“Tita Janna, puwede po bang uminom?”
“Basta huwag kayong magpakalasing masyado, ha. Sa kusina lang kami,”
Napantig ang mga tainga ko nang makarinig ng inuman. Tiningnan ako ng masama ni Raya. Hinihintay namin si Felize para surpresahin pero hindi pa dumarating. Wala naman sigurong masamang tumikim?
Sumunod ako roon sa mga kaibigan ni Jay. Raf at Mitch? Hindi ko alam kung ‘yan nga ang pangalan, narinig ko lang kanina.
“Hi, pa-shot.” Ngumisi ako.
Natawa iyong Raf. “Weh?” Binuksan niya ang bote. “Mga hitsurang ganito ‘yong mahina sa inuman, e.”
Napasinghal ako ng wala sa oras.
“Excuse me?!”
Pareho silang natawa, tinanggal noong Mitch ang salamin niya at isinabit sa bulsa ng polo niya. Bumaling ito sa akin.
“Sorry, Miss. What’s your name again?”
“Reign.” Pasimple akong umirap.
Napatingin si Raf sa akin at tumigil sa pagsasalin sa shot glass. Mahinang natawa si Mitch sa reaksiyon nito.
“Bro, katukayo pala ‘to, e. Magkakasundo kayo niyan.” Tinguan niya pa ito.
Kumunot ang noo ko. Akala ko, Raf ang pangalan niya?
“Rain Rafael,” naglahad siya ng kamay sa harap ko.
Para hindi naman masyadong bastos ay inabot ko iyon pero dulo ng daliri lang. Napailing na lang siya habang natatawa saka mabilis na nilagok ang unang baso.
“Sabi nila, matitibay daw sa inuman ang mga may gano’ng pangalan. Huwag mong ipapahiya ang sarili mo, ah.” He smirked. “Inom na,”
“Ang maunang malasing —” hindi ako pinatapos ni Raf.
“Ang maunang malasing, mamalasin ang love life.”
“Ang maunang malasing, kasumpa-sumpa ang first kiss.”
Ngumiwi siya. “Corny mo talaga, Mitch.”
•••
YOU ARE READING
(ii) wish you were sober
أدب المراهقين✧*。Reign & Rafael Pleasure in the peak of soberness.