CHAPTER 57

6 0 0
                                    

Ilang beses kong kinausap si mama na sa bahay ko na sila tumira dahil gusto ko silang makasama lalo na si Isay para hindi na rin ako papunta punta sa kanila kung sakali mang gusto ko silang makita. Mabuti na lamang at pumayag sila sa aking hiling at ako na rin ang nagpapagamot kay Isay at si Franco ang kaniyang doctor.

Mahigit dalawang linggo na rin ang nakalipas nang lumipat sila sa bahay ko at masasabi kong kumpleto na ang aking pagkatao although hindi ko pa nakikilala ang aking ama ay ayos rin naman ang mahalaga ay kasama ko ang aking ina at kapatid.

Pinagpatuloy ko ang paggawa ng gown ni Jillian tulad ng nais nito sa kanilang kasal. Hindi ko na sila muling hinarap at si Leslie na lang ang tanging humaharap sa kanila at pinapasabi ko na wala ako sa aking opisina. Ang totoo niyan ay ayoko nang makita silang muli lalo na si Mazer dahil baka lalo lang madagdagan ang bigat na nararamdaman kong ito. Gusto ko na mag-move on at tuluyan na siyang kalimutan.

Napagpasyahan ko na bumalik na ulit sa France at doon ko ipagpatuloy ang aking trabaho at para na rin maiwasan si Mazer at tuluyan na siyang mabura sa aking puso't isipan. Alam kong matatagalang maghilom ang sugat na iniwan niya sa aking puso pero sisikapin kong kalimutan siya at maging alaala na lang hanggang sa pagtanda ko.

Kakausapin ko na lang si mama tungkol dito para doon na rin ipagpatuloy ni Isay ang paggagamot sa kaniya. Gagawin ko ang lahat para lang gumaling ang kapatid ko at mas makasama pa namin siya ng matagal.

Tatapusin ko lang ang mga naiwan kong trabaho rito ay aasikasuhin ko naman ang pagpunta namin sa France at doon na kami tuluyang maninirahan kasama si mama at Isay.

Habang abala naman ako sa aking ginagawa ay hindi ko namalayang may umupo na pala sa harapan ng aking lamesa. Nag-angat ako nang tingin at tipid namang ngumiti sa akin si Macelyn. Ibinaba ko ang hawak kong lapis at hinarap siya, ngumiti rin ako sa kaniya.

"Kumusta ka na Tin?"

"I'm okay Mace. Iyong kambal kumusta na sila?"

"Don't worry Tin they're okay nandoon sila ngayon sa bahay ng mga magulang ni Marco. Tin, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Do you still love him?" Natigilan naman ako at seryoso siyang nakatingin sa akin.

Ayokong magsinungaling sa kan'ya kung sasabihin kong hindi ko na siya mahal. I still love him pero I think ito na rin ang tamang oras para kalimutan siya. Nasampal na ako ng katotohanan na hindi na kami puwede pang magsamang muli.

"Mace, I do love him pero ito na rin siguro ang tamang panahon para itigil ko ang kahibangan kong ito. Sawa na akong masaktan Mace, pagod na rin ako na paulit-ulit na lang pinapamukha sa'kin na wala na talaga kaming pag-asa." Hinawakan ni Mace ang kamay ko na nakapatong sa aking lamesa at pinisil ito.

"Tin, don't lose hope you deserve to be happy not today maybe tomorrow or the next day. Just don't give up hmmn?" Nanliit naman ang aking mata dahil sa sinabi niyang iyon.

Alam kong may ibig siyang ipahiwatig at siguro ay may alam siya na hindi niya puwedeng sabihin sa akin. Magsasalita pa sana ako nang tumunog naman ang aking telepono na nakapatong sa aking lamesa. Nakita kong numero ito sa ampunan at kaagad ko namang sinagot.

"Hello?"

"Hello Miss Veinezz?"

"Yes speaking"

"Pinapasabi po ni Mother Perfecta na may balita na sa iyong tunay na ama." Napatayo akong bigla dahil sa gulat at napabaling naman ang tingin ko kay Macelyn na ngayo'y nagtataka dahil sa aking tinuran.

"T-talaga po?"

"Oo hija, nakausap na rin namin siya at gusto ka raw niyang makita pero hindi naman sinabi sa kaniya ang pangalan mo dahil mas gusto raw niya na ikaw ang magsasabi sa kaniya noon," masayang wika sa akin ng aking kausap.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon