#tmoc143

36 1 0
                                    

coltonmatters

Sept 29, 12:12

coltonmatters
Sino ka?

atticus2725
Si Atticus. 🤣

coltonmatters
Stop fooling around. Sino ka?

atticus2725
Ano ba ang mas importante? Si Atticus o yung malaman mo ang pangalan ko?

coltonmatters
Hindi magandang biro ang ginagawa mo.

atticus2725
Sino ba ang nagsabing nakikipagbiruan ako?!

Ang hirap sa inyo. Akala niyo biro lahat. Nakakasakit din kayo ng iba!

coltonmatters
Where are you coming from? Sabihin mo kung nasaan si Atticus at bakit nasa iyo ang phone niya.

atticus2725
Ayaw na ayaw niyo talaga yung nahihirapan e no?

Saka bakit ba gustong gusto niyo 'tong babae na 'to? Ano bang meron sa babaeng 'to?

coltonmatters
Don't hurt her.

atticus2725
HAHAHAHAHAHA. Wala pa nga akong ginagawa.

Siguro mamaya.

coltonmatters
Please. Pakiusap. Nasaan siya?

atticus2725
Kasama ko kaso nakatulog na naman. Napagod yata. 😊

coltonmatters
Baka pwede naman nating pag-usapan 'to.

atticus2725
Sige mag-usap muna tayo.

Pansin ko lang ha.

Sobrang bait din ng babaeng 'to kaya siguro swerte rin sa nakapaligid sa kanya

Pero hindi

Hindi enough yon para mang-agaw siya ng taong matagal na pagmamay-ari ng iba

coltonmatters
Anong sinasabi mo? Walang nilalandi si Atticus. Ako ang patuyan, boyfriend niya ako. Kaya itigil mo na 'yan.

atticus2725
Gago ka ba? Eh, bakit kumakabit siya kay Cade?

coltonmatters
Fan ka ni Cade?

atticus2725
Hindi lang ako fan ni Cade, hindi ako basta-basta fan lang!

Akin si Cade!

Akin lang siya!

Walang kahit sino ang pwedeng umagaw sa kanya o sa atensyon at pagmamahal niya! Walang kahit sino ang pwedeng humadlang sa kung anong mayroon kami!

Kung sino man ang papagitan sa amin, papatayin ko.

coltonmatters
Ano bang kailangan mo? Pwede ko namang ibigay sa 'yo si Cade. Kilala ko 'yon.

atticus2725
Mas kilala ko siya. Alam ko ang bawat linya ng katawan niya. Alam ko ang dahilan ng bawat ngisi at hikbi niya araw-araw, segu-segundo. Kasama niya ako lagi, mula paggising hanggang pagtulog. Alam ko ang nararamdaman niya. Alam ko ang iniisip niya. Alam ko ang gusto niya. Alam ko ang kailangan niya. Alam ko kung ano ang magpapasaya sa kanya. Alam ko kung ano ang bubuo sa kanya. Alam ko ang mga pangarap niya, ni daing niya kada mananaginip siya. Alam ko ang lahat. Lahat-lahat.

The Misfits on Carrousel (epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon