Pagka parada ko ng aking sasakyan sa harap ng bahay ko ay kinuha ko naman sa likod ang ibang mga gamit ko bago ako bumaba sa aking sasakyan. Papasok na sana ako sa gate nang tawagin naman ako ni Franco. Nilingon ko siya at nakangiti naman siya sa akin habang papalapit sa kinaroroonan ko.
"Hi, kakauwi mo lang?" ani Franco.
"Oo medyo marami kasing trabaho sa opisina kanina"
"Kumain ka na ba?"
"H-hindi pa eh." Tumingin muna siya sa kaniyang relong pambisig at muli akong binalingan.
"It's already nine, bakit hindi ka pa kumakain? Baka malipasan ka niyan"
"Nawala na kasi sa isip ko sa sobrang dami ng trabaho ko kanina"
"I know what's the reason, pero sana hindi mo pa rin pabayaan ang sarili mo." Ngumiti lang ako sa kan'ya ng tipid at napaiwas nang tingin.
Totoo ang sinabi ni Franco. Ginugol ko ang oras at atensyon ko sa pagtatrabaho para lang hindi ko maisip si Mazer. Naguguluhan ako sa mga sinabi niya sa akin noong isang araw at hindi ko maintindihan ang mga kinikilos niyang iyon. Hindi ko gusto na iwan ni Mazer ang pamilya niya kapag sakaling bumalik na ang mga alaala niya dahil alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng ama at hindi kumpleto ang pamilya.
"Hindi naman sa ganoon Franco__" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang lumapit siya sa akin at yakapin na lang akong bigla.
Napatulala ako sa kawalan at hindi makapag proseso nang maayos ang aking isip. Ang bilis nang tibok ng aking dibdib pero ang pinagkaiba ay hindi ito katulad ng kay Mazer sa tuwing gagawin niya sa'kin ang mga ganitong bagay.
"As I told you, I can be your friend Kristine. Kapag nasasaktan ka nandito lang ako sa tabi mo para makinig sa'yo." Lumayo siya sa'kin at mataman akong pinagmasdan. "Let's go"
"H-ha? Saan tayo pupunta?" taka kong tanong sa kaniya.
"Sa bahay pakakainin kita. Halatang gutom ka na rin kasi naririnig ko na 'yong pagtunog ng tiyan mo eh," biro niya sa'kin.
Natawa naman ako dahil sa sinabi niyang 'yon. "Hindi nga? Hindi naman tumunog 'yong tiyan ko ah"
"Gan'yan nga Kristine, mas maganda ka kapag palagi kang nakangiti. Forget about your problem dahil the more na iisipin mo sila mas lalo ka lang malulungkot at masasaktan"
"Salamat Franco. Kung wala ka siguro baka nabaliw na 'ko dahil wala akong makausap man lang"
"You can count on me Kristine. So, shall we?" yaya niya sa'kin.
"Hindi na Franco may niluto naman si Rhodora sa bahay eh"
"Sayang naman 'yong niluto kong menudo hindi mo matitikman," kunwa'y pagtatampo niya.
"Talaga marunong kang magluto?" gulat kong turan sa kaniya.
"Oo naman, si mommy ang nagturo sa'kin when I was in America. Dahil mas okay daw kapag may alam din sa pagluluto ang lalaki." Nawala naman ang ngiti ko pagkasabi niyang iyon.
Naalala kong bigla si Mazer sa kan'ya, tulad din niya ay marunong din siya magluto at namimiss ko na rin ang mga luto niya. Pero ngayon iba na ang pinagluluto niya at masasabi kong napaka suwerte ni Jillian sa kaniya.
"Bakit? Hindi ka ba kumakain no'n?" saad ni Franco.
"H-hindi may naalala lang ako"
"Tamang-tama nariyan din ang parents ko dinalaw kasi nila ako eh ipapakilala kita sa kanila"
"Hindi ba nakakahiya?" may pagdadalawang isip kong wika sa kaniya.
"Don't worry hindi sila nangangagat," nakangiting turan niya.
BINABASA MO ANG
My Last Love (Mazer & Kristine)
RomanceREAD AT YOUR OWN RISK!!! Mazer Brilliantes is the hot CEO of Global Corporation na minana niya sa kaniyang ama matapos itong mamatay sa isang aksidente. Mahigit tatlong taon ang naging relasyon nila ng girlfriend niyang si Kristine Veinezz na isang...