085

42 2 0
                                    

Pupunta ako para magpaliwanag. Para maliwanagan siya sa lahat. At para sabihin sa kaniyang itigil na ang lahat. Hindi ako ang para sa kaniya. Mayroong babaeng mas kayang magtagal at manatili sa tabi niya, at hindi ako ‘yon.

Pagkasakay ng taxi, nag-antanda ako. Kinakabahan ako. Sana ay hindi ako bumigay sa harap niya. Hangga’t hindi ako buo, hindi ko ibibigay ang salitang gusto niyang marinig. Tatanggi at tantanggi ako.

“Saan po tayo, Ma’am?”

“Sa may malapit sa Ateneo po,”

Napagkasunduan na sa bahay kami magkikita. Hindi ko siya hinayaang sunduin ako o malaman kung saan ako tumutuloy dahil alam ko na ang kasunod noon.

Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko habang palapit nang palapit ang sinasakyan sa may Ateneo. Hindi ko alam na ang nararamdaman kong ‘yon ay ang mga huling tibok na ng aking puso.

Hindi ako makagalaw, nakatihaya sa gitna ng kalsada. Nahihirapan akong lumunok at huminga, namamanhid ang buong katawan. Ramdam ko ang pag-agos ng mga dugo, at maging ng mga luha ko.

Hindi puwede. I can’t close my eyes. I can’t lose myself. Not now, not tomorrow, hindi hangga’t hindi ko pa nakikita ulit si Tatay matapos ang limang taon, hindi hangga’t hindi ko pa nakaabot ang mga pangarap ko... hindi hangga’t hindi ko pa naaayos ang lahat sa pagitan namin ni Rafael.

Hindi ko pa nasasabi sa harap niya na mahal ko siya. Na nagpapasalamat ako ng sobra sa kaniya.

Hindi pa po puwede...

“Reign! D-Dont... don’t close your eyes! I love you, p-please, huwag mo akong iiwan... huwag mo na ulit akonh takbuhan...”

Sa wakas. I was able to hear his voice for the last time. I reached for his cheeks and gently caress it. Umiiyak siya, tumutulo ang mga luha niya. Sinasaktan ko na naman siya.

“Rafael...” I called. “Rain Rafael...” Ngumiti ako.

Umiling siya. Fear crossing in his eyes, pain and regrets.

“Walang impluwensiya ng alak... m-mahal kita, mahal na mahal... pasensiya na kung... k-kung tatakbo na naman ako palayo sa ‘yo.”

•••

(ii) wish you were soberWhere stories live. Discover now