“Alam mo, hindi ko talaga naisip na magiging magkaibigan tayo.”
I did the side eye thing. “Sino bang nagsabi sa ‘yong magkaibigan tayo?”
Nag-react agad siya. “Sakit mo talaga.”
Bahagya akong napangiti. Rafael’s effort of approaching me is one of the most heart warming thing I’ve ever experience. Kahit ganito ang ugali ko, may taong sumugal para kilalanin ako.
I sighed. Itinuon ko ulit ang pansin sa kalangitang nagniningning.
“Mahirap ba talaga akong kilalanin at... mahalin?”
“Hmm? Saan naman galing ‘yan?” Maingat niyang tanong.
“Wala... naisip ko lang kasi...” I gulped. “Unang tingin, akala sa akin ng lahat ay maldita at masama ang ugali, kaya karamihan sa kanila ay hindi na nag-aabalang kilalanin ako. Gano’n na lang ‘yong image ko sa kanila. They never tried to explore me, palaging nami-misunderstood.”
Ramdam ko ang nanunusok na titig niya pero hindi ko ito nilingon. Not when my knees are weak.
“Hindi ka mahirap kilalanin... at lalong hindi ka mahirap mahalin.” Malinaw na tugon niya.
“People nowadays are judging the book by its cover. Kung hindi ka man nila gustong makilala, hindi sila nakatadhana sa ‘yo. They may be aren’t good for you,”
I chuckled weakly. “Ano ‘yon... nakatadhana akong maging mag-isa?”
Ayaw akong kilalanin ng lahat. Kahit nga ang sarili kong ina, tinalikuran ako. Siguro, napagod siya sa akin. Dahil ang hirap-hirap kong pasiyahin, pakisamahan, at mahalin.
Natigilan ako nang umisod si Rafael sa tabi ko. Kinabig niya ang gilid ng ulo ko para isandal iyon sa balikat niya, saka pinagpahinga ang kamay sa braso ko.
“As long as I’m here, you are not alone.”
As long as you’re here, I’ll be the weakest soldier. Pinakamahina tuwing nariyan ka dahil alam kong may mag-aalaga sa akin kahit anong mangyari.
“Are we now friends?” We both chuckled.
“Thanks, Raf.” I whispered.
•••
YOU ARE READING
(ii) wish you were sober
Teen Fiction✧*。Reign & Rafael Pleasure in the peak of soberness.