Nakaupo ako dito sa Park at payapang nagmamasid sa paligid, madaming mga pamilya na nag pi-picnic kasama ang kanilang mga anak na nagtatakbuhan at ang iba naman ay naglalaro.
Sa ilang minuto kong paghihintay ay nakaramdam na ako ng pagkabagot, natagalan itong pakikiusapan ko. Mababa lamang ang pasensya ko kaya't ng matanaw ko siyang paparating na ay sinalubong ko ito gamit ang matalim kong titig.
"What's with your eyes?" Takang tanong nito at umupo sa tabi ko.
Hinarap ko siya at inirapan bago sinagot "Ilang taon akong naghinay bago ka dumating nakakabagot"
Bahagya itong natawa ng konti bago nagsalita "What do you mean by seeing me?"
"Hindi, by talking with you"
Inayos niya ang kwelyo niya at umayos ng upo upang makasandal siya sa upuan at makaharap sa mga batang naglalaro na medyo malapit sa amin.
"So how are you?"
Huminga ako ng malalim at sumandal na din sa inuupuan.
"So far, never been easy without him"
"May mga gusto kang itanong sa akin?"
Nilingon ko siya "Gaano mo ka close si Patrick, Sam?
"He's been so good to me, panahong walang wala ako siya yong andon. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari, a day before our graduation, he committed suicide." Nilingon niya ako at nagtama ang aming mga paningin "Pero hindi ako naniniwala"
"Anong huling sinabi niya sayo bago siya nawala? At Kelan kayo huling nagkita"
"Bago siya nawala sa araw na iyon, naalala kong sabay pa kaming kumain sa McDonald's upang eh celebrate ng pansarili ang tagumpay namin"
"Wala bang bakas na problema sa mukha niya?" Tanong ko na ikinailing niya.
"Kilala ko si Patrick, hindi siya kelanman nagtago sa akin. Pati pag aaway niyo at pamilya niya alam ko kaya impossible na mangyaring suicide yon Ada"
Napaisip din ako ng malalim, dahil napaka impossible na mangyari iyon.
"Walang bakas sa kanyang mukha na may problema siya bagkos kasiyahan lamang, huling niyang sinabi sa akin magkasama na daw tayong magsasaya sa susunod pagkatapos ng graduation namin, pero hindi natuloy" napayuko ito at nakita ko ang pagpatak ng kanyang luha na gumuhit sa kanyang pisngi.
"Impossible ang sinasabi ng mga police"
Yumuko ako at tila hindi alam ang sasabihin.
"Wala akong pera pa sa mga oras na iyon ngunit sumugal akong mag loan para mapa Autopsy ko ang katawan ni Patrick ng patago, palihim, na hindi sinasabi sa kanino man. Dahil gusto kong mag imbestiga" napahinto ito at pinunasan ang sariling luha.
"Pero mahina ang connection ko hindi ako makahanap ng malalim na impormasyon"
"I'm starting to investigate the moment that I landed here, pero wala pa akong balita"
"Tutulungan kita" iniangat niya ang tingin sa akin bago muling pinagpatuloy ang sasabihin "Pero hindi ko kayang magbigay ng pinansyal"
Umiling ako "You don't have to give, I can carry and pay things even a million just to find the culprit"
"Hinahanap ko pa ang laptop ni Patrick hindi ko mahanap hanggang ngayon"
Tumibok ng mabilis ang aking puso ng marinig ang laptop at tila ba ay nagkaroon ako ng kutob na sangkot sa dahilan ang laptop kaya nawala si Patrick.
"Nawawala ang laptop? Ibig sabihin ay maaaring naging rason sa pagkawala niya ay ang nasa laptop?"
"Hindi ko din alam pero nakukutuban kong, Oo. Dahil bakit nawawala ito?"
Ibinaling ko ang tingin sa mga halaman "Kelangan nating mahanap yon sa lalong madaling panahon" bigkas ko sa kanya.
"Ngunit paano?"
"May cctv lahat ng area ng lugar na ito at maaaring isa sa mga nakuhanan ang kung saan niya huling naibilin ito"
"Takes time to review and I guess hindi nila basta-basta ibibigay ang copy"
Nilingon ko siya "Full date ng huli niyang pagkikita pati na din oras at anong damit niya"
"June 23rd, 1 pm. Naka all black, naka jacket na itim at puting sapatos siya sa mga oras na iyon"
Napa-isip ako at nahinto ng maalala ang nakita ko sa cctv huling beses kong dumalaw sa pinag-uutusan ko "They found a cctv during 3 pm, June 23rd at galing siya sa Gaisano ngunit" napakagat labi ako ng maingat na inaalala "Ngunit hindi itim ang jacket niyang suot"
"Ano?"
"Dark brown at may itim na cap"
"May picture ka ba non? Para ma kompirma kong siya talaga yon"
Mabilis kong kinuha ang cellphone kong nasa bulsa at agad ipinakita ang picture ko na kuha ng cctv galing sa laptop na copy ng pinag utusan ko "Eto"
Napaawang ang kanyang labi "Eto yong binigay ko na jacket sa kanya"
Na i-zoom ko ang picture at tinitigan ng mabuti
"Sayo to? Ibig sabihin siya nga ito at pinalitan niya ang suot niya"
"Anong kasunod niyan? Saang direksyon siya papunta?"
Umiling ako "Pinapakuha ko pa ng kopya ng CCTV sa kasunod na resto nito pati na din sa mga possibleng madaanan niya halos lahat ng anggulo pinakuha ko ang kopya ng CCTV"
"Ngunit mahirap itong kunin"
Umiling ako at ngumiti "Walang mahirap sa akin hanggat kaya kong gawin magagawa ko"
Tumango siya at hinawakan ang aking kanang pisngi gamit ang kanyang palad "Mag-iingat ka, hindi natin alam kung sino ang kalaban"
Tumango ako at hinawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa aking pisngi at bahagyang pumikit upang maramdaman ang init ng kanyang palad, at tumango bilang tugon.
Ibinaba niya ang kanyang kamay
"So anong resulta ng autopsy?" Muling kong tanong ng maaalalany nagpa autopsy pala siya sa kawatan ni Patrick.
"Nasa boarding house, dadalhin ko bukas at ipapakita ko sayo. Ihanda mo ang sarili mo, nawa'y hindi ito maging rason upang mawala ka sa konsentrasyon sa OJT mo" pagbabala niya sa akin na agad kong ikinailing.
"Handa ako sa kahit anong bagay"
"Kahit na sabihin mong handa, masasaktan at masasaktan kapa din sa resulta"
Umiling ako "Ano ba tinatakot mo ba ako?" Natatawa kong aniya.
"Hindi, ayaw lang kitang masaktan dahil ako, halos mabaliw matapos malaman ang resulta. Pero hindi ko pinasa sa police dahil mabilis ito na i-close ang kaso niya"
Huminga ako ng malalim ramdam ang inis at galit sa kalamnan.
"Sa tingin mo ba may taong nakalikod sa pagkamatay niya?"
Tumango ito "Oo, dahil impossible ang suicide kay Patrick"
To Be Continue🖤
YOU ARE READING
Wildest Dream- CTU Series 2
Mystery / ThrillerI dream to do things in my claim. Everything I wanna know, everything I wanna find no matter how. It's my most out of control dream to know. -Adaline Myr -Wildest Dream -CTU Series 2