Kanina ko pa pinapaikot ikot ang ballpen kong hawak habang nakatatitig sa laptop ko ngunit lagpas naman ang iniisip at hindi makapag focus sa gagawin.
Napangiti ako ng maalala muli ang nangyari sa amin ni Lothaire ilang araw na ang nakalipas, ilang araw na din simula ng huli ko siya nakita dahil tila sinadya ng tadhana na ako'y maging busy at makalimutan siya ng saglit.
"What if I visit him sa office niya?" Parang ingot kong tanong sa sarili ko at ako din naman ang sasagot. Ilang minuto akong nakatulala at muling napabalikwas ng sa hindi inaasahang pagpasok ni Lothaire at muling pagbalik sa opisina.
Nanlaki ang aking mga mata at halos hindi na ako kumurap masuri lamang ang kabuuan niya.
"Lothaire?" Tanong ko dito ngunit nilagpasan niya lamang ako na para bang hindi nakakita ng tao, dumiritso ito sa kanyang upuan at agad binuklat ang kanyang laptop at tumitig ditong nakakunot ang noo.
"Para naman akong kaluluwa dito at hindi makita-kita." nakanguso kong aniya at sindyang lakasan ang boses nagbabakasakaling marinig niya ang aking sinabi ngunit ang gago ay walang naririnig kaya agad akong napairap sa kawalan.
Naramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone na kasalukuyang nasa ibabaw ng table ko, tinitigan ko muna ito ng saglit bago kinuha at agad gumuhit ang linya sa aking mga noo ng mapagtantong hindi naka registered ang number na tumatawag sa akin ngayon, ibig sabihin ay maaaring hindi ko ito kilala.
Kahit nagdadalawang isip ako ay sinagot ko na lamang ito.
"Who's this?"
["Adaline"] agad akong napabuga ng hangin sa kawalan ng mabosesan ko ang kung sino ang nasa kabilang linya.
"Samrej? Napatawag ka?"
["Yong autopsy na sinasabi ko, sorry ngayon lang ako nakapagparamdam ulit naging busy kasi ako."]
"It's okay, I can wait naman, so where do you wanna meet?" Diritso kong saad dahil atat na ata na akong malaman ngunit nawala lang ito sa isip ko ng dahil kay Lothaire.
["Same place, kung saan tayo nagkita last time."]
Napatango ako at napalingon sa gawi ni Lothaire na kasalukuyan na din palang nakatingin sa gawi ko, agad akong nakaramdam na parang kuryente na dumaloy sa buo kong katawan sa lamig ng pagkakatitig sa akin ng lalaking ito. Ako na ang nag iwas ng tingin dahil maaaring mawala ako sa ulirat dahil sa lalaking ito.
"Hmmm, I'll text you my free time."
["See you, Ada."]
Ng ibaba ko na ang tawag ay muli kong ibinalik ang tingin sa gawi ni Lothaire ngunit nasa laptop na ulit ang kanyang paningin. Tumayo ako at lalabas na sana ng mapahinto ako sa biglaan niyang pagsalita.
"We'll have meetings later and you need to come with me."
Nilingon ko siya at inirapan "Pansin mo pala ako? Akala ko kasi hindi."
"I said we have meetings, hindi ka pwedeng umalis mamaya."
Tinitigan ko siya na para bang hindi ko siya kilala "Nasa sakin pa din kung sasamahan kita o hindi." Tuluyan ko na itong tinalikuran at lumabas sa nakakainis na office.
Kanina halos hindi niya ako makita tapos bigla-bigla siyang magde-demand na madaming meeting, sino siya sinuswerte.
"Tanginang lalaki talaga" mapapamura ka malala.
Dumiritso ako sa cafeteria at nag order ng kape.
"Ano pong kape ma'am?" Tanong sa akin ng cashier.
"Yong pinakamatapang" madiin kong sagot dito at tila ba'y nahalata nito ang inis na nararamdaman ko kaya tumahimik at hindi na muling nagtanong.
"200 pesos ma'am" napairap ako ng maalalang hindi ko pala dala ang wallet ko.
"Eh charge mo sa demonyong si Lothaire"
"Po?" Nagtatakang tanong nito.
"Bingi ka ba! Sabi ko eh lista mo sa pangalan ni Lothaire dahil siya ang magbabayad!" Bigwas ko dito dahil sa init ng aking ulo.
"Ah opo-sige po"
Nakuha ko na ang kape ko at padabog na naupo sa bakanteng table. Humalukipkip ako at napabuntong hininga, tila umaapoy sa inis ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Hindi niya ako kayany makita kapag wala siyang kailangan pero nakikita niya ako pag meron siyang kailangan.
Ilang oras akong namalagi sa cafeteria at nakatitig lamang sa baso at minsan ay napapainom hanggang sa maubos ko ang kape. Pabalik na ako sa office ng makasalubong ko ang demonyong nakapagbigay inis sa kabuuan kong kaluluwa.
"Meeting's gonna start about an hour"
Tinitigan ko siya ng blanko at hindi binigyan ng tugon sapagkat ramdam ko pa din ang pagkainis sa inasta niya kanina.
"Are you going to stare at me whole hour?"
Muli kong sinuri ang kabuuan niya bago siya tuluyang talikuran ngunit ang mas nakakainis ay ang paghabol niya sa mga braso ko upang pigilan ako.
"What?" Singhal ko sa kanya ng hindi ko na mapigilan ang sarili kong mainis.
"You're acting weird. Look, I don't have time for your drama okay? I need you to come with me sa meeting ko."
Wala akong nagawa at napasama talaga sa kanya, tumakbo ang oras na kasama ko sa meeting si Lothaire. Wala ako sa mood at tila mabilis uminit ang ulo sa pagmumukha niya, may importante sana akong gagawin ngunit ipagpapaliban ko muna ng dahil sa kanya.
"So that's all for tonight" matapos ang mahabang oras na paghihintay ko, ay sa wakas natapos na din ang nakakainis na pangyayari sa buhay ko.
"Let's go"
Taka ko siyang tiningnan ng hinila niya ang aking braso. Wala na din akong nagawa kaya hinayaan ko na lamang siya.
"What do you want for dinner?" Hindi ko batid kung bakit siya nagpapakamabuting tao ngayon ngunit gayunpaman ay sasakyan ko na lamang ang kalokohan niya.
Kasalukyan kaming magkatabi kaya naisipan kong lingunin siya muli.
"Pwede bang labi mo na lang"
Nakita ko ang pagngisi niya kaya agad ko siyang sinunggaban ng malalim na halik.
"Now I'm full" nakangiti kong aniya.
"Should I court you?" Agad napaawang ang aking mga labi ng marinig ang katagang iyon, hindi ako makapaniwala at maitatanong niya sa akin ang bagay na iyan.
He smiled genuinely. "Since may nangyari naman na sa atin and I don't want you overthinking and asking for your worth"
Napangiti ako ng makompirmang natatakot lang siya kung ano ang masasabi ko tungkol sa kanya dahil nakipag sex ako kaagad sa kanya ng wala pang kami "Uso naman yan ngayon diba?"
Nakapukunot ang kanya noo "Uso?"
Tumango ako "Oo, sex as a friend"
"Tcccch" natawa ito ng mahina "I respect you as a woman. That's why I'm going to ask if you to be my girlfriend"
"Pag-iisipan ko pa"
"You don't like me?"
Tinitigan ko siya "I like your performance, but I crave more than that"
YOU ARE READING
Wildest Dream- CTU Series 2
Mystery / ThrillerI dream to do things in my claim. Everything I wanna know, everything I wanna find no matter how. It's my most out of control dream to know. -Adaline Myr -Wildest Dream -CTU Series 2