Jean Kaye Emerson
NAGDRIVE ako papuntang bar ni Yana pag-out ko ng office. Ayokong umuwi sa bahay, ayokong matulog ng mag-isa!
Ayoko na hindi ko katabi si Mira Jane. Gusto kong maiyak. Eh sa nagseselos ako na makita siyang may kausap na guapo.
Ang lungkot ng pakiramdam ko.
"Well, well, well! Look who's here." May dala dalang goblet si Yana habang pinupunasan ito ng white cloth. "What brought you here?"
Bumuntong hininga ako.
"Mukhang kailangan ko na naman buksan yong counselling office ko. Ano? May problema na naman ba, Jean?"
"Wala! Nandito lang ako para... you know....mang-asar."sagot ko.
Ngumiti si Yana saka siya nagtaas ng kamay.
"Ellaine, yuhoo! May naghahanap sayo galing mental."Gagong Yana! Mas mukha siyang galing mental! Dahil sira ang tuktok niya! Gurang talaga kahit kailan!
Lumapit naman si Ellaine suso sakin.
"Oh bakit ka nandito? Namiss mo ba ako?"
"Bakit naman kita mami-miss Ellaine suso."
"Oh eh, Anong ginagawa mo rito?"
"Di ba bar to Ellaine? Sa tingin mo ba pumunta ako rito para magswimming?"
"Sarap mong hampasin ng bote Jean!"
"Sige na, para hindi na kayo magtanong nandito ako para humingi ng gatas sa suso mo."
Halos pukpukin niya ako ng bote.
Gaga talaga!
"Sus, hulaan ko nag away na naman kayo ni Mira?"
Nagmake face ako. Bwisit! Pina-alala pa.
Baka mamaya ang iniisip ni Mira Jane yong guapong supplier niya ng itlog.
Ang sakit sakit naman isipin non!
Guapo rin naman ako, eh. Tapos maganda pa ako. Ano pa bang hahanapin niya? Mayaman pa ako at matalino.
Napapailing na lang ako.
"Hay kawawa naman ang isang to."si Ellaine.
Mang aasar na nga lang ako.
"Wala ka bang balak pabawasan yang suso mo? Parang ang bigat tingnan."
"Di ka pa ba sanay, ha? Kunyare boobs ko ang pinagtitripan mo pero ang totoo magka-away kayo ni Mira kaya ka pumunta rito."
Hindi ko pinansin yong sinabi niya. Dedma lang ako.
"Pabawasan natin yang suso mo. Sagot ko na yong isa."seryoso ako sa sinabi ko.
"Gaga! Yang mukha mo kaya pabawasan ko! O kaya ilipat ko yang ilong mo sa bandang noo mo!"
"Sige papayag ako, basta ililipat ko rin yang suso mo sa noo mo."
Sinapak ba naman ako!
Gagang babae na to!
Tumahimik na ako pero parang nang-aasar tong si Ellaine.
"Mira! Mira! Mira!" Paulit ulit niyang binabanggit ang pangalan ni Mira Jane.
Dedma! Ayokong patulan.
Kaso ang boring wala akong kausap kundi tong si suso lang.
"Sinong boyfriend mo ngayon Ellaine?"pag iiba ko ng topic.
"Mhm? Wala."
"Wala? Seryoso ka ba? Ikaw pa ba ang mawawalan ng boyfriend?!"
"Wala nga ang kulit mo!"
BINABASA MO ANG
Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | SPG | R-18 | Girl Love BOOK 2 Jean Kaye Emerson & Mira Jane Garcia