chapter 8

14 1 1
                                    

Arvie's POV

It has been since friday na nandito kame sa munting bahay namen sa Cavite. May kamag-anak kasi si dad na namatayan, kaya nakiramay kame. Pagkatapos nung libing nung sabado ay nagreunion din kame, nandito kasi nakatira ang angkan ng dad ko. Nandun ang mga uncle at auntie ko pati mga pinsang kasama kong lumake noon. Pero marame akong hindi nakilalang mga muka, lalo na yung mga sanggol na buhat ng mga pinsan ko at ang mga maliit na bata na kasama nila, anak pala nila lahat yun. Ewan ko ba kung uso ang magpalago ng lahi dito pero yun ang ginagawa nila, sa murang edad nila ang dame na nilang anak, di na nga sila nagpatuloy sa pagaaral eh, nakakainis sila, sayang ang ganda nila.. Kung sana ay naghintay sila sa tamang panahon.. Edi sana matino ang mga napangasawa nila, hindi yung iiwan sila kasi hindi kayang panagutan ang ginawa nilang pagkakamali.. Tsk nagiging dramatic na ko, nagugutom na kasi ako eh!

Haha nakukunsimi lang ako dito, enjoyin ko na nga lang ang ambiance..

brrrr..

Ang lamig talaga ng simoy ng hangin dito sa Cavite, nakakaginaw. Malapit lang kasi dito ang Tagaytay kaya mejo magkasing level ang lamig..

brrrr..

Hay, kamusta na kaya si Mira? Pumasa kaya yun? Lagot ako dun pag balik ko. Hindi ko nasunod yung part ko sa deal namen, yun ay sakaleng pumasa siya. Narinig ko kasi nun sa mga maingay niyang kaklase, napakahirap daw, zero ulit sila at kung anu anu pang reklamo sa antas ng pagkahirap ng pagsusulit na yun..

Badtrip, hindi kasi ako nakapgpaload bago umalis ng Makati, wala pa namang nagloload dito, ang layo kasi sa sibilisasyon ng lugar na to

Haay ang dame na niyang text sakin, hindi naman ako makasagot.

"Arvie, nung ginagawa mo jan? Lalim ng iniisip mo ah, siguro girlfriend mo yang iniisip moooo, haha wag ka magalala, mahal ka nun!" sumulpot bigla sa likod ko ang pinsan kong si Celline (silin ang pronounciation, parang vitamins), isa pa to eh, puro love life inaatupag, sarap kotongan.. Whew

"hindi ah, minsan lang kasi ako makakapagrelax ng ganito eh"

"sabagay, hehe, ui insan, may girlfriend ka na ba?"

"wala! Aral muna, kaw talaga.. Eh ikaw meron ka ng boyprend no?"

"hihi, oo" sagot niyang mahina

Haha masasaktan ko na talaga to eh, ang landi.

"landi mong bata ka" ginulo ko ang buhok niya

"eeeeh! Kuya naman, hihi"

"bumaba ka nga dun, gusto kong mapagisa ngayon"

"haha anu ka emo?"

"hindi ah"

"yiiiieh, girlfriend mo lang iniisip mo, halata namang inlove ka eh, kanina ka pa diyan nakatingin sa cellphone mo, haha"

"ha?! Hindi nu!"

"weh, haha ok lang yan, secret lang natin, aminin mo na kasi"

"wala akong aaminin sayo"

"ang kj nito"

"haha wala naman kasi talaga, ui tawag ka na ng mama mo"

"hala? Oh sige kuya Arvie, uwe na kame, buh bye!"

"wait! Celline!"

"oh? Bakit? Aamin ka na? Hehe"

"pwede paloadan mo ko pagdating mo sa bayan? Bayaran na lang kita, please?

"haha sabe ko na nga ba eh di mo siya matiis, oo na sige na akin na number at bayad mo"

"ewan!! Kelangan ko lang yan para may contact ako para sa skul"

"weeeeeh, utot mu! Haha"

"Siiiiiileeeeeeeen!!! Uwi na taaaayooo!!", sigaw ng nanay niya

"anjaaaaan na naaaay!!", sigaw din niya habang nagmamadaleng bumaba ang pinsan kong makulit

Tapos umalis na sila..

Maya-maya, dumating na yung load, at nagtext pa na galing kay Celline

'From: Celline

ayan na ah. Cge na, sabihin mong mahal mo siya, hihi'

Haha baliw talaga yun. Pero ang galing niyang makakutob. Totoo, iniisip ko si Mira, pero hindi ko naman siya girlfriend eh, friend lang na girl, haha

Nagmadale akong nagtext kay Mira, baka hindi na ko pansinin nun pagbalik ko..

'To: Mira

Mira, sorry, hindi kasi ako nakapagpaload agad, pasensya na talaga ha'

Nye, muka namang masyado akong guilty nito, erase erase..

'Mira, did you miss me?'

Haha wag ganun. Ito na nga seryoso na

'Mira, kamusta? Sorry about what happened last friday, I'll make it up to you nalang pagbalik ko'

Send

..

I waited all night..

Nakauwe na kame't lahat lahat pero walang mensaheng dumating galing sa kaniya.

Gusto ko na sanang pasahan siya ng load pero baka maisip niyang pinipilit ko siyang magreply.

Wala na akong magawa kaya matutulog na lang ako.

Well its not that bad, I dont think na magagalit siya sakin.

I guess..

Later that night nakatulog akong hawak ang cp ko,.

"Arvie.. Theres something I've been longing to tell you.."

Nanghihina si Mira, she's lying on my arms, fighting for every breath of air..

"Wag ka muna magsalita Mira, save your strength please, continue breathing, everythings gona be okay, stay with me please"

Yakap yakap ko siya, di ko alam pero naluluha ako, pero napipigilan ko pa.. Whats happening??!

"Arvie, I.. I.."

Biglang nagfade boses niya kasabay ng paghinga niya. Nawala ang grip niya sa kamay ko, at onti onting sumara ang kaniyang mga mata

"Mira!!! No!!!"

Umiiyak ako..

Narinig ko ang wang wang ng ambulansya, at naramdaman kong may humihila sakin at pinapakalma ako. Tapos nakita kong kinukuha nila si Mira..

"Miraaaa!!!"

Kasabay ng pagsigaw ko ng pangalan niya ang pagbangon ko mula sa higaan, para bang may may gusto akong habulin pero hindi ako umabot, pawis na pawis ako kahit ang lamig lamig sa kwarto, at hindi ako mapakale.. And its still 3am in the morning

Napahawak ako sa ulo ko na sumakit sa pagbangon ko bigla..

Whats with these wild dreams??

Na aabnormal na ba ako?

I cant think straight..

Tsaka ko lang napansin na hawak ko parin cp ko.. Kaya tiningnan ko

Aba, may message

'From: Mira

Ok lang naman, cant wait to claim my prize later, handa mo na pera mo'

I smiled and went back to sleep pagkatapos kong magreply sa kaniya..

'To: Mira

hehe, pakita mo muna ang ebidensiya mo, see you later at lunch, Mira'

#end of chapter

A Gelaryos Story: The Silent BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon