textbook, yun na yun.
So here I am, 'standing back out here', haha
"pssst Arvie, bakit mo naman kasi sinagot? Lalo tuloy nabadtrip si ma'am BEE (bisaya en englesh)"
Bulong nitong si Isco..
"wala lang ako sa mood, bungad pa naman ng araw mo ay lumilipad na laway, eh ewan ko lang"
"ah, hehe, nagaway kayo ni Mira nu? Tsk tsk, heart breaker ka talaga"
"loko, hindi.."
"anung hindi? Haha you should have seen her face nung friday"
"ha? Bakit? Nu meron?"
Oo nga pala, last friday, di na ko nakapagpaalam ng maayos, dito lang kay Isco..
"grabe, kung nakita mo lang yung sad face niya, manlulumo ka rin, panu ba naman kasi first time niyang pumasa, dahil daw sayo, gusto nga sana ipakita yung test paper niya sayo, wala ka naman daw, yiiieeeh, haha nice pre"
"oh? Eh nakita mo naman kung ilan nakuha niya?"
"ask her yourself dude, di niya pinakita sakin
eh"
"ah, ok, sige mamaya, whew"
Aw Mira, sorry talaga. Bawe nalang ako mamaya..
"Arvando" tumingin sakin si ma'am Bolenbino, "burahin mo na tong nasa blackboard" at umalis na siya
"k.." at binura ko ang mga pinagsusulat niya
Ang mga sumunod na nangyare hindi ko na maalala. I was drifting away with my thoughts about Mira.. Galit ata siya sakin.. Kinakabahan ako.. Baka di ako pansinin nun mamaya.. Haaay.
Cant wait to see her later at lunch. I kinda miss that smile of hers..
Lunch break..
Its been 20 minutes, still no sign of her. Di ako makakaen ng maayos, hinahanap ko kasi siya. Nasan na ba yun?? Iniiwasan ata ako. Im feeling a little bit weird, parang masakit na ewan. Gusto ko siya makita, gusto ko siya makita! Where the heck is she?!