Chapter 14

2.1K 93 0
                                    


Mira Jane Garcia

Ilang araw na rin ang lumipas nong makasama namin si Ivan.

Andito kami ngayon sa likod ng bahay ni Jean. Five-thirty na ng hapon at naisip niyang mag-ihaw para sa dinner namin.

Malawak ang bakuran ng bahay, may sapat na espasyo sa harap at dito sa likod.

Pwedeng magbonding rito kahit mga sampung katao.

Dahil dalawa lang naman kami ni Jean ay nagmumukhang maluwag ang lugar na ito.

Pag dating ng bandang 6pm ay nag simula na siyang mag-ihaw.

"Jean mamaya siguro pupunta si Mama dito, kausap niya ang mga kumare niya nagvi-video call sila."

Natatawa si Jean.

"Bagets na bagets si Mama mo, Mira Jane."

"Kaya nga."

Pinapanood ko lang siya.

Baby back ribs ang iniihaw niya, kumuha naman ako ng sweet potato at isinama sa ihawin niya.

Kahit ata ganito lang ang bonding naming dalawa ay masaya ako.

Pagkatapos ng pag iihaw ay inilapag na ni Jean ang plato na naglalaman ng inihaw na baby back ribs at kamote dito sa table.

Maliwanag ang paligid namin dahil napapalibutan naman kami ng mga ilaw na nakakabit sa bakod.

May electricfan din kaming gamit na nakasaksak sa mahabang extention wire. Pantaboy ng mga insekto.

"Jean ihahatiran ko na lang si Mama sa bahay niya baka kasi busy pa yon sa pakikipag usap."

"Sure."

Kumuha ako ng extrang plato at nilagyan ito ng mga inihaw saka ko dinala dito sa bahay ni Mama. Busy nga siya, akala mo call center agent na nakikipag usap.

Nakita naman ni Mama ang nilagay kong food sa mesa, sumenyas lang ito ng thank you at bumalik na ako ng bahay namin ni Jean.

Kahit mag isa si Mama mukhang masaya naman siya. May naipagmamalaki na siyang bahay sa mga kumare niya.

At nagsisimula na siyang magtanim ng mga orchids sa bakuran niya kaya lalo siyang masaya.

Nakwento ko kay Jean ang ginagawa ni Mama at natatawa siya.

"Baby back ribs! Ang tagal kong hindi nakakain nito, Jean."

Kitang kita ko ang ekspresyon ng mukha ni Jean na parang hindi makapaniwala.

"Kung sakaling nagdi-date lang tayo noon baka lagi kitang ilibre ng ganito."sabi niya.

"Walang nanlibre sakin neto Jean nong wala ka rito."

"Sige na kumain ka na, lahat ng gusto mong matikman na pagkain including myself ay ipapatikim ko sayo. Sad to say, hindi ka natatakam sa katawan ko."may pagkaseryoso siyang nagsasalita kaya natatawa ako.

Naglagay siya ng red wine sa goblet at ibinigay niya sa akin ang isa.

Tamang tama ang red wine sa kakainin kong baby back ribs.

Hinihiwa na rin ni Jean ang pagkain niya gamit ang tinidor at kutsilyo kaso bigla siyang tumigil at tumayo.

"Bakit Jean? Saan ka pupunta?"

"Ahm nakalimutan ko yong tubig mo. Wait lang, ha?"

Nanlambot ang puso ko.

Alam kong hindi nagpapa-impress si Jean kusa niyang ginagawa ang mga bagay na iyon para sa akin.

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon