046

32 2 1
                                    

“Hindi ka na umiinom, ah.” Panimula ni Raf.

“Nagtitipid lang.”

Naglalakad kami ngayon pauwi sa bahay. Ewan ko ba sa trip niya, nagpababa sa ADMU dahil gustong mag-late night walk. Sumimsim ako sa iniinom. Mayamaya’y nagsalita na naman siya.

“Taga-Elyu ka rin, ‘di ba? Nasa’n parents mo?”

“Si Mama, wala na. Si Tatay, nasa ibang bansa, nagtatrabaho.” Sagot ko.

Ramdam ko ang pagtagilid ng ulo niya, nagtataka. “Wala na?” Mahinang tanong niya.

“Kung ‘yong sa ‘yo, sumakabilang buhay. Ang sa ‘kin, sumakabilang bahay.” I grinned.

Lalong nalukot ang mukha niya at napainom na lang.

“Ang dark talaga ng humor ng may mga ganiyang problema sa buhay.” Naiiling na aniya.

“Matagal na naman kasi ‘yon...” Nakatungo kong usal habang sinisipa-sipa ang mga batong nakikita.

“But the pain is still there?”

Minsan. Siguro. Pakiramdam ko kasi, mas masakit pang umalis si Tatay para magtrabaho sa ibang bansa dahil hindi niya kami kayang buhaying apat dito sa Pinas kaysa sa umalis si Mama para sumama sa ibang lalaki.

“Medyo... mawawala rin ‘to after a couple of years pa. Hindi ko na nga siya naaalala, e.”

“Sorry.”

Nagtama ang tingin namin. Ngumiti lang ako.

•••

(ii) wish you were soberWhere stories live. Discover now