Mira's POV
Whats with this guy?!?!
Ang gwaaaapoooo!!!
Humarap ba naman sakin ng nakangiti tapos nakatitig siya sa sakin!!! Oh maaaay gaaaaad!!!
Maaliwalas siya tingnan, ang linis, so manly, and those eyes, i've never have seen eyes like that. So calming, napapatitig din tuloy ako!!! oooooh maaay gaaaad!!!
Caught off guard ako waaaaah!
Shhhh. Come on, girl, kaya mo to, remember your poise, dont lose it
"ahm, eh ako pala si.. Si mi-miraje- jane"
Huhuhu!!! I cant even talk straight, nakakatitig siya sakin.. Waaah that smile eeeeeh parang kakainin ako huhu
"ay, sorry, nananaginip kasi ako kanina, nakangiti pa pala ako, pasensya na"
Humupa ang ngiti niya, napansin niya ba na namula ako??? Gosh!!! Ang init ng cheeks ko! Huhu
"Mirajane is it?" napansin niya nga, bumalik yung ngiti niya!! Whooo!, calm down please? Please? Mira!! Calm down!!
"ye- yeah, may hihingin lang sana ako ng pabor sayo" ayos, mejo buo na boses ko, hihi
Napaisip siya..
"ahm anu ba pwede ko itulong sayo Mira?"
"ahm may free time ka ba after school? Sa mcdo tayo magkita, dun ko na sasabihin. Nakakahiya kasi pag dito ko sinabe eh", I smiled my sweetest smile at him
Hihi, sana naman pumayag..
"hmmmm are you asking me out Mira?"
Loko to ah!! Kapal ng muka, kala ko ba mahiyain to
"hindi, magtatime na kasi eh, paakyat na ko sa klase ko, please? Be there, I really need your help po" Whew, tamang tama, matatapos na lunch break namen, hehe nakalusot ako dun
"ah, eh.. Cge" sabe niya ng may pagkatunog ng napilitan
"sige na, treat kita fries at sundae"
Tsaka lang siya ngumiti.. Patay gutom pala tong taong to
Hehe
"see you later handsome"
"ha?", lumingon siya bigla
Eeeeek!!! No no no!! Did i just say that out loud?? Nakakainis ka Mira!!! Arrrgggh!!! Dali! Isip ng palusot!!!
"ah sabe ko see you later, ingat sa hagdan!"
"ah ok, ikaw din" then ngumiti siya ulit ng nakakaloko habang paakyat ng hagdan
Anu ba yun? Sooo akward!!
Wala na kong naisip na katunog ng buong sinabe ko eeh
Hay Mira...
Pero ayos!! Success ang stage one ng plano ko
Hihihi
Arvie's POV
Nakakatuwa naman yung babaeng yun, ang cute niya
Parang biglang nag iba yung aura ng paligid nang nakausap ko siya
Sobrang gumaan loob ko
Hehe what a lovely young lady
Pero anu ba talaga pakay niya?
Peste kasi tong lunch break ang ikli, gusto ko pa siya titigan eh.
Hehe mamaya makikita ko siya ulit.
Teka magde date ba kame???
Hmmm bawal pa ako makipagdate eh
Marameng kakilala si ma dito
Baka may magsumbong, lagot ako dun. Nagiging monster kaya yun kung magalit.
Ayoko na idescribe kasi natatakot na ko ngayon pa lang!! Yikes!
Hmmm pero I think hindi naman date yun, may hihingin nga siyang favor eh.
Bakit kaya ako pa?
Ay oo nga pala, bakit niya ko kilala.
Sinu ba siya?
Tsk, nakalimutan ko tanungin
Masyado ata akong nadala sa ganda niya
Eh kasi naman.. Namumula pa mga pisngi niya, tapos yung boses
Nakaka soothe..
"Mr. Gelaryos!!" tinawag ako ng matandang guro namen
"ah? Yes ma'am?"
"Ikaw na magbabasa!!, ikaw talaga, san ka ba nakatingin??"
Anu ba yan?! Ako na naman napansin ni mrs. Bulgado!! Nakatingin kasi ako sa labas ng bintana, yung pwesto ko kasi nasa dulo ng silid aralan sa may bintana, perfect place para magmuni muni pag nabobore na ko sa klase.
"ah eh, nasan na ba?"
"hanapin mo!!! Tatayo kang magdamag diyan sige ka"
Lakas din ng trip tong Filipino teacher na to, napakaluma na ng mga parusa, di man lang nagiisip ng makabagong paraan ng pagbibigay ng leksyon sa mga estudyanteng hindi nag aayos.
"Arvie, paragraph 13 naaa" bumulong ng napakahina yung katabe ko na si Shirlee
"ha???"
"Mr. Gelaryos!! Anu ba?? Gusto mo tumayo dyan hanggang matapos ang klase? Pagbibigyan kita"
nyee, nakakasindak naman tong matandang to
Anu nga ba sabe ni Shirlee? Paragraph 13 ba? Di ko sure, bubulong nalang kasi ang hina pa.
Ay oo nga pala, haha bulong nga eh!
Hay naku Arvando!! Basahin mo na nga
"ito na po ma'am! At si Crispin ay.. Blah blah blah..."
Malayo ang iniisip ko habang nagbabasa
Excited ako mamaya hehe..
Hmmmm Mira..
Sana large fries orderin mo..
#end of chapter