Isang linggo na lang ay gaganapin na ang kasal namin ni Jillian. Naka plano na ang lahat at maging ang mga pulis ay nakahanda na sa mga gagawin nilang aksyon para mahuli ang mga kasabwat ni Jillian lalo na ang kaniyang ama na utak sa lahat nang kaguluhang ito.
Nang dahil sa kanila ay nagulo ang buhay ko na sana ay masaya na kaming namumuhay ni Kristine ngayon. Alam ko ngayon ay mahihirapan akong ibalik siya sa akin dahil sa mga ginawa kong pananakit sa kaniya nitong mga nakalipas na araw. Pero handa kong tanggapin ang galit niya basta mapatawad lang niya ako at bumalik lang siya ulit sa piling ko at sana ay hindi pa huli sa amin ang lahat.
Pinuntahan ko si Franco sa tinutuluyan niya pero wala ito roon kaya nagpasya akong pumunta sa ospital baka naroroon siya ngayon. Gusto ko siyang makausap dahil gusto kong pumunta siya mismo sa kasal namin ni Jillian para masaksihan niya ang isisiwalat kong sikreto na dapat niyang malaman.
Pagkarating ko sa ospital ay nagtungo ako sa E.R dahil doon ko raw matatagpuan si Franco. Nakita ko naman siya sa labas at kausap nito ang isang nurse, napahinto ako sa paglalakad at hinintay na lang siyang matapos. Nagulat pa siya nang pumihit siya paharap sa akin dahil hindi niya inaasahan na pupuntahan ko siya rito mismo. Lumapit pa ako sa kaniya at seryoso niya akong tinitigan at ang dalawang kamay ay nasa white coat niya.
"What can I do for you?" wika niya.
"Can I talk to you for a minute?" Iginiya niya ako sa kaniyang opisina at naupo kami sa kaniyang sofa.
"What is it all about? It's about Kristine?" panimula niya.
"It's about you Doctor Franco." Taka niya akong tinitigan at itinaas pa ang isa niyang kilay.
"What about me?"
"I want you to go to my wedding." Walang paligoy-ligoy kong saad sa kaniya na mas lalo niyang ikinataka.
"What? At bakit ako pupunta?"
"It's because I want to show you something that day"
"Why don't you tell her the truth anyway? Bakit patuloy mo pa ring sinasaktan ang kapatid ko?" may diin at may galit niyang turan sa akin.
"So you knew it already"
"You mean alam mo na rin?" Saglit akong natigilan at tumitig sa kaniya na naka kunot ang noo.
"Tulad nang sinabi ko, ako ang naghanap sa mga magulang ni Kristine dahil iyon na lang ang tanging magagawa ko sa mga kasinungalingan at pasakit na binigay ko sa kaniya. Noong huli tayong magkausap ay doon ko nalaman na iyong umampon sa'yo na itinuturing mong ama ay totoong daddy ni Kristine." Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya at sumandal sa sofa.
Ilang minuto kaming natahimik at pagkuwa'y tumayo na rin ako upang umalis na rin. Tatalikod na sana ako ng muli niya akong tawagin at tumayo na rin siya sa kaniyang pagkakaupo.
"Ano bang plano mo bakit gusto mo akong pumunta sa kasal mo?"
"Malalaman mo rin once na nandoon ka na. At hindi pa ako baliw para magpakasal sa babaeng sumira ng buhay ko. Hindi ko nga alam kung bakit siya pa ang__" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at balak ko itong sabihin sa kaniya sa mismong araw ng kasal ko.
Araw na matitikman naman niya ang galit ko dahil kung tutuusin ay walang kapatawaran ang ginawa niyang iyon sa amin ni Kristine. Kung hindi lang ako naaawa kay Arthur ay matagal ko na siyang dinispatsa. Mabuti na lamang at nagkataon na ang tatay niya ay si Franco kaya matatahimik na rin ako at alam kong sa kaniya mapupunta ang custody ng bata.
"See you on my wedding day Franco." Tumalikod na ako at nakahawak pa lang ako sa seradura ng pintuan ng muli siyang magsalita na ikinatigil ko.
"She's going back to France." Mabilis akong napabaling nang tingin sa kaniya at nanlaki pa ang mga mata ko sa gulat.
BINABASA MO ANG
My Last Love (Mazer & Kristine)
RomanceREAD AT YOUR OWN RISK!!! Mazer Brilliantes is the hot CEO of Global Corporation na minana niya sa kaniyang ama matapos itong mamatay sa isang aksidente. Mahigit tatlong taon ang naging relasyon nila ng girlfriend niyang si Kristine Veinezz na isang...