Epilogue

3.9K 102 36
                                    

Jean Kaye Emerson

Nandito kami sa mall na magkakaibigan. Punyeta talaga itong dalawa. Mukhang kalahating milyon ang gagastusin ko sa gamit ng mga anak nila.

"Hoy kayong dalawa hanggang kalahating milyon lang ang budget ko sa inyo, ha! kapag lumagpas kayo diyan bahala na kayo sa buhay niyo!" Inakbayan ako ni Jill saka niya hinalikan ng madiin ang pisngi ko.

"Love na love talaga kita, eh. Okay na ako, pakibayaran na lang ito." Pagkakita ko sa push cart niya tambak ng gamit. Naguumapaw, yong mga laruan nasa ilalim ng cart.

"Ano ba yong anak mo Jill, walang damit? Ngayon ka lang ba bibili? Bakit napakarami nito? Baka hanggang mag debut na siya nito, hoy!"

"Oo, hanggang mag eighteen years old na siya niyan."

"Punyemes ka, Jill!"

"Ito yong akin Jean. Konti lang 'to."

Isa rin itong si Jo eh.

"Konti lang kamo? Halika nga at lulunurin kita rito sa mga kinuha mo! Anong klase!"

Mas marami pa ang kanya kesa kay Jill. Iniwan nila ang push cart nila sa akin. Tiningnan ko ang mga piniling damit ni Jill. Ang papangit! Gugustuhin ba ni Jian ang mga 'to? Yong mga pangit hiniwalay ko, dahil hindi ako papayag na magsuot ang mga pamangkin ko ng mga pangit na damit. Kaso yong mga naiwan ang mga mahal ang presyo.

Di bale na nga!

Mga bwisit talaga. Kung di ko lang mahal si Jian at Jamsen, hay naku! Umuwi kami na punong puno itong loob ng sasakyan. May mga gatas pa silang pinamili.

"Regalo ko na sa mga anak niyo yan hanggang mag senior citizen sila, ha."saad ko habang ibinababa ni Jo ang mga pinamili ko para sa anak niya.

"Salamat, Pappa Jean!"si Jo.

Sunod na ihahatid ko si Jill.

"Diyan na lang sa tabi Jean."

"Ayoko nga, dito ka sa gitna ng kalsada bababa."

"Siraulo ka talaga! Sapakin kaya kita, igilid mo!" Tinawag niya ang mga guard niya at sila ang nagbuhat ng mga pinamili.

"Babye! Pappa Jean! Sa uulitin."si Jill.

"Mukha mo! Sa uulitin ingu-ngudngod ko yang mukha mo sa pwet ko! Hayop!"

Nag sign siya ng Mac donalds sa ulo niya sabay ngiti. Parang tanga! Bugok talaga yang si Jill. Umuwi na ako. Syempre hindi ako magpapatalo. Marami rin akong pinamili para sa anak ko.

"Dada!"sigaw ni Jera nang makita akong bumaba ng kotse.

"Baby!" Kinarga ko siya. Masaya siya nang ipakita ko sa kanya ang mga bagong laruan niya.

"Mahal..."lumapit rin sa amin si Mira Jane, siniil ko siya ng halik.

"Bakit ang aga mo Jean? Wala ka bang meeting?"

"Wala, cancelled ang mga meetings ko kaya solo niyo ako ngayon." Inakbayan ko siya at napayakap siya sa bewang ko.

"Impakto ka talaga, ano yang mga pinamili mo? May zombie apocalypse ba at parang binili mo na lahat ng laman ng mall?"

"Mahal naman, syempre marami akong pera kahit buong mall ay kaya kong bilhin."

"Nagyayabang ka na naman impakto."

"Hindi ah."

Ibinaba na namin ang mga pasalubong kong laruan at mga damit sa anak namin. At hinayaang makapaglaro si Jera dito sa veranda. Nasabi ko naman sa asawa ko na lilipat na ng school ang batang laging nangbubully kay Jera. Hindi ko na binanggit kung anong dahilan at kung anong nangyari. Bilang head of the family, sisiguruhin ko na magiging maayos ang kapakanan ng asawa ko at ng anak ko.

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon