Wildest Dream 7

60 3 0
                                    

Tahimik akong nakasunod sa kanya at nakakaramdam ng inis pag muling naaalala ang demonyong asawa nitong magaling kong ina.

Kasalukuyan kaming papunta sa cafeteria dahil nakaramdam na itong si Mr. Huxleyy ng gutom, mukha naman siyang hindi gutom pero magpapasalamat pa din ako sa kanya dahil nailayo ako sa demonyo.

"You can go straight a head to the counter and order, I'll be waiting to our table" aniya nito at dumiritso na sa lakad ng hindi man lang ako binilanan kung anong gusto niyang eh order.

Napairap na lamag ako sa kawalan at inis mukhang humarap sa counter, nagmumukhang mamahaling resto itong cafeteria na ito dahil bukod sa may menu na napakadaming klaseng pagkain ay meron na ding parte sa gilid na kung saan pagpasok mo dito ay isa itong minibar na may iba't ibang klase ng inumim mapa alak man o hindi.

Nag order na lamang ako ng kape at isang hot chocolate latte kuno nila isa sa special mix drinks na made with love shar. Nag order na din ako ng kanin pati isang bucket ng fried chicken, tingnan natin kung magpapa order pa siya sakin next time.

Napangisi ako.

"Pakisali na din ng dalawang cup of rice para tig isa kami" dagdag ko pa dito.

"Magkano ba lahat?" Tanong ko ng ma realize kong wala pala akong dalang pera dahil naiwan ko ang bag sa table ko sa office.

"1,050 in all ma'am" napa awang aking mga labi at tila hindi makapaniwala sa presyo.

"Mahal naman dito" bulong ko sa sarili ko ngunit tila narinig ng babaeng nasa harapan ko.

"Po?" Paglilinaw nito kaya mabilis akong umiling at ngumiti ng malapad.

"Wala, wala. Si Mr. Huxleyy na lang magbabayad. Charged mo sa name niya thanks" aniya ko sabay dampot sa kape at hot choco na ready to serve na.

Hindi ko na inantay ang sagot niya dahil mabilis akong naglakad papunta sa gawi ni Mr. Huxleyy.

Ano ba name nito? Ayokong tawagin siya sa last name sobramg formal naman non hindi naman ako ganon.

"Coffee" I mouthed him and sitted the chair in front of him excitingly.

"You look like a child excited to eat her lollipop" aniya nito at andoon pa din ang seryosong expression niya na hindi mawala-wala.

"Kung lollipop mo naman pala ay syemore-Oo!"

Agad napataas ang kanyang kilay "What?"

Mahina akong natawa at maingat na inilapit sa kanya ang kape "Wala sabi ko Coffee well"

Ibinaling nito ang paningin sa laptop at tila ba may inuusisa ito na sobrang importante dahil sa hitsura ng kanyang mukha.

"Anong inorder mo?"

Napatagilid ang ulo ko at tila nag iisip kung sasabihin ko ba sa kanya o mamaya na lang baka mabagot at mawala sa mood.

"Fried chicken" aniya ko na hindi man lang ngumiti, sumandal ako sa upuan at humalukipkip habang diritso ang tingin sa kanya.

"Good, with rice?" Napataas ang kilay ko ng magustuhan niya.

Really? Gusto niya din ganon, same vibes.

"Yeah" mahina kong aniya na ikinatango naman nito.

Ilang minuto lamang ay na serve na ang pagkain, takam na takam ako dahil sa nakalimutan kong kumain kaya gutom na gutom na ako.

"Sir, 1050 po ang bill" agad nagtaas ng tingin itong kasama ko at taka akong tiningnan

"You didn't pay yet?"

Umiling ako "Ikaw nag-aya, ikaw magbabayad" taas kilay kong saad kaya napabuga ito ng hangin sa kawalan.

Nagsimula na akong kumain na tila ba walang pake sa kasama.

"You eat like you didn't eat for thousands of years" itinaas ko ang tingin sa kanya at inirapan.

"Nakalimutan kong kumain" tanging sagot ko dito.

Maya maya pa ay nakita kong sinabayan na niya ako ng kain.

"So anong full name mo? Kapagod maging formal di naman kita boss"

Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago kumagat sa manok at nginuya ito na may pa pikit effect pa kaya natawa na lamang ako.

"Ikaw nga parang di nakakain ng manok ng ilang libong taon" napamulat ito at tinaasan ako ng kilay.

Parehas kaming ayaw magpatalo sa pataasan ng kilay, sino ba naman siya para hindi ko pagtaasan ng kilay.

"I'm your boss, you need to be formal"

Inirapan ko ito at sumubo ng manok "No way, assistant mo lamang ako hindi kita boss"

"Ako magbibigay ng marka during your intern here at my company"

"Company mo? Sa papa mo kaya"

Natigilan ito at tumitig sa akin ng kakaiba "How do you know that"

Ibinaba ko ang kutsara kong hawak "Your sister is eager to get this company"

"What do you know beside that matter"

Hinawi ko ang buhok ko at inilagay sa likod ng aking tenga "You're father is trying to choose kung kanino nararapat, I can help him decide for who's the best" ngising saad ko.

"Who are you?" Kunot noo at halong pagtataka ang pagbigkas niya sa mga salitang iyon.

Alam kong sa mga oras na ito, nakuha ko na ang atensyon na dapat ay hindi niya ibigay sa mga intern na katulad ko.

"Narinig ko lang, tsaka sa chismis yan doon sa lobby"

"People keep spreading things that aren't for them tsk" mahina nitong saad kaya napatango ako

"True, tapos dadagdagan pa ng mali jusmeyo"

"Lothaire Tobias Huxley"

Napasinghap ako "Full name mo? Astig"

"Yeah, Adaline Myr Zavala. Different last name from your father? Or just using your mother's last name "

Sasagot na sana ako ng mahagilap ko ang pamilyar na mukha. Nahinto ako at napatitig dito, siya yong sinasabi ni Patrick na matagal niyang naging kaibigan noong andirito siya sa Moalboal.

Maaaring may alam siya sa nangyari.

Agad akong tumayo at mabilis na naglakad papunta sa gawi nito, palakad din ito palabas ng cafeteria kaya mas binilisan ko pa ang paglakad. Ng ilang metro na lamang ang layo namin at bago nito mahawakan ang pintuan palabas ay hinawakan ko ang braso nito.

"Sam"

Tila nakakita ng multo ito ng maharap sa akin, ngunit kalaunan ay bumakas sa kanyang mukha ang biglang pagkalungkot.

"Patrick"

"Adaline Myr, can we talk?" Paglilinaw ko sa kanya.

Yumuko ito at tumitig sa kamay kong nakahawak sa braso niya kaya agad ko itong binitawan

"S-sorry"

Inangat niya ang kanyang ulo at nagtama ang aming mga mata, bahagya itong ngumiti "We can talk later, may meeting pa ako ngayon" mahinahon niyang aniya kaya agad akong napatango.

Humakbang ito palapit sa akin at maingat akong niyakap gamit ang isang kamay lamang na nasa buhok ko sa batok banda inilagay.

"Glad to meet you"

Naturally ako ng ilang saglit hanggang sa tuluyan na siyang umalis.




To Be Continue🖤

Wildest Dream- CTU Series 2Where stories live. Discover now