Patapos na akong maghanda at paglagay ng lipstick na lamang ang kulang. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin ng ilang minuto tube tops na white at square pants na itim ang suot ko. Nakasuot din ako ng 5 inch high heels sandal at bagsak ang buhok ko, hindi ko na kinulot ang bandang dulo dahil nababagot ako kapag masyadong matagal mag ayos.
Nabanggit din ni Lothaire na kukunin niya ako ngunit nag insist ako na huwag na, pero ang totoo niyan tinatamad akong mag drive.
Palabas na ako ng apartment ko habang bitbit ang sandal na 4 inch lamang ayokong pagudin paa ko, maingat kong ipinag-lock ang pintuan ko ng biglang nakarinig ako ng busina, kaya napahawak agad ako sa dibdib ko ng maramdaman ang pagkabigla.
"Damn hard headed man, fvck" inis kong bulong na tamang ako lamang ang nakakarinig.
Nakita ko ang pagbaba nito ng window kaya agad ko itong inirapan na tangin pagtitig niya lamang ang ibinalik niya sa akin.
Mabilis akong nakarating sa gawi niya at agad binungangaan ito.
"Diba sabi ko sayo magdadala ako ng sasakyan ko bakit ka andito ha?"
"Shut up, I'm not in the mood."
Muli akong napairap, walang hanggang pag-iirap pag siya ang kasama ko "Ako pa mag a-adjust ngayon?"
"Get in the car, stop talking nonsense"
Wala na akong nagawa kaya padabog akong umikot sa kabilang banda at pumasok ng tuluyan sa kotse niya.
Tahimik ang naging byahe, madalas akong mapatingin sa kanya ngunit tila hindi nito ramdam na may kasama pa siya, dahil ultimo lingon sa aking gawi ay hindi niya nagawa.
Ibinaling ko na lamang ang tingin sa labas ng bintana at isinandal ang ulo. Nararamdaman ko naman na hindi ko kayang makapagbiro at mag-inarte sa kanya sa mga oras na ito dahil halatang bagot na bagot ang kanyang mukha. Hindi ko batid kung anong nangyari ngunit hahayaan ko na lamang at bibigyan ng oras na makapag-isip.
"You can wait from here"
Muli ko siyang nilingon at doon lamang nabalik sa ulirat ang aking pag-iisip at napagtantong nakarating na kami sa isang bar na hindi pamilyar sa akin, hindi ko din napansin kung saan kami dumaon at mas lalong hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. Sinagot ko na lamang siya ng titig dahil abala ang aking isipan sa pag iisip.
Ng tuluyan siyang makalakad ay hindi ko tinanggal ang titig ko sa kanyang likuran hanggang sa makarating siya sa harapan ng guwardya, may pag taas-taas ng kamay ang gwardya na tila mayroong ipinapaliwanag. Ilang minuto ang nakadaan ay mayroong lumabas na babaeng halos nakahubad na sa kanyang suot, mabilis itong pumulupot sa braso ni Lothaire kaya agad umarko ang aking kilay.
Excuse me? What am I supposed to do here?
Maghintay na parang bata kung kelan sasabihan na bumaba at lumabas, ikinakahiya ba niya akong kasama dito? Ede sana hindi na niya ako pinasama.
Naudlot ang pagkakainis ko ng biglang nag ring ang cellphone ko.
"Hello!?" May galit na bahid na mahihimigan sa aking boses
[Miss Ada, nakuha ko na lahat ng copy sa lahat ng cctv na possibleng nadaanan ni Patrick]
Nawala ang inis sa aking mukha at napalitan ito ng kalungkutan, pilit kong gustong malaman ang pangyayari sa likod ng pagkamatay niya ngunit tila akoy binibigyan ng dahilan upang tanggapin na suicide lang talaga iyon at wala ng iba pa.
"Mabuti, tingnan nyo ng maigi sinong huling kasama niya at saang lugar siya huling nakita"
[Masusunod miss]
"Salamat", tuluyan ko ng ibinaba ang tawag at napabuntong hininga. Muli kong isinandal ang aking likod sa upuan at nilingon ang gawi ni Lothaire na hanggang ngayon ay tila hindi pa tapos makipag introduce sa sarili.
"Anong gagawin ko dito? Tumunganga, tsss." Padabog akong bumaba at mabilis na lumapit sa kanya.
"Hindi paba kayo tapos mag usab dito sa entrance? Bawal bang pumasok at magpatuloy ng pag-uusap sa loob?" Taas kilay kong saad, walang pake sa iisiping ng babaeng nasa harapan ko.
"And who are you, Miss?" May diin sa kanyang salita na mas kinainit ng dugo ko.
"His fiancé" ako na mismo ang nagbukas ng pintuan na agad naman inasist ng guwardya at naiwan kong nakanganga ang babaeng nakapagpainis sa akin ng lalo. Mahina lamang ang tugtug sa loob na nakakapagbigay ng good vibes sa feeling. Tanaw ko ang pagpasok ng dalawa na inalalayan pa ni Lothaire na ikangisi ko.
Nakakalampa pala pag may kasamang lalaki, wews.
Mas kinataas ng kilay ko ng mapansin na sa ibang table ang upo nitong dalawa na tila ayaw iparinig sa akin ang kanilang pag uusapan, o sadyang ayaw nilang masira ko ang gabi nilang dalawa. Tumayo ako at lumapit sa counter upang mag order.
"Good evening, rumcoke please"
"250 ma'am" inabot ko ang pera na sakto din sa kanya na tinanggap naman ito ng nakangiti.
"Thank you, we'll deliver it to your table ma'am"
"Thanks"
Bumalik na ako sa table at padabog na umupo, ni pag lingon ni Lothaire sa gawi ko ay hindi niya magawa kaya napaisip tuloy ako kung ano pa ba ang gagawin ko dito kung ayaw din naman niyang iparinig sa akin.
"Hi, are you alone?"
Mabilis akong nag angat ng tingin at tanaw ko ang isang lalaki na sing singkit at halos mawala na ang mga mata habang abot langit ang ngiti.
"Obviously, yes."
Mabilis itong umupo sa harapan ko at agad sumipsip sa baso niyang dala. "So, Hi" panimula nito na hindi pa din nawawala ang ngiti sa kanyang labi "I'm River, and you are?" Sabay lahat niya ng kanyang palad sa harapan ko.
Tipid ko itong nginitian at inabot ang kanyang kamay "Myr" hinalikan nito ang likod ng aking kamay bago binitawan at tuluyang umupo sa harap ko.
"So what brings you here?"
Taka ko siyang tiningnan "Obviously, what does a person do in bar?" Ngumiti ako sa waiter ng inilapag nito ang drinks sa table na agad namang umalis bumalik sa counter.
"To have fun or" tumigil siya at mas lalong ngumiti "Maybe you're broken hearted"
I smiled. "Kiss or sex?"
To Be Continue🖤
YOU ARE READING
Wildest Dream- CTU Series 2
Mystery / ThrillerI dream to do things in my claim. Everything I wanna know, everything I wanna find no matter how. It's my most out of control dream to know. -Adaline Myr -Wildest Dream -CTU Series 2