Prologue

67 2 0
                                    

"What?! Nahanap niyo na siya?" wika ko habang kausap ko si Macelyn sa kabilang linya.


Narito ako sa studio at kasalukuyang may pictorial ako ngayon dahil minomodel ko ang mga dinisenyo kong mga damit.


"Oo Tin, pumunta ka na ngayon dito dahil papunta na raw siya ngayon," wika naman ni Macelyn.


Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at taka naman akong hinarap ng photographer dahil hindi pa natatapos ang aming pictorial.


"Kristine aalis ka na kaagad? Hindi pa tapos ang pictorial mo at sa susunod na linggo kailangan nang ilabas sa magazine ang mga gawa mo," ani ni Martin na isang photographer.


"I'm so sorry Martin, may emergency lang kasi sa bahay kailangan ko muna umuwi. Tatawagan na lang kita ulit okay?" Matapos kong sabihin iyon ay kaagad na akong lumabas ng studio at hindi ko na nagawa pang makapagpalit ng aking damit.


Isang black long gown ang aking suot at 5 inches heels pa ang aking sapatos. Pababa na ako ng hagdan at saglit muna akong huminto para tanggalin ang aking sapatos at makababa ako ng maayos. Bitbit ko naman ang aking hinubad na sapatos habang bumababa ako ng hagdan.


Tinungo ko kaagad ang parking lot kung saan nakaparada ang aking sasakyan. Nang makasakay na ako ay tinignan ko muna ang aking sarili sa rear view mirror. Tiyak magagalit sa akin si Mazer kapag nakita niya na ganito ang aking ayos, dahil una sa lahat ay ayaw na ayaw niya sa akin ang sobrang kapal ng make-up. Hindi ko na muna inisip iyon, ang mahalaga ay natagpuan na siya at buhay na buhay.


Habang tinatahak ko ang daan papunta sa kanilang bahay ay panay patak naman ang aking mga luha. Dalawang taon na simula noong mawala siya dahil sa isang aksidente. At dalawang taon din namin siyang hinanap ngunit hindi namin siya matagpuan. Nawalan na rin ako ng pag-asa na baka namatay na nga siya.

Sa dalawang taon na wala siya ay gumuho ang aking mundo at nawalan ako ng gana sa aking buhay. Si Mazer ang naging buhay ko, muli niyang binuksan ang puso ko simula noong nabigo ako kay Marco.


Nang makarating na ako sa mismong bahay nila ay kaagad akong pumasok sa may gate. Hindi ko namalayang wala pala akong suot sa aking mga paa dahil hinubad ko ang aking sapatos. Tumatakbo akong pumasok sa loob ng kanilang malaking bahay at nakita ko sila na tahimik na nakaupo sa salas.


Sabay-sabay pa silang napalingon sa akin nang maramdaman nila ang aking presensiya. Nakita ko kaagad si Mazer na mataman na nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan pero parang may kakaiba sa kaniya. Alam na alam ko 'yon dahil hindi siya gano'n tumingin sa akin.

Unti-unti naman siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Muli siyang tumingin sa aking mukha at walang sabi-sabing tumakbo ako papunta sa kinaroroonan niya. Niyakap ko siyang kaagad at napahagulgol na lang bigla. Sobrang miss na miss ko na siya. Dalawang taon ko siyang hindi nakita at nayakap ng ganito.


"Mazer, my heart, buti bumalik ka na. Alam mo bang ang tagal ka naming hinanap, mabaliw-baliw na kami kakahanap sa'yo. Masaya ako kasi bumalik ka na at buhay ka," umiiyak kong turan habang nakayakap sa kan'ya. Inilayo naman niya ako sa kan'ya at tinitigan ako na walang emosyon. Bigla akong nakaramdam ng kaba, mali sana ang hinala ko.


"S-sino ka? I'm sorry wala kasi akong matandaan eh," nanlaki ang aking mga mata at sinulyapan ko sina Macelyn na nasa aking kaliwang bahagi. Muli kong binalingan si Mazer na tila nagtataka at hinihintay ang aking isasagot.


"Tin, walang maalala si kuya. Lahat tayo hindi niya nakikilala," naiiyak na saad sa akin ni Macelyn.


"Ang ibig niyo bang sabihin m-may amnesia si Mazer?" tumango lang si Macelyn at nasapo ko ang aking noo.


"May kailangan ka rin malaman Tin," taka ko naman tinitigan si Marco na nasa tabi lang ni Macelyn.


"Ano ang kailangan kong malaman?" saglit silang hindi makapagsalita at tumingin sa bandang likuran ko. Napatingin din ako at nakita ko ang isang babae na may kargang batang lalaki na wari ko'y nasa edad na dalawang taon.

"T-tin, s-siya si, siya si__"


"She's my wife," putol ni Mazer sa susunod na sasabihin ng kaniyang kapatid. Mabilis akong napatingin sa kaniya at bigla na namang dumaloy ang luha ko sa aking pisngi.


Para akong biglang nabingi pagkasabi niyang iyon at bahagya pang napaatras. Sinulyapan kong muli si Marco at Macelyn na matamang nakatingin sa akin.


"H-hindi totoo iyan! My heart tell me, tell me it's not true!" garalgal kong wika sa kaniya at hinawakan pa siya sa magkabilang braso niya. Tinanggal naman niya ang aking mga kamay na nakahawak sa kaniya at nilapitan ang sinasabi niyang asawa niya at inakbayan ito.


"It's true. She's my wife and this is our son," napapikit ako ng mariin dahil sa aking narinig. Pakiramdam ko ngayon ay para akong unti-unting sinasaksak. Mas masakit ito kaysa noong mawala siya.

Ang lalaking naging parte ng buhay ko at ang lalaking pakakasalan ko sana ay mayroon ng sariling pamilya. Ang mga pangarap namin ay bigla na lamang naglaho ng ganoon lang. Patakbo akong lumabas ng bahay dahil hindi ko na kaya ang sakit na aking nararamdaman. Kahit minsan ay hindi siya naalis sa aking isipan at parati kong ipinagdadasal na sana ay bumalik na siya sa akin.


Ngunit sa kaniya namang pagbalik ay wala naman siyang maalala na kahit ano at ang masama pa nito ay nagkaroon na siya ng asawa at anak. Sapo ko ang aking dibdib at hindi ko na naman mapigilan ang mapahagulgol. Ang sakit malaman na iba na ang nasa kaniyang puso at hindi na ako. Kahit pa siguro bumalik na ang kaniyang ala-ala ay hindi na ako ang tinitibok ng kaniyang puso.


"Tin, I'm sorry hindi rin namin alam na wala palang maalala si kuya. Nabalitaan lang namin noong tumawag siya dahil nakita niya raw sa isang lumang diyaryo ang mukha niya at hinahanap siya," paliwang sa akin ni Macelyn habang hinahagod ang aking likod.


"Wala kang kasalanan Mace. Mahal na mahal ko ang kuya mo alam mo 'yan kaya sobrang sakit na malaman na mayroon na siyang pamilya. Hindi ko matanggap! Ilang taon akong nangulila at naging miserable ang buhay ko at umaasa na balang araw ay babalik siya sa akin," niyakap lang niya ako habang walang tigil naman ang aking pag-iyak. "Mamamatay ako Mace kapag nawala ang kuya mo, mahal na mahal ko si Mazer. Siya ang buhay ko Mace!" Hindi ko alam kung paano ito tatanggapin gayong hindi na siya sa akin.


writing your story

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon