#tmoc95

24 1 0
                                    

coltonmatters

May 31, 17:33

coltonmatters

I hope things work for us. Naglakas-loob lang talaga ako. Nagbaka sakali lang. Ganoon ka ka-importante sa akin, ganoon kita ka-gusto.

May 31, 19:25

atticus2725
Yes.

coltonmatters
So pwede?

atticus2725
Pwede?

coltonmatters
Ba manligaw?

atticus2725
Ow, I thought that's not the question so I kinda messed up? Owemzi.

coltonmatters
Anong ibig mong sabihin?

atticus2725
I felt like a birdbrain there. Never mind.

coltonmatters
Ano ba iyon?

atticus2725
Nothing. Hehe.

coltonmatters
Okay lang, sabihin mo na. Hindi ko naman mamasamain. Kahit ano pa 'yan, ipapaliwanag ko. Susubukan nating intindihin pareho.

atticus2725
I just thought na you're asking me na to be your girlfriend.

coltonmatters
Wait.

Okay. Ibig sabihin, ang pagkakaintindi mo sa mga sinabi ko kanina, sa lahat ng iyon na dinahan-dahan kong ipaliwanag na may kasamang basehan pa, niyayaya na agad kitang maging girlfriend?

atticus2725
Yes, Buds. Hehe.

coltonmatters
Tapos sagot mo, "Yes." Tama ba?

atticus2725
Yes, Buds. Hehe.

coltonmatters
Ngayong malinaw na sa 'yo ang lahat, hindi mo ba babawiin ang sinabi mo kung gugustuhin kitang maging girlfriend?

atticus2725
Yes, Buds. Hehe.

coltonmatters
Teka, as in ngayon, ha? Tatanungin kita. Gusto mo na ako maging boyfriend? Siguraduhin mo ang magiging sagot, ha.

atticus2725
Yes, Buds. Hehe.

coltonmatters
Isa pa, ulitin mo. Yung sagot mo talaga, yung hindi napipilitan dahil nasabi mo na o baka nadadala ka lang sa nararamdaman mong pressure at magulo pa sa isip mo ngayon. Overwhelming, ganoon.

atticus2725
Yes, Buds. Hehe.

coltonmatters
Isa pa nga. Last na.

atticus2725
Yes, Buds. Hehe.

Mukhang sirang robot na ako mag-reply nyan. 😭

coltonmatters
Okay.

Atticus Beatrice, kailangan natin magkita.

Ngayon na.

May 31, 20:25

I love you.
seen

The Misfits on Carrousel (epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon