CHAPTER 63

12 0 0
                                    

Salitan naman kami ng mama ni Kristine na si Aling Salve ang nagbabantay sa kan'ya. Sa umaga ay siya ang nagbabantay at nasa opisina naman ako. At sa gabi ay dito na rin ako dumederetso sa ospital pagkatapos ng aking trabaho. Si Marco at ang kapatid niyang si Franco ang siyang tumitingin kay Kristine ngayon. Hindi pa nila matukoy kung kailan siya magigising pero sa ngayon ay maayos naman daw ang kalagayan niya at ligtas na sa kapahamakan, ang kailangan lang namin ay magdasal at maghintay.

Habang pinupunasan ko si Kristine sa kaniyang braso ay dumating naman ang kaniyang ama at kasama ang asawa nito at si Franco. Nagmano ako sa kanila bilang paggalang at tinapik naman ako ni Franco sa aking balikat. Naupo ang kaniyang ama sa gilid ng kama ni Kristine at hinalikan ang kamay nito at pagkuwa'y hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Anak, nandito na ang daddy. Gumising ka na hindi ba nag-promise ako sa'yo na dadalawin ulit kita? Nandito rin ang Tita Malou mo dahil gusto ka niyang makita kaya anak magpagaling ka huwag kang bibitaw." Pagkasabi niyang iyon ay hinalikan niya si Kristine sa noo nito.

Lumapit naman ang asawa nito at hinaplos ang mukha ni Kristine. Umiiyak niya itong tinitigan at hinahagod naman siya ni Franco sa kaniyang likod.

"Kristine, okay ba sa'yo na tawagin din kitang anak?" garalgal niyang wika. "Magpagaling ka anak, marami kaming naghihintay sa pagbabalik mo lalong-lalo na si Mazer. Kita namin ang pagmamahal niya sa'yo at ginawa niya ang lahat para lang walang mangyaring masama sa'yo, pero sa kasamaang palad ay hindi namin inaasahan na mangyayari ang ganitong bagay sa'yo anak." Sa pagkakataong ito ay hindi na niya napigilang umiyak at napayakap na lang siyang bigla kay Franco.

"Don't worry ma, magiging maayos din si Kristine. She's brave at hindi niya hahayaang iwan tayo lalo na si Mazer." Sabay tingin niya sa'kin at tipid lang akong ngumiti sa kan'ya.

Binalingan naman ako ng daddy ni Kristine at niyaya muna niya akong lumabas. Naupo kami sa hindi mataong lugar at pinagmamasdan ang mga taong dumaraan.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "She's too kind para mangyari sa anak ko ang bagay na 'yon," sambit niya at napabaling ang tingin ko sa kaniya.

"I'm sorry, dahil po sa'kin nangyari sa kan'ya 'yon hindi ko siya naprotektahang maigi"

"You don't need to say sorry hijo, alam namin kung ano ang ginawa mo para sa anak ko. Franco told us everything at kung gaano mo kamahal si Kristine. Malaki ang kasalanan ko sa kanilang mag-ina pero ni minsan ay hindi niya ako sinumbatan bagkus pinatawad niya ako nang bukal sa puso niya. Kaya hijo, mapapatawad ka rin niya at maiintindihan ka niya kung bakit mo nagawang magsinungaling sa kaniya," seryosong saad niya.

"S-sana nga po ganoon lang kadali ang mapatawad niya ako katulad nang pagpapatawad niya sa inyo. Pero kahit na ganoon pa man ay hindi ako susuko sa kaniya kahit na ipagtabuyan niya pa ako, because I love her and she's my life." Ngumiti siya sa'kin at tinapik ako sa aking kaliwang balikat.

Kinagabihan pagpasok ko sa kuwarto ni Kristine ay naabutan ko sina Macelyn at kasama niya pa ang kambal na sina Jk at Madeline. Nasa tabi ni Kristine si Madie at nakayakap pa ito sa kaniya habang nakahiga. Kinakantahan niya ito na madalas kong naririnig sa kanilang dalawa sa tuwing nasa bahay ang kambal.

Lumapit ako sa kanila at sinalubong naman ako ni Jk nang yakap. Kinarga ko siya at naupo naman sa tabi ni Kristine at hinalikan ang kaniyang kamay. Hinintay ko namang matapos kumanta si Madeline at saka siya tumayo at mataman akong tinitigan.

"It's true that you remember everything Papa Mazer?" tanong sa'kin ni Madeline.

"Yes baby"

"But why didn't you tell us?" Saglit akong natahimik at tumingin muna ako kay Macelyn. Ngumiti siya nang tipid sa'kin at saka tumango na ang ibig sabihin ay ipaliwanag ko sa mga bata kung bakit ko nagawang maglihim sa kanila.

My Last Love (Mazer & Kristine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon