Jean Kaye EmersonTumitindi ang kaba sa dibdib ko habang nakatayo ako rito sa gilid ng altar, ngayon lang ata ako nakaramdam ng ganito katinding kaba sa buhay ko.
Sinong mag aakala na ang isang kagaya ko noon na nababansagang Miss Playboy ay makakatagpo din ng great love sa mundong ito. Hindi man ganon ka-smooth ang love story namin ni Mira Jane, may mga ups and downs din kaming naranasan, still masasabi ko isa sa pinakamatatag ang love story naming dalawa.
Katabi ko ang dalawang kaibigan ko na sina Jill at Jo. Habang ang mga pamilya at mga kaibigan namin ay nakaupo habang hinihintay din ang pagpasok ni Mira Jane sa pintuan ng Chapel.
"Guys, okay ba ang suot ko? Bagay ko ba? Hindi ba gusot?"tanong ko sa dalawa at sabay nilang tiningnan ang suot ko.
"Okay naman, mukha kang matino sa suot mo."si Jill.
"Kelan ba ako hindi naging matino? Sa ating tatlo ako ang pinaka-matino."
Sa itsura palang nila mukhang ayaw na nilang sumang-ayon sa sinasabi ko. Napapangiti tuloy ako.
"Kakaiba ang mga ngiti mo Jean."si Jo.
"I'm just happy. Isa na sigurong dahilan yong andito kayong dalawa sa tabi ko sa isa sa pinaka-special na araw ng buhay ko, at ganon din ang ibang mga kaibigan natin. Pero higit sa lahat malapit ko na maging asawa si Mira Jane, minuto na lang ang hinihintay ko."
"I feel you, Jean. I feel you! Ganyan din ako nong ikinasal ako kay Anne."
Isang marahang tapik ang ibinigay ni Jill sa balikat ko.
"After three days kami naman ni Sam ang ikakasal. Huwag ka mag alala Jean, naglaan ako ng two days para sa honeymoon niyo ni Mira, Jill sagot ko na ang hotel niyo ni Anne at ng ibang kaibigan natin."
"Ang galing mo magplano bunso. Di mo nalang isinabay ang kasal mo sakin. Siraulo ka!"
"Nahihiya akong masira ang moments niyo ni Mira."
"Pero yong honeymoon namin kaya mong sirain. Hayop ka!"
Natatawa silang dalawa. Mga baliw talaga! Kahit kailan palpak sa plano 'tong dalawa, madalas puro biglaan at gulatan ang nangyayari.
"Here comes the bride!"
Natigil ang pagiisip ko nang magsalita si Jo.
Huminga ako ng malalim!
May kung anong kiliti ang dumapo sa puso ko nang makita ko ang unti-unting pagbubukas ng pintuan. Bumungad ang napakagandang bride, walang iba kundi ang mahal ko na si Mira Jane.
"Oh God! She's beautiful!"hindi ko napigil ang sarili ko na mamangha.
"I agree there's no doubt about it, Jean."si Jill.
Ang mahal kong si Mira Jane na dati ay parang bibili lang ng suka ngayon ay isa nang napakagandang bride.
Oh God! Para akong timang na kinikilig.
Nasasabik tuloy ako habang pinagmamasdan siya na dahan-dahang naglalakad sa aisle habang hawak ang bouquet ng bulaklak. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.She's beautiful and stunning sa suot niyang wedding gown.
Sa paglipas ng panahon ay higit pa siyang gumanda.
Totoo na marami akong nakilala na higit na mas maganda sa kanya, pero iba si Mira Jane, hindi niya kinailangan na makipag-compete sa mga babaeng umaaligid sa akin dahil ako mismo ang hibang na hibang mapa-ibig lang siya.
Konting sandali na lang pagmamay-ari ko na siya.
Hanggang sa makalapit siya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niya at humarap kami sa altar. Tinitigan ko siya at ganon na lamang ang ligayang nararamdaman ko dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔
Storie d'amore[Completed] Mature content | SPG | R-18 | Girl Love BOOK 2 Jean Kaye Emerson & Mira Jane Garcia