Chapter 38

1.7K 62 0
                                    


Mira Jane Garcia

"JEAN!!!!!!"malakas ang sigaw ko habang palabas ako ng kwarto. Sapo ko ang sumasakit kong tiyan at halos hindi ko malaman kung saan ako kakapit

"Jean, manganganak na ako!Ah aray."

Pero walang sumasagot. "Ah! Ang sakit!!! Jean...nasaan ka?"

"Mahal, bakit anong nangyari?!"

Napakapit agad ako sa kanya pagdating niya. Hindi agad ako makasagot dahil humilab ng matindi ang tiyan ko at namilipit ako sa sakit.

"....anong masakit sayo?"

"Jean, masakit! Lahat masakit, manganganak na ako!"

"Ha? Teka! Teka! Wait lang, relax ka lang kasi pati ako natataranta. Hinga ka ng malalim."

"Dalhin mo na ako sa hospital."

"Ah yeah yeah! Manang!!! Manganganak na ang asawa ko! Tumawag ka ng ambulance para madala na sa hospital si Mira Jane."

Parang ngayon lang nahimasmasan si Jean. Parang mas kabado pa siya kesa sakin.

"Jusko manganganak na! Sige po Ma'am! Tatawag ako saglit."

"Mahal ko, diko ka muna sa sofa habang hinihintay ang ambulansya."

Umupo ako at nagsimula na namang humilab ng matindi ang tiyan ko.

"Mam Jean, in five minutes nandito na yong ambulansya."

"Okay Manang."

Napapakapit ako sa braso ni Jean. Yong limang minuto ay parang napakatagal para sa akin.

"Mahal andiyan na yong ambulance."

Nakarating naman kami agad dito sa hospital, at nakasakay ako sa stretcher at mabilis itong itinutulak papuntang delivery room. Halos hindi ko mawari yong sakit na nararamdaman ko.

"Jean sobrang sakit."

Halos mapiga ko na ang kamay niya nang hawakan ko siya.

"Kayanin mo mahal ko. Babantayan kita, pangako."

"Huwag kang aalis sa tabi ko please. Natatakot ako Jean."

Mahigpit akong humawak sa kamay niya. Halos maiyak ako sa sakit at takot. Totoong takot na takot ako dahil sa bagong karanasan na ito. Hindi matatawaran ang sakit na nadarama ko habang tila binibiyak ang buo kong pagkatao. "Jean..."

"Hindi ako aalis sa tabi mo, kinausap ko na ang doctor pinayagan niya ako na samahan kita sa loob ng delivery room. Babantayan kita, nasa tabi mo ako palagi mahal ko."

Pagdating dito sa pintuan ng delivery room nabitawan ko yong kamay ni Jean.

"Jean!!! Huwag mo akong iwan."sigaw ko at mangiyak-ngiyak na ako.

"Sandali lang, mahal ko. Kailangan ko lang magsuot ng hospital gown. Hindi kita iiwan, babalikan kita."

Pinahiga na nila ako dito sa kama pero wala pa si Jean.

"Jean...."

Tawag ko sa kanya at nakita ko ang pagpasok niya.

"I'm here, tahan na mahal ko. Huwag kang matakot, magkasama tayong dalawa. Kaya mong lagpasan 'to. Okay?" hinawakan niya agad ang palad ko. Matagal na oras ang ginugol ko sa pagli-labor. At ilang sandali pa, pinipilit na ng doctor na mailuwal ko ang baby.

"Take a big breath...hold your breath then push!"

"Ahh!!!"

Nakadikit na ang baba ko sa chest ko habang nag-pu-push. Pero ang hirap, nakakapagod, nakakaubos ng lakas. Hindi ko mailarawan yong sakit na nararamdaman ko ngayon.

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon