077

34 1 0
                                    

“Mahal mo talaga, ano?”

“Tangina, kung hindi edi sana hindi ako nagkakaganito.”

Tumawa si Jay. Two brokenhearted man, nagpapakalunod sa alak para mawala raw ang sakit. Pero parang alak pa ang nagpaparamdam sa amin kung gaano kasakit ang mga nangyari.

“Paano kung magkita ulit kayo?” Tanong naman ni Mitch.

I sighed. “Hindi na ako mag-aaksaya ng oras. Hindi ko na siya pakakawalan.”

Ngumisi siya na ikinakunot ng noo ko. Napailing na lang ako at lumagok ulit ng alak.

“Paano kung naroon lang si Reign?”

Tila napantig ang mga tainga ko sa narinig. Ilang segundo kong tinitigan si Mitch para makita kung may bahid ng pant-trip pero wala. Napalunok ako at dahan-dahang pumaling. Fuck, tangina.

My heart beats fast with longing. I walked towards her, wala nang inaksayang oras. Like how I first saw her, Reign is dancing with the influence of alcohol. Lunod na lunod na. She’s smiling so wide as if she was indeed happy. Sana, ako rin.

My hands automatically touch her waist the moment we get close to each other. She smiled at me as she encircle her arms on my neck. Hindi niya ako nakilala. Sa bagay, madilim ang paligid, baka hindi niya ako maaninaw ng maayos.

“I missed you...” I kissed the top of her head.

I saw her closed her eyes with a small smile. With the alcohol leading, I glance at her lips. She look up to me, I smiled.

“Walang magagalit if we do share a kiss.” I whispered.

Reign Cielo Umandal, huwag mo na akong takbuhan.

•••

(ii) wish you were soberWhere stories live. Discover now