chapter 6

19 1 2
                                    

Arvie's POV

Think Arvie, think.. I gotta have a solution asap!

Argh! Di ako makapag concentrate!

Makapunta nga muna sa cr..

"yo, Mira.. Well as you know, hindi laging magtutugma sked natin so...errr,  No, no, no.. Baduy talaga!, anu ba yan.."

Nagprapractice ako sa harapan ng salamin sa restroom ng lalake..

"oy, Mira, number mo, akin na..", sabe ko sa seryosong boses pero natawa din ako

 Im practicing with different tones, this time, kino consider ko ang 'cool guy' approach

"yo baby, gimme yo numbah, lets have a good time...uhm, Learning?"

Hahaha natatawa ako sarili ko..

"Vando? Haha anung ginagawa mo dito? Ihi at jebs lang business dito, hindi ka pwede manchicks dito pre haha" nakakagulat na sumulpot si Isco out of nowhere, kaklase ko, ang chickboy ng star section, mejo close lang kame kasi pinapakopya ko siya sa exams.. at siya nga pala, Vando tawag sakin ng mga lalake, kasi daw pag Arvie tawag nila sakin para silang babae na nilalandi ako. Haha ewan ko, pero yun ang sinabe nila, halata namang inaasar lang ako kasi nakakatawa talaga pangalan ko.

"ah, wala, haha.." narinig ba niya mga sinabe ko? Tsk, very nice Arvie.. Galing mo talaga magpahiya ng sarili mo...

"well, thats no way of getting a number from a girl pare, dapat smooth ka, confident at pakita mong seryoso ka" advice ng chickboy sa klase..

"haha ewan, di mo naman ako katulad, smooth lang skin ko pero hindi ang bibig ko"

"yabang nito, siya nga pala, nililigawan mo ba yung Mira na yun?"

Anu daw? Anung tsismis yan? Bilis ah! Kahapon lang kame nagkasama tapos ganito agad ang balita.. Tsk

"Hindi nu, di ko nga siya type eh"

"so pwede akin na lang siya? Hehe.."

"wag ka nga, bata lang yun, wag kang child abuse"

"eh bakit ikaw? Mahal mo na ata eh!"

"psssssh! Hindi ah, may anu lang kame"

"oh anu?! Love affair?, haha napanuod ko na yan eh. Kunwari pa kayo, halata naman!"

"basta, I'm just doing her a favor cos she asked me"

"haha bahala ka, wag mong papaiyakin yun ah, dameng naghahabol dun kala mo, sige pre, una na ko..", sabe niya at nauna ng lumabas ng cr..

Oh? Talaga? Sabagay, maganda naman talaga siya.. Hindi na nakakapagtataka kung marameng nagkakagusto sa kaniya.. Sinu nga bang hindi mahuhumaling sa ngiti niya, sa mga labe niyang likas sa pagkapula, makinis at maputing kutis, matankad, at ang boses niya na nakakapagpalambot ng puso.. Haha nagpapantasya na ata ako, tama na nga yan..

Sa pangalawang pagkakataon tumingin ako sa salamin, konteng ayos ng buhok, konteng ayos sa damit.. Hmmmm pwede na, pogi na.. Hehe pogi pala ko sabe ng salamin na nasa harap ko..

Anung oras na kaya? Hala?! 12:45 na? 15 minutes na lang ang break?! Waaaah! Dali kakaen pa ko!!

Nagmadale akong pumunta sa canteen, as expected halos wala ng pagkaen, haaaay, qwek qwek na nga lang muna, quail egg yun na pinaligo sa harina at food coloring, pinrito, tapos servedchilled. Nakakaumay na, malamig na kasi, panu ba naman kasi dalawang oras prior sa lunch break, luto na to, excited ata sila masyado kumita ng 15 pesos per 4 pieces. Malake na nga ang tubo, ganito pa ibibigay sayo. Sabe nga nila, you get what you spaid for, 10 pesos sa ingredients at pagluluto nila, 5 pesos naman sa pagserve ng malamig at nakakarefresh na kwek kwek.. Tsk, anu pa ba magagawa ko, gutom ako, at hindi ko naman masisikmura yung ibang pagkaen sa menu, lalo na ung ice cold spaghetti at palabok.

A Gelaryos Story: The Silent BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon