#tmoc134

19 0 0
                                    

(Press conference w/ Cade Suarez)

September 4, 2022 – Sunday

Host: Okay, let's hear first from Mr. Suarez

C. Suarez: Good afternoon, everyone. Pretzel Cade Suarez po. Salamat sa pagpunta at panonood sa presscon na ito.

(audience applauds)

Host: And without further ado, let's move on to the agenda of this brief press conference. Ano nga ba ang importanteng announcement na kailangan mong sabihin, Cade?

C. Suarez: First of all, I would like to say sorry—sorry for all the bad things that I thought of, felt within, did in anyway, and speak of. The tragedy that happened last time, that's true, but the twisted reasons, made up stories, and speculations are getting out of control. Sumosobra na po, sa puntong nakakasakit na tayo ng ibang tao. Sana, sana kung totoo ko kayong tagasuporta, huwag kayo manakit ng ibang tao para sa akin. Hindi laging masasakit na salita violence ang sagot sa mga bagay-bagay. Someone actually told me before that it's better to understand humans and humanity. Mauna kang umunawa, para hindi mo na kailangan magpatawad. Kaya sana, ganoon din tayo. Ako, alam ko, marami din po akong kailangan baguhin. Mga pagkakamali...

(Awkward silence)

C. Suarez: Isa sa mga pagkakamaling iyon ay ang dating Cade noong kami pa ni Atticus Gordon. Inuulit ko po, wala na po kami, matagal na. Nagkausap na po kami tungkol dito. Huwag na po nating sirain ang relationship ng nila ng non-showbiz boyfriend niya. Labas na po tayo roon.

Host: Pero Cade, linawin lang natin, may kinalaman ba si Atticus sa insidente na nangyari nito lang?

C. Suarez: Inaako ko po ang lahat ng iyon at walang impluwensya si Atticus sa nangyari. Hindi siya ang dahilan kung bakit ginawa ko 'yon. There are many triggers, not just a failed relationship, in such incident po.

(audience listens attentively)

C. Suarez: Inuulit ko po, wala pong kasalanan si Atticus sa mga nangyayari sa akin. Sana po suportahan niyo na lang kami sa aming career, lalo na sa movie na katatapos lang namin gawin. Maraming salamat po.

The Misfits on Carrousel (epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon