Chapter 10

3.5K 133 5
                                    

Jean Kaye Emerson

NALIGO na kami at nagbihis, ihahatid ko muna siya papuntang shop niya. Ilang minutes lang andito na kami sa tapat ng shop niya.

"Mauna na akong pumasok, Jean."pababa na siya ng sasakyan.

"Sure, ayusin ko lang ang pag-park ng kotse."

"Okay."

Medyo masikip kasi ang parking dito sa shop ni Mira Jane. Napakarami kasing tao at mga tricycle. Nong maiayos ko na ang pagpark saka ako bumaba. Pagpasok ko ng shop nasa counter siya may kausap na lalake. Hindi ko sure kung customer o supplier. Nakataas na naman ang kilay ko.

Guapo kasi yong kausap niya. Eto pa naman si Mira Jane, kapag nakakakita ng guapo ang bilis kiligin. Ngiting-ngiti siya habang kausap yong lalake. May paghawi pa siya ng buhok saka inipit sa tenga niya habang tinitingnan yong papel na iniabot nong lalake. Huh! Sige ngiti pa! Lagot ka sakin Mira Jane!

Nakapameywang na ako. Sa tagal kong nakatayo rito ay naririnig ko ang usapan nila, bagong supplier niya yong kausap niya.

Buti naman at umalis na! Kaya nilapitan ko agad si Mira Jane.

"Kinikilig ka pa ata habang kausap yon, ah."

"Impakto, para kang tanga."sabi niya saka niya ako tinalikuran at nagpuntang kitchen.

Sumunod ako sa kanya.

"Hoy Mira Jane, baka nakukulangan ka pa sa dalawang singsing na ibinigay ko sayo para marealize mong engaged ka na sakin! Gusto mo pa atang punuin ko ng singsing yang daliri mo!"

At mukhang siya pa tong naiinis!

"Baliw ka impakto. Supplier ko yon ng mga itlog, may ari sila ng malaking poultry. Sa kanya na ako kumuha kasi laging short ang binibigay ng dati kong supplier."

"Supplier pero kung makangiti ka sa kanya para kang kinikilig. Umayos ka Mira Jane!"

"Sira ka ba! Anong gusto mong gawin ko? Umiyak ako habang kausap ko yon? Baliw ka pala, impakto!"

"Palitan mo yong supplier mo. Ayoko sa kanya!"

Ang sama ng tingin niya sakin.

"Alam mo impakto mabuti pang lumayas ka rito! Sisirain mo pa ang araw ko."

"Talagang lalayas ako! Naiinis ako sayo, banyo queen! Ipagpapalit mo pa ako sa itlog na yon!"

"Impakto ka talaga kahit kailan!"

Binigyan ko siya ng matalim na tingin bago umalis. Imbes na tumambay muna ako sa shop niya hindi ko na ginawa, dahil naiinis talaga ako. Porke guapo ngiting ngiti siya.

DITO muna ako tumuloy sa opisina ni Jill. Kailangan ko lang ilabas tong inis na nararamdaman ko.

"Jean, ikaw na ata ang pinaka-relax na negosyante. Marami kang oras na maglakwatsa."sabi niya pag upo ko rito sa couch.

"Busy din ako madalas Jill pero kaya kong patakbuhin ang kumpanya kahit wala ako sa opisina. Pero yang si Mira Jane pinapasakit talaga niya ang ulo ko!"

"Oh bakit anong ginawa niya?"

"Nakikipag-usap siya sa guapong supplier ng itlog! Tama ba yon?"

Gago rin tong si Jill tawa ng tawa. Sarap hambalusin ng sapatos! Pag di siya tumigil ipapakain ko sa kanya tong sapatos ko!

"Anong gusto mo, pangit lang ang kausapin ni Mira?"

"Ayoko na nakikipag usap siya sa guapo dahil baka ipagpalit niya ako."

Lalo na namang natatawa si Jill. Ingudngod ko na kaya siya sa mesa!

"Napaka-selosa mo naman Jean."

"Bakit ikaw hindi ba?"

"Oo, nagseselos rin ako pero natatawa kasi ako sayo. Kausap lang naman pala, anong masama sa ginagawa ni Mira? Baka sa paghihigpit mo lalo yon mabwisit sayo. Iwanan ka pa."

"Subukan lang niya!"

"Relax Jean. Para kang tanga magselos."

"Paano kapag ipinagpalit niya ako sa lalakeng may itlog? Paano ako Jill?"

"Hindi gagawin ni Mira yon sayo. Tingin mo ba nong wala ka rito sa bansa hindi yon nakikipag usap sa guapo? Naghintay siya ng ilang taon sayo na bumalik ka rito sa bansa, kaya magtiwala ka sa kanya. Mahal ka non, hindi ka ipagpapalit sa betlog."

Saka lang ako huminahon sa sinabi ni Jill.

"Nagseselos kasi ako, ang ganda kasi ng ngiti ni Mira Jane kanina habang kausap yong lalakeng yon. Gusto ko ako lang ang dahilan ng mga ngiti niya."

"Ang korni mo talaga, Jean. Naaalibadbaran ako sa kakornihan mo!"

Binato ko nga siya ng throw-pillow.

"Bwisit ka Jean!"

"Bwisit ka rin!"

Humiga muna ako rito sa sofa habang busy si Jill sa ginagawa niya.

Si Mira Jane pa rin ang nasa isip ko.
Bakit ba kasi mahal na mahal ko siya? Ni hindi man lang nabawasan kahit katiting ang pagmamahal ko sa kanya nong umalis ako ng bansa, parang mas lalo ko pa siyang minahal nong makita ko ulit siya.

Siguro, kailangan kong mag unwind para mawala yong selos na to.

"Jill, punta tayo mamaya sa bar ni Yanzki?"

"Ikaw na talaga ang hindi busy, Jean. Marami pa akong ginagawa."

"Asan ba kasi yang kapatid mong mangkukulam? Siguro may hawak na namang karayom yon? Turuan mong magpatakbo ng negosyo ng hindi ikaw palagi ang busy."

"Saglit Jean, tawagin ko na pumunta rito nasa kabilang office lang si Wendy."

"Ah talaga? Andito pala siya."

Seryoso nga si Jill tinawagan niya sa telepono ang Sis niya.

"Wendy andito si Jean, hinahanap ka mangkukulam ka raw."

Sira-ulong Jill na to! Sinumbong ako Nanlaki ang mga mata ko nong pumasok si Wendy.

"Sinong mangkukulam, ha?!"

"Ikaw!! Aray!!!"sinabunutan niya ako!

Sinabunutan ko rin siya!

Bwisit!

"Nagbibiro lang ako Wendy, yong buhok ko please ayoko na mabawasan ng kahit isang hibla 'to."

Ang sama talaga ng ugali ng babaeng 'to!

"Huwag ka ng pupunta rito!"

Nag make face lang ako sa kanya.

Bruha! Bruha! Bruha! Lumabas na ulit siya ng pinto. Pumunta lang siya para sabunutan ako?! Gaga talaga siya!

"Bwisit talaga yang kapatid mo Jill. Dapat tinakwil mo na yan, dahil wala naman siyang silbi!"

"Lahat na lang ina-away mo Jean. Pero mukhang namiss ka non."

"Hindi ko siya namiss! Saan ba nagmana yan? Mabait ka naman Jill, mabait naman si Tito. Siguro sa lamang-lupa yan ipinaglihi. Masama talaga ugali niya."

"Isa ka rin lamang-lupa. Sabi nga ni Mira ay Impakto ka."

"Talaga ba?! Sapakin kita diyan, eh!"

Inabot na ako ng lunch dito sa opisina ni Jill, sabay na kaming naglunch sa katabing restaurant ng building niya. After ng lunch ay pumasok na ako dito sa opisina ko at nakipag meeting saglit sa mga clients, at ni-review ang mga documents na nasa ibabaw ng table ko.

Pagdating ng hapon nakatanggap ako ng message mula kay Mira Jane. Excited pa naman akong buksan pero nong basahin ko halos ibato ko ang phone ko!

["Sa bahay muna ni Mama ako matutulog ngayong gabi. Bukas na tayo mag-usap, galit ako sayo."]

Nakakabanas talaga!

Mira Jane naman, nakakainis ka talaga! Natitiis mo pa rin ako hanggang ngayon!

....

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon