Mira's POV
Yeeeees!!
Haha you did it Mira, hihi
Tataas na grades mo at ang gwapo ng tutor mo, hehe galing ko talaga.
Mabaet naman pala tong si Silent Beast. Sinabayan ako umuwi, kasi daw madilim na. Hehe so sweet, binuhat niya yung bag kong sobrang bigat tapos inalalayan ako sa pagsakay ng jeep..
Tapos NAHAWAKAN niya kamay ko!!! Waaaah nakuryente ako bigla!! Namula ako ng sobra sobra!! Waaah!
Nu ka ba Mira!! Inalalayan ka lang!! Wag kang feeling ok?! waaaah!! Hihihi?! bakit ang gentleman niya ngayon? Huhuhu So weird!
Buti parehas kame ng sinasakyan na jeep, hehe tumititig ako sa kaniya pag di siya tumitingin.
Hihihi, ang ganda talaga ng mga mata niya, yung kilay niya mejo makapal pero may figure tapos yung pilik mata niya parang nakacurl sa may dulo. Nagpapaparlor ata tong patay gutom na to eh, haha
Bumaba na siya sa Buendia, awh..
"Mira, bye, I had a great meal, ingat ka ok?" sabay ngiti, nakatingin siya sakin hanggang makalayo ang jeep, kumakaway sakin
Hindi na ako nakasagot, tumango nalang ako and waved him goodbye
Bakit ganun ang bilis naman nameng mag part ways??
Di nga kame nagkausap sa jeep, nahiya siguro siya sakin kasi namula ako nung nahawakan niya kamay ko. Hay, how can this be?
First time ko lang siya nakausap kanina pero inaadmire ko na siya agad ng ganito
Haha andrama ko
What a day..
Dame kong ikwekwento kay Hannah bukas, hihi
But first mga assignments muna asikasuhin ko.
Haaay mga guro talaga, nagtatambak ng gawain araw araw..
Habang gumagawa ako ng assignments di ko mapigilang magisip...
Si kuya Arvie nasa fourth year na, ako nasa third year. Hindi kaya mas busy siya? Huhu nahiya ako bigla
Aabalahin ko pa siya
Pero I need this
Kahit lunukin ko pride ko, kelangan ko maipasa ung math subjects ko
Arvie Gelaryos, ikaw ang pinakamagaling sa math kaya ikaw nilapitan ko. Plus, ang gwapo mo kaya
What a better way to learn than being inspired diba? Hihi
Arvie's POV
Abnormal talaga yung babaeng yun,
Saksakan sa pagkapula!! Inalalayan ko nga lang eh namula agad, nahiya tuloy ako kasi lalo siyang gumaganda pag nagbla blush siya.
So I cant just stare at her. Baka iba na maramdaman ko.
Napanuod ko na to sa tv eh, nagkainlove-an sa kakatitig lang
Hehe pero ramdam ko nakatingin siya sakin. Di niya alam Im checking on her kasi mamaya wala na siya sa kinauupuan niya, uso kaya kidnapan ngayon.
Panu ko siya nakikita ng hindi nakatingin? Peripheral vision, haha napanuod ko din yan sa tv.
Hmmm nakauwi na kaya yung babaeng yun? Sayang nakalimutan kong hingin number niya. Bukas hihingin ko..
Para may contact ako sa kaniya pag magtututor na
Its not like I like her or anything! Its just business ya know?!
Pagkauwe ko..
"hoy!!! San ka galing?!"
Intrega agad tong si ma
Kala mo kanina pa nakabantay sa may pinto yun pala naglalaro lang ng angry birds sa phone niya
"kumaen po, sabe niyo diba sa labas ako kumaen?
"kumaen ka jan?! 4 oras kumaen lang?! Wag mo nga kong lokohin?!"
Hala?! Ganun ba kame katagal nagusap ni Mira?
Malay ko, wala naman akong relo eh hehe
"opo kumaen lang, ito oh may sundae pa"
Bitbit ko tong sundae, bumili kasi ako ulit habang naguusap kame ni Mira, hindi ko naubos, napatitig nalang kasi ako sa kaniya habang nagsasalita siya.
Well, sige na nga kunwari pasalubong hehe
"oh ito ma oh, hehe masarap yan"
"ah hehe, salamat, baet mo naman, naisip mong ipasalubong yung tira mo sa nanay mo"
Pabirong sabe niya, pero tinaggap naman niya, kinaen to at maya maya, naglalaro na ulit siya ng angry birds.
Pagakyat ko sa kwaryo, nandun mga utol ko, as usual, kaniya kaniyang business.
Dumeretso ako sa kama ko na nasa tuktok ng double deck.
Ang style kasi ganito, ako at si Joseph ang nasa double deck. At si Kevin naman sa lapag.
Parang heirarchy nga eh, haha ang panganay sa tuktok, tapos ang sumunod sa gitna, at yung bunso sa baba
Haaaaay.. Gusto ko na matulog, nakakatamad yung mga assignments, walang challenge.
Hmmm I wonder, magawa kaya ni Mira assignments niya? Hahaha
Well madali lang naman math ng third year, geometry at trigonimetry lang. In other words, shapes at triangles
Hehe she should be able to deal with that.
Iniisip ko pa rin siya hanggang onti onting nawawala kamalayan ko..
"oh, Arvie, gising ka muna please? Arvie!!! Aaaah!!"
Huh? Sinu yun? Ang kulit ah, inaalog ako
"oh bakit? Natutulog ako eh anu ba?!"
Nagulat ako sa nakita ko..
Si Mira!! Bakit ko siya katabe?!
At may parang kakaiba sa kaniya, parang may unan na nakatumbok sa kumot sa may tiyan niya..
"Arvie? Yung baby?! Ugh!! Lalabas na!!! Aaaaah!"
"ha??!!!!! Panung?!?! Haaa?!?! What the heck??!"
Pagtingin ko sa kumot namen ang dameng dugo, galing ba to kay Mira?? Sa gulat ko hindi na ako nakahinga, hindi rin ako makagalaw??!!
Oh God whats happening?!
Splassssshhhhhh!!!
Nagising ako sa tubig na tinapon sa muka ko.,
"anu ka ba Arvie?!, binabangungot ka!"
Ha? Bakit kabang kaba si ma, may hawak pang tabo, maliligo ba siya? Bakit niya ako binuhusan? Basa tuloy yung kama ko
"natulog ka na naman ata ng busog eh?! Anu ka ba?! , pwede kang mamatay sa ginagawa mo!!!"
"hala sorry po, sorry ma" bumangon ako, muntik na naman akong mamatay?!?! Kinabahan ako dun ah?!
Bumaba ako para uminom ng tubig
Tapos ayun, edi matinding pagalit na naman ang inabot ko
Haaay
Anu ba yan, Mira, dahil sa kakaisip ko sayo nakalimutan kong busog pala ako
Ang naramdaman ko lang mata ko ang nabusog, naaakit kasi sayo at hinahanap hanap ka..
Huh? Whats happening to me??
That night hindi na ko nakatulog..
Bukod kasi sa hindi ko matanggal sa isipan ko na muntik na akong kuhain ni kamatayan..
Hindi ko rin maintindihan yung panaginip kong yun.. Weird..
Hay Mira..
#end of chapter