Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong mailibing namin si Nana Lumen. Tatlong araw lang namin siyang ibinurol dahil tanging isang kapatid lang niya at mga pamangkin ang natitira niyang kamag-anak at ayaw na rin kasi ni Mazer na patagalin pa iyon dahil habang nakikita niya si Nana Lumen ay lalo lamang siyang nasasaktan.
Gumising ako ng maaga para naman ipagluto si Mazer ng almusal. Lumipat na rin kami at dito na kami sa binili niyang bahay kami tumutuloy. Tatlong araw pagkatapos ng libing ay nagpasya na si Mazer na dumito na kami dahil habang naroroon daw kami sa dati nilang bahay ay naaalala lang daw niya si Nana Lumen. Pinagluto ko na lang siya na kadalasan naming kinakain tuwing umaga at kapag nakaalis na siya ay dederetso naman ako sa bahay nila Macelyn para magpaturo sa kan'ya ng iba't-ibang putahe. Kapag kinasal na kami ni Mazer ang gusto ko ay ako ang magluluto sa kan'ya ng almusal bago siya pumasok sa kaniyang opisina.
Naghanda lang ako ng hotdog and egg saka tinapay at pinagtimpla na rin siya ng paborito niyang black coffee. Habang naghahanda naman ako ng aming almusal ay nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin mula sa aking likuran. Napangiti na lang ako at humarap sa kan'ya. Halata naman sa kan'ya na kagigising lang niya at medyo gulo pa ang buhok at walang suot na pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang kaniyang suot. Kahit na bagong gising siya ay parang ang sarap-sarap niyang papakin lalo na't nakikita ko pa ang abs niya na hindi ko pinagsasawaang himasin gabi-gabi. Napailing na lang ako sa aking mga naiisip at hinalikan siya ng mabilis sa kaniyang mga labi.
"Nagugutom ka na ba?" wika ko sa kaniya. Imbes na sagutin niya ako ay hinapit niya ang aking bewang at sinubsob ang mukha niya sa aking leeg.
"Tinatamad akong pumasok sweety. Balik tayo sa kuwarto," paos niyang wika sa akin. Tinampal ko naman siya ng mahina sa kaniyang braso.
"Ano ka ba hindi puwede. Hindi porke ikaw ang boss magagawa mo na ang mga gusto mong gawin." Lumayo siya sa'kin at hinarap ako.
"Oo na, papasok na po ako," nakangusong wika niya. Umupo na siya sa dining table at ako na ang nagsandok ng kaniyang pagkain. Pinagmamasdan naman niya ako habang ginagawa ko 'yon.
"Bakit gan'yan ka makatingin?"
"Because you look like my wife now." Natigilan naman ako at seryoso naman siyang nakatitig sa akin. Kinuha niya ang isang kamay ko at masuyo itong hinalikan. "Let's get married as soon as possible Kristine," ani Mazer.
"Kailan mo ba gusto?"
"Tomorrow?"
"Ewan ko sa'yo Mazer," sabay bawi ng kamay ko na hawak niya.
"Next month sweety. Pakasal na tayo." Seryoso ko siyang tinitigan kung nagbibiro ba siya na gusto na niyang magpakasal agad-agad. Dalawang linggo pa lang noong magpropose siya sa akin at iyong araw na rin 'yon na nawala na sa piling namin si Nana Lumen.
"Are you serious my heart?"
"Gusto kong maging akin ka na ng buong-buo Kristine at gusto ko ng ibigay sa'yo ang apelyido ko. Ayaw mo ba?"
"Syempre gusto ko. Kaso hindi ba masyadong maaga kasi 'di ba kamamatay pa lang ni Nana Lumen?"
"Mas matutuwa si Nana Lumen kapag kinasal na tayo dahil iyon ang sabi niya sa'kin noong nabubuhay pa siya. Pakasalan na raw kita kapag nagkabalikan na tayo. Sayang nga lang hindi na niya masasaksihan iyon," malungkot niyang wika sa akin. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at iniharap sa akin.
"Okay my heart let's get married," malapad siyang ngumiti sa akin at hinalikan ako sa aking mga labi. Pagkatapos naming mag-almusal ay si Mazer na ang nagpresintang maghugas ng aming kinainan at ako nama'y hinahanda na ang kaniyang susuotin pang-opisina. Napapangiti na lang ako dahil hindi pa man kami kasal pero masaya ako dahil nagagampanan ko na ang pagiging asawa sa kaniya. Ito 'yong pinapangarap namin noon pa ang magkaroon na ng sariling pamilya.
BINABASA MO ANG
My Last Love (Mazer & Kristine)
RomanceREAD AT YOUR OWN RISK!!! Mazer Brilliantes is the hot CEO of Global Corporation na minana niya sa kaniyang ama matapos itong mamatay sa isang aksidente. Mahigit tatlong taon ang naging relasyon nila ng girlfriend niyang si Kristine Veinezz na isang...