“Laro ulit bukas, ah!”
“Ge, una na ‘ko.”
Inamoy ko pa ang sarili, amoy pawis galing laro ng basketball. Ligong-ligo na ako. Nakasalubong ko pa si Tita Mira habang papasok sa gate. Binati ko siya at may dala itong balita.
“May bago kang housemate, Raf. Magpakabait ka, ha.”
Kumunot ang noo ko nang lumagpas siya agad. Bagong housemate? Narito na ba siya? Babae o lalaki? Bakit ngayon ko lang nalaman?
Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang may naunang magbukas sa loob. Napahawak pa ako sa dibdib sa gulat nang may nakitang tao. Nagkatinginan kami at parehong napanganga nang makilala ang isa’t isa.
“Ikaw?” Bulong ko na isinigaw niya.
Fuck. Babae ang makakasama ko and worst, si Reign na nagnakaw sa akin ng halik pa!
•••
YOU ARE READING
(ii) wish you were sober
Teen Fiction✧*。Reign & Rafael Pleasure in the peak of soberness.